00:00Tapos na ang panayam ng Judicial and Bar Council sa 17 aplikante sa pagka-ombudsman,
00:06kabilang si Justice Secretary Jesus Crispin Remulia.
00:09Tutol sa aplikasyon ni Remulia si Sen. Amy Marcos
00:12dahil plano lang umano ng kalihim na ipakulong si Vice President Sara Duterte
00:17bago ang 2028 elections.
00:20Nakatutok si Salima Refran.
00:23Sumalang na sa public panel interviews ng Judicial and Bar Council
00:30ang huling apat na aplikante para sa bakante posisyon ng ombudsman.
00:35Sa huling araw ng mga panayam, pinayagang humarap si Justice Secretary Jesus Crispin Remulia
00:40kahit wala pang clearance mula sa ombudsman dahil sa nakabimbing reklamo ni Sen. Amy Marcos.
00:46Bunso dito ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at pagdala sa kanya sa ICC.
00:53Not yet, not yet. That's why I'm still applying for it.
00:57I'll be filing a motion so that this will be resolved as soon as possible.
01:01Sa mga sagot noon ni Remulia sa ombudsman,
01:04hinihiling na niyang umabasura ang reklamo,
01:06lalot ginawa lang daw niya ang kanyang trabaho.
01:09It's a time when they asked the Secretary of Justice
01:11what his opinion is, if it's the right thing to do.
01:15And I said it's the right thing to do. I gave the clearance.
01:18That's it. It has a basis in law.
01:22In the Republic Act 9851.
01:24Tinanong si Remulia sa pananaw niya sa lifestyle checks.
01:27Sabi niya, maganda raw na maging kabahagi
01:29ang ordinaryong mamamayan sa pag-iimbestiga,
01:32lalot alam nila ang katotohanan sa pumumuhay ng mga taga-gobyerno.
01:36Dapat raw kasama rin ang mga kaanak nito.
01:39Handa rin daw siyang baligtari ng naonang utos
01:42ng kareretiro lang na ombudsman Samuel Martires
01:45patungkos sa limitadong akses sa mga salin.
01:48Masa ano lang, with the proper safeguards lang.
01:51I-reduct yung ibang bagay
01:52and the commitment not to publish some things
01:57which may cause trouble to the people or their families.
02:02Pero ngayon pa lang, maghahain na raw ng oposisyon
02:05laban kay Remulia si Senator Aimee Marcos sa JBC.
02:08There is a very ominous reason, clearly,
02:14for Secretary Boying to become the next ombudsman.
02:19It's the new phase in the effort to get rid of VP Sara before 2028.
02:25And since the PI failed, the impeachment failed,
02:29therefore the third attempt is lawfare at its very worst.
02:34Imprison in Diceara, all the Duterte allies,
02:39including myself perhaps,
02:40to be harassed by cases with the new ombudsman.
02:44Plunder will be the name of the game.
02:46No bail and imprisonment until 2028.
02:51No comment. I don't want to comment.
02:54Mahalaga at makapangyarihan ang posisyon ng ombudsman.
02:57Yung main role niya is to investigate and to prosecute
03:00yung mga illegal acts or omissions ng ating mga government officials and employees.
03:05Pwede rin siya magpataw ng mga parusa,
03:08tulad ng suspensyon o pagtangkal sa pwesto,
03:11pati na diskwalifikasyon sa paghahawak muli ng posisyon sa gobyerno.
03:15May termino siyang pitong taon
03:17at pwede lamang matanggal sa pamamagitan ng impeachment.
03:20Bugod kay Remulia,
03:22wala rin clearance pa mula sa ombudsman
03:24ang kapwa-aplikante na si PCSO Chairperson Felix Reyes.
03:28May hanggang huling araw ng deliberasyon ng JBC ang dalawa
03:32para magsumiti ng kanilang clearance.
03:35Ang labing-anim pang aplikante na sumalang sa JBC panel interviews,
03:39lahat pabor sa lifestyle checks.
03:42Bukas din sila sa pag-aaral muli sa order patungkol sa salin,
03:45basta't may safeguards.
03:47Papasok na sa deliberasyon ang JBC,
03:51kung saan pagsasamasamahin ang resulta ng psych evaluation,
03:54written exams, pati na ang bar rankings ng mga aplikante.
03:59Kasunod niyan, magbobotohan ang JBC sa kung sino-sino
04:03ang papasok sa shortlist,
04:04kung saan nga pipili ang Pangulo
04:06ng kanyang itatalagang susunod na ombudsman ng Pilipinas.
04:11Para sa GMA Integrated News,
04:13Salima Refran,
04:14Ekatutok, 24 Oras.