Sira na kahit 2023 lang natapos ang isang dike sa San Teodoro, Oriental Mindoro na pinondohan ng mahigit P300 milyon. Bistado sa nabiyak na bahagi nito ang kawalan halos ng bakal at manipis na semento.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Si Rana, kahit 2023 lang natapos ang isang dike sa San Teodoro Oriental Mindoro na pinondohan ng mahigit 300 milyong piso.
00:11Bistado sa nabiyak na bahagi nito ang kawalan halos ng bakal at manipis na semento.
00:18Nakatutok si Maki Pulido.
00:19Higit 380 milyon pesos ang kabuang halaga ng dike project na ito sa Subaan River sa San Teodoro Oriental Mindoro base sa Sumbong sa Pangulo website.
00:35Nang mabiyak ang semento noong 2024, lumubog na ang ilang bahagi ng dike dahil kinain na ng ilog ang lupang pinagpatungan ng manipis na semento.
00:44Habang nandun kami, may mga nahuhulog pang semento sa ilog dahil katatapos lang umulan.
00:50Sabi ng mga opisyal ng barangay, may gumuhong bahagi na rito noong 2024 at nang manalasang habagat noong nakaraang buwan, bumigay na rin ang iba pang bahagi ng dike.
01:01Noong 2023 lang natapos ang porsyon na ito ng dike project.
01:05Pero matapos lang ng dalawang taon, ito na ang itsura niya.
01:09Wasak dahil hindi daw kinaya ang lakas ng agos at dami ng tubig noong July 2025.
01:17Ayon sa barangay, inumpisahan ang construction ng dike ito noong 2022 at nakompleto noong 2023.
01:24Na-report na raw ito dati ng barangay sa DPWH.
01:26Nagkakaroon na po ng bitak yung kanilang gawa.
01:30Tapos po, inano po namin sa taga DPWH po, sa mga engineer.
01:34Ngayon po, parang inais po nila.
01:38Yung mga retouch-retouch po, inano po nila.
01:40Tapos nagkaroon po ng disaster po, nagkaroon ng baha.
01:44Doon po nagkaroon na ng lumaki na po yung gumuho na po.
01:48Tulad ng ibang mga flood control project dito sa Oriental Mindoro, wala rin koordinasyon sa lokal na pamahalaan ang proyektong ito.
01:56Nang mabiyak nga raw ang dike, doon na lang nila nakitang manipis na nga ang semento, halos wala pang ginamit na bakal.
02:03Walang mga bakal yung ano, yung itong dike.
02:09Kung meron man, medyo kakaunti.
02:12Malaki po yung baha, talagang maapaw yung baha, ay siguro yung hindi kinain ng kongkreto, yung pagka, kaya nag-crack na siya.
02:21Sa isang tingin po namin, eh hindi po siya angkop doon sa lugar, at saka doon sa volume at karant purong tubig na dumadaloy po dito.
02:31Siguro mas magiging matibay po ito o mas malaki yung mga bakal.
02:35Hinati sa tatlo ang dike project na pinaghatian din ng tatlong construction company.
02:41Base sa datos ng DPWH na nasa isumbong website ng Pangulong Marcos.
02:46Isa sa mga construction company, ang New Big 4J Construction Inc., nakuha ang phase one ng proyekto sa halagang halos 145 milyon pesos.
02:56Minsang na-blacklist ito mula 2016 hanggang 2017, batay sa inilabas na listahan ng Construction Industry Authority of the Philippines dahil sa isang proyekto sa Quezon City.
03:07Nakatanggap na rin ito ng rating na POOR sa Constructors Performance Evaluation System Report ng 2015 to 2018 para sa isang proyekto naman sa Laguna.
03:17Ang dalawang iba pang construction company ay ang Prime Pacific Marine and Industrial Services Corporation na nakakuha rin ng halos 145 milyon pesos na budget
03:27at ang Road Edge Trading and Development Services na nakacorner naman ng higit 96 milyon pesos.
03:34Ang Road Edge Trading nakakuha ng dalawang unsatisfactory ratings mula sa Constructors Performance Evaluation System o CPES noong taong 2014.
03:45Inaalam pa sa ngayon ng GMA Integrated News kung sino sa tatlong kontraktor ang humawak sa bahaging na pinsala.
03:53Sinusubukan pa namin kunin ang kanilang mga pahayag.
03:56Patuloy pa rin namin hinihingi ang panig ng DPWH Mimaropa Regional Office.
04:01Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido Nakatuto, 24 Horas.

Recommended