00:00Iginiit ng San Mateo Rizal LGU na hindi sila kinonsulta o inabisuhan kaugnay
00:05sa paglilipat ng basura mula sa Maynila sa New San Mateo Sanitary Landfill.
00:11Ayon kay San Mateo Mayor Omi Rivera,
00:13ang itinayong landfill sa kanilang bayan ay alternatibo sakaling ipahinto
00:17ang operasyon ng landfill sa bayan ng Rodriguez.
00:21Hindi rin daw ito nakadesenyo para maging imbaka ng malaking volume ng basura
00:25mula sa Metro Manila.
00:27Naniniwala si Rivera na ang direktiba ng MMDA ay dapat naayon sa mga batas.
00:33Itinanggi ni Manila Mayor Isco Moreno na walang koordinasyon
00:37ang tungkol sa paglilipat ng basura sa San Mateo Landfill.
00:41Sabi pa ni Moreno, patuloy pa rin ang paghahanap ng Manila LGU ng landfill.
00:46Paliwanag ni MMDA Chairman Artes,
00:48dati nang nagdadala ng basura sa San Mateo Landfill ang Metro Manila
00:52at naayon yun sa batas.
00:54Additional volume lamang daw ang mula sa Maynila.
00:58Nakausap na raw ni Artes si Mayor Rivera.