00:00To be continued...
00:30Bases Act o yung Bawal Bastos Law laban dito.
00:34Yan ang alamin natin ngayong umaga dito sa MIL 101.
00:39Una, ano nga ba itong online gender-based sexual harassment?
00:43Ito pong online gender-based sexual harassment o GBSH
00:47ay isang uri ng violence o atake sa isang tao
00:50base sa kanilang seksualidad.
00:53Ito ay karaniwan nangyayari sa digital platforms.
00:57Ang tanong, ano-ano ba ang forms ng online gender-based sexual harassment?
01:02Kabilang dito ang mga banta, pananakot,
01:07o misogynist, transphobic, homophobic remarks online.
01:11Mapapost man yan or via private messages.
01:14Cyber-stalking at incessant messaging or incessant messaging.
01:20Pag-upload o pag-share ng intimate media like photos or videos
01:25nang walang pahintulot.
01:28At maging siyempre ang impersonation at paninira sa reputasyon.
01:33Ang online gender-based sexual harassment ay maaaring magdulot
01:37ng matinding distress sa mental, emotional, at psychological health
01:43ng isang tao.
01:44At posible rin itong maging banta sa personal na siguridad.
01:48Sa ating bansa po, isa sa mga batas na kontra dito
01:51ay yung Republic Act 11313 o yung Safe Spaces Act
01:56o Bawal Bastos Law.
01:58Ito po ay nilagdaan noong April taong 2019.
02:03Tinutugunan nito ang gender-based sexual harassment sa online spaces
02:07pati na rin sa pampublikong lugar, eskwelahan at trabaho.
02:11Ano ba ang penalties dito?
02:13Parusa, makasahit po sa RA 11313
02:16para sa online gender-based sexual harassment ay
02:19Prison Correctional.
02:22Medium period po, approximately 2 years and 1 day
02:24hanggang 4 years and 2 months.
02:26Yung fine o multa ay mula po 100,000 pesos
02:31hanggang 500,000 pesos.
02:33Maaaring rin pareho alinsunod sa desisyon ng hukuman.
02:38Paano po ito i-report?
02:40Ayon sa Implementing Rules and Regulation ng Batas,
02:43ang Philippine National Police sa PNP Anti-Cyber Crime Group
02:47ang pangunayang tanggapang tumatanggap ng ulat
02:50at nag-i-improve din ng real-time reporting mechanism.
02:55Kasama rin dito ang Cybercrime Investigation and Coordinating Sensor
03:01ng Department of Information and Communications Technology or DICT.
03:07Pwede rin tumawag sa mga nabanggit na opisina
03:09para magsumbong o mag-report.
03:11Mga ka-RSP, gaya ng lagi nating pinapaalala,
03:16maging maingat po tayo at responsable sa pagbibitiw ng salita
03:21at pangusga sa ibang tao
03:23dahil sa atin po nagsisimula ang pagtanggap at pagbabago.
03:28Pagdating sa ganitong issues,
03:30mahalaga ang awareness campaigns,
03:32responsible use ng digital platforms,
03:34at enforcement ng policy o protocols
03:37upang maiwasan at masolusyonan
03:40ang online gender-based sexual harassment.
03:44Yan po atin pinag-usapan ngayong umaga
03:46dito sa MIL 101.