00:00Isang TNVS driver ang sinaksak ng mga pasaherong nagbook sa kanya sa Taytay Rizal at nagpahatid sa Pampanga.
00:08May report si CJ Torida ng GMA Regional TV.
00:15Duguan at halos mawalan na ng malay nang isugod sa ospital ang TNVS driver na si Julian Cesar Payoyo sa Macabebe, Pampanga.
00:24Ayon sa mga otoridad, sinaksak, tinutukan ng baril at pinalo siya sa ulo.
00:30Ang may kagagawan, dalawang pasaherong nagbook daw gamit ang ride hailing app mula Taytay Rizal na nagpahatid sa Pampanga.
00:39Bago ang insidente, nagawa pa raw ng biktimang abisuan ang kanyang kinakasama tungkol sa booking.
00:45Pero bago pa makarating ng Macabebe, nagpaikot-ikot daw sila sa iba't ibang lugar sa Pampanga hanggang makarating sa Barangay Konsuelo.
00:54May makang manakita mga tao, sinatsyad niya sa may gilid so nakawan niya atensyon, doon na yung nagkagulo na.
01:00Nagtangka raw tumakas ang mga sospek pero naabutan sila ng mga opisyal ng barangay at mga residente.
01:07Kung nimespondi kami, binakita kami yung sasakyan na red. Doon na namin nakita yung tao na duguan.
01:13Tapos yung dalawang naglalakad, nagtago sa mga damo-damo doon sa amin.
01:17Narecover sa kanila ang isang replika ng pistol, hand grenade, cellphone at sling bag na naglalaman ng iba't ibang ID.
01:25Nahaharap ang mga sospek sa mga kasong carnapping at frustrated homicide.
01:30Sinisikap namin silang makuha na ng pahayag.
01:33Nagpapagaling sa ospital ang biktima.
01:36CJ Torida para sa GMA Regional TV.
01:39Nagbabalita para sa GMA Integrated News.
01:43Huwag magpahuli sa mga balitang dapat yung malaman.
01:46Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.