00:00Nararanasan ngayon sa trabaho, hindi lang yung quiet quitting o pumapasok na lang kahit wala ng gana.
00:06Meron ding mga sawa na sa trabaho pero hindi magawang mag-resign.
00:10Yan ang quiet cracking.
00:12Kung bakit nararanasan ang mga yan, alamin sa report ni Bon Aquino.
00:20Nagtrabaho bilang service crew sa restaurant ang 19 years old na tawagin nating Vince.
00:25Pero dahil anya sa pinagsama-samang pressure at dami ng trabaho,
00:30hindi na po ako nagpapakitang gilas ko gano'n, something like that na hindi na po ako na ma-motivate.
00:38Matapos ang sampung buwan, nag-resign siya.
00:41Ayon sa isang human resources consultant,
00:43isa sa mga senyales na nagka-quiet quitting ng isang empleyado kapag wala na siyang motivation.
00:49Yung hinihintay niya na lang na ma-fire siya, wala na yung productivity niya.
00:53Ang team manager naman na si JR, di niya tunay na pangalan.
00:57Nakaranas daw ng tinatawag namang quiet cracking.
01:00Nilayo ko yung sarili ko sa mga tao, kumbaga nagtrabaho ako ng sarili ko lang.
01:05Ang empleyadong nagka-quiet cracking, ginagawa pa rin naman ang kanyang trabaho pero...
01:10Parang ginagawa niya na lang kung ano yung pinapagwa sa kanya.
01:12Naka-autopilot.
01:13Ilan sa mga posibleng dahilan na pagka-quiet quitting o quiet cracking ay problema sa pamilya.
01:19Kawala ng structured career path.
01:22Conflict sa kapwa empleyado o superior at di naayong sweldo.
01:26Payo niya sa employers.
01:28Regular check-ins.
01:30Yung hindi lang kamusta ka.
01:32Yung mas mararamdaman ng tao na belong siya na, oh, kamusta yung family mo.
01:36Mararamdaman niya na hindi siya takot mag-share.
01:39Gumawa ng mga wellness programs katuwang ang mga mental health professionals.
01:44Malaki naman daw ang benepisyo sa kumpanya kapag napangalagaan ng mental health ng mga empleyado.
01:49Less yung drama sa workplace. Less yung drama. Mas productive yung company. Na-achieve yung goals.
01:59Payo naman ang isang psychiatrist kung nagka-quiet quitting o cracking na sa trabaho.
02:04Una, hanapin ang ugat ng dissatisfaction.
02:07Pangalawa, i-communicate ito sa boss, supervisor o katrabaho.
02:12Mainam din anyang balikan ng dahilan kung bakit pinili ang trabaho sa umpisa.
02:16Para bumalik yung kanyang reason for being there.
02:20Kasi sometimes na due to the stress ng work, nawawala tayo sa focus.
02:25Pero kung nakakaranas na ng panic attack, distress, depression at anxiety,
02:30huwag mag-atubiling humingi ng tulong.
02:32Tiyakin din daw na makapagpahinga, mag-relax at gawin ang mga aktibidad
02:36na makakapagpasaya sa iyo after work hours para ma-recharge.
02:41Von Aquino, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:44Huwag magpahuli sa mga balitang dapat niyong malaman.
02:49Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube.