24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Arrestado ang isang rider sa Quezon City matapos niyang habulin ng patalim ang kapwa niya rider.
00:07Ayon sa mga polis, nakainom ang suspect na inakalang binubuntutan daw siya.
00:12Nakatutok si Bea Penlac.
00:18Sa kuhang ito ng CCTV, kitang magkasunod sa kalsada ang dalawang motorsiklong ito
00:24mula pook malinis papuntang pook libis sa barangay UP Campus, Quezon City nitong gabi ng Martes.
00:31Maya-maya, ang rider na naka-green t-shirt tumigil sa gita ng kalsada at bumaba ng motorsiklo.
00:38Hinarangan niya ang isa pang rider na naka-black t-shirt hanggang ang dalawa nagtalo at nagkapisikalan.
00:46Hindi na gaano na hagip sa CCTV ang away ng dalawa hanggang sa nakita ng tumatakbo ang rider na naka-black.
00:52Hinabol siya ng naka-green na rider na may hawak na palang patalim.
00:57Pati ang ilang nakasalubong nilang residente, nagtakbuhan.
01:01Nakahingi ng tulong ang biktima sa barangay.
01:04Agad rumispondi ang mga otoridad at kalaunay nahuli ang 50-anyos na suspect na napag-alamang nakainom pala.
01:11Ayon sa polisya, inakala umano ng suspect na binubuntutan siya ng biktima.
01:16According kay suspect, sinusundan daw siya.
01:24According sa victim, kinak siya nitong suspect at sinita na bakit na sinusundan.
01:33Nung nagkaroon sila ng palitan ng salitaan, ay siguro napikon siya.
01:39Inunahan niya, sinuntok niya si victim.
01:42At hindi pa siya nakontento, binunutan pa niya ng kutsilyo.
01:46Hindi na-recover sa suspect ang patalim pero aminado siyang bit-bit ito habang hinahabol ang biktima.
01:53Yung sinasabi niyang patalim, ano yun, yung maliit na ano, maliit lang na ano yun, pang ano sa mangga.
02:01Ay, naano yun sa ano, sa spark plug nga pag naglilinis ako.
02:06Nakalagay lang sa susiyan yun.
02:08Wala naman po akong intention sa kanya nun.
02:10Kasi ang akala ko po, kinokrosonado po ako.
02:13Naginit ang ulo ko doon.
02:14Reklamong attempted homicide ang isinampalaban sa suspect na nakapiit sa Anonas Police Station.
02:20Para sa GMA Integrated News,
02:23Bea Pinlak, nakatutok 24 oras.

Recommended