00:00Ininunsad na ng pamahalaan ang kauna-unahang National Universal Healthcare Summit sa bansa.
00:06Dito, ibinida rin ng Health Department ang umiiral na zero-billing policy sa lahat ng DOH hospitals.
00:14Si Vel Custodio sa detalye.
00:18Idinaos ang kauna-unahang National Universal Healthcare Summit.
00:22As we convene in this first National UHC Summit, we gather to rekindle the promise that in this nation,
00:34health should never again be a privilege for the rich and the fortunate, but a birthright and guaranteed to every Filipino.
00:43In 2005, nang i-adapt ng World Health Assembly ang Resolution WHA 53.33 Transition na layuning isulong ang universal health coverage
00:52na nakaangkla sa sustainable financing and risk protection.
00:56Pinangunahan ng Department of Health, Asian Development Bank, Union of Local Authorities of the Philippines,
01:03at Philippine Business for Social Progress ang National Universal Healthcare Summit.
01:07Ibinida ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang zero-balance billing policy sa lahat ng DOH hospitals.
01:15Mula din sa 58 UHC integration sites ang ipatupad ng Universal Healthcare Law,
01:20mahigit isang daan na ang UHC integration sites.
01:23Ayon sa kanya, nananatiling prioridad ang pamahalaan ng programang pangkalusugan.
01:28Ang DOH at PhilHealth ang pangatlo sa may pinakamataas sa allocations na proposed budget
01:33na may P320.5 billion proposed budget para sa 2026.
01:38Sa kalagitnaan ng kanyang speech.
01:41The type of healthcare is also dependent on the type of healthcare your government gives you.
01:46Daming tumatawag sa akin kasi daw may preventive suspension ako.
01:57Wala naman akong natatanggap.
01:58Preventive suspension.
02:00Anyways.
02:01Nauna ng pinabulaanan ni Palas Press Officer Yusek Claire Castro,
02:05ang mga hakahakang may preventive suspension si DOH Secretary Herbosa,
02:10kaugnay ng mga reklamo sa kalihim dahil sa umano'y unauthorized release
02:13ng P44.6 million worth ng psychiatric drugs sa Rotary Club ng Quezon City
02:19at ang inilabas ng Commission on Audit na mahigit 1 bilyong pisok
02:23ang liquidated cash advances sa UNICEF.
02:26Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.