00:00Pag-amienda sa Party List Law at Update sa nalalapit na Bang Samora Parliamentary Elections sa ating tatalakayin
00:06kasama si Director John Rex Lodianco ang tagpagsalita ng Commission on Elections.
00:11Attorney Lodianco, magandang tanghali po at welcome ulit dito sa Bagong Pilipinas ngayon.
00:19Attorney? Hello, Attorney?
00:23Hello, sir. Naririnig niyo na po kami?
00:27Apo, apa. Malina, apa.
00:29Okay. Sir, una po sa lahat, ano po yung nakikita ng COMELEC na pangunahing kahinaan o kakulangan
00:36sa kasalukuyang Republic Act 7941 o yung Party List System Act na nais ninyong baguhin?
00:43Una po sa lahat, magandang tanghali po.
00:45As ito, mag-serve, marami-rami po ang nais na ipropose ng COMELEC.
00:48Ito po yung laging nababanggit ni Chairman Garcia.
00:51Una nga po yung dun sa ating mga sektor, identification ng sektor.
00:55Kaya po nang nabanggit niya doon sa budget healing sa House of Representatives,
00:59mas mainam sana, katulad ng Sabang Samuro Electoral Code,
01:02naka-identify ang mga sektor na tinutuling natin na underrepresented at marginalized.
01:08Nagsagayon, ang mga magpapa-accredit po na mga party list groups,
01:12ay mabibilang sa sektor na ito, bilang na rin ang kanilang mga puan sana,
01:16at nagsagayon well-represented ang mga naturang sektor,
01:19ayon po sa intensyon ng ating konstitusyon.
01:21Ikalawa, yung patungkol po sa kwalifikasyon ng nominist,
01:24ayon po kasi sa umiiran ng youth student,
01:27eh kahit hindi kabahagi o parte ng kanilang mga sektor,
01:30eh basta merong proven advocacy,
01:32may advocacy sa kanilang mga sektor na yan,
01:35ay maaari na rin pong mag-representa.
01:37Ayot rin po yung nagbiting pagtawag o call ng ating mga mamamayan,
01:41na nakikita nila,
01:42na merong mga representante,
01:44na maaari po na nakikita nila na hindi kabahagi ng mismong sektor.
01:48Ang ikatlo po na nakikita namin,
01:50ay patungkol sa mga withdrawal at substitution.
01:52Minsan po nagiging bullshit,
01:54eh kaya nga po ang ginawa ng COMELEC,
01:56in the absence of an amendment to law,
01:58eh naglabas po kami ng resolusyon,
01:59na sampung mga nominado na,
02:02at pinagbabawal na po ang palitan,
02:04kung ang dahilan ay withdrawal,
02:05pinapahintulutan na lang po,
02:07yung kung namatay o kaya po ay naging capacity,
02:10ang kanilang nominee.
02:11Ilan lamang po ito sa mga nais po na mabago at ma-amend ng COMELEC.
02:17Director, meron na po bang inilatag na kongretong rekomendasyon ang COMELEC
02:21para po makatulong sa pagbalangkas ng amyenda sa batas?
02:25At ano-ano po ang mga ito?
02:28Noong 19 Congress ay naisumiti na po namin
02:30ang Proposed Revised Omnibus Election Code
02:33na bumabalangkas hindi lang ng lumang election code,
02:36hindi lang ng Part of the List Law,
02:37kundi mga sari-sari at napakarami na po kasi natin iwahiwalay
02:40ng mga election laws.
02:42Pinagsama-sama po namin yan, 973 pages.
02:45Ngunit sa kasamaang palad po,
02:47ay hindi nabigyan ang pagkakataong maging batas.
02:49Muli po namin isusumiti ang ating proposal po na yan
02:52para sa 20th Congress at baka nga po mas madagdagan pa
02:55tulad po ng mga aral at na-experience natin
02:57na nakuha natin nitong 2025 elections.
03:00Kaya na rin po ng pagbabago ng definisyon ng vote buying
03:04at vote selling, makabagong paraan na may pagbawal na rin
03:07yung iba't ibang mga presumptions na nakita namin
03:09na naging efektivo laban po sa vote buying at vote selling.
03:12Marami pa po ng mga bagay na dapat na ma-address po
03:16through legislation.
03:17Ilan po dyan ay na-discuss ng isang araw po dyan sa House of Representatives.
03:22Director, paano po masisiguro na ang bagong versyon ng batas
03:25ay tunay na makapagbibigay representasyon
03:27sa mga marginalized at underrepresented sectors
03:30at hindi maaagaw ng mga mayayaman o makapangyarihan?
03:34Marami po tayong magagawang paraan na ito po yung truth consultation.
03:38At gaya nga po nung una po nang nabanggit,
03:41nung una, sana sa pag-aamienda ng party list law,
03:44ma-identify na ang mga seksor.
03:46Ito po ang nakita nating advantage ng Bank Samuro Electoral Code
03:49na ipapatupad po namin sa October 13.
03:52Nakikita, malino na, ano mga seksor,
03:55malino na rin ang binang ng mga upuan doon sa kanilang parlamento.
03:58Nagsagayon ang maglalaban-laban po doon sa mabinang ng upuan
04:02ay totoong mga grupo na nagparehistro ayon sa mga seksor.
04:05Ito po sana yung nakikita namin ang pinakamagasang pagbabago
04:08doon sa ating batas.
04:11Director, sa nakalipas na tatlong dekada
04:13ng pagpapatupad ng party list system,
04:16ano po ang pinakamahalagang leksyon o obserbasyon ng COMELEC
04:20na dapat isaalang-alang po sa pag-aamienda?
04:22Una po sa lahat, yung pag-a-address po natin
04:25ng registration po ng mga party list groups.
04:29Nakikaparehistro dahil nakita po natin medyo tumangit po dyan
04:31at ang nanakaroon nga po sometime in 2013
04:34na nagsangka po ang COMELEC
04:36may introduce yung mga party list groups po.
04:38Nakita namin na mga locality or district-based pa rin.
04:42Ngunit ayon nga po sa atong paglaob decision
04:44ng Supreme Court, natalo po dito ang COMELEC
04:47kasta hindi po ito nabigyan ng buhay.
04:48Ngunit kung ito po ay mabibigyan ng buhay
04:50sa pamamagitan ng amendment or legislation
04:53ay nakikita po namin mas maganda
04:55at mas maipapatupad po yung intensyon
04:57ng saligang pata.
04:58Nakahanda rin po ang COMELEC
04:59na makiisa sa mga consultative assemblies
05:02pati na rin po yung pag-mga pag-delink
05:04technical working groups
05:05maisagawa lamang po ang mas magandang amendment
05:07sa ating batas.
05:09Director, kung sakaling maipasa yung amienda
05:12paano ninyo nakikita yung magiging implementasyon
05:15at epekto nito para naman sa 2028 elections?
05:18Nakikita po namin ay pag-re-re-revis
05:21sa sukuro po ng mga accredited na
05:23ng mga party list groups
05:24at higit sa lahat po yung resubmission
05:26ng kanilang manifestation of intent
05:28to participate pati na rin yung pag-susubmit
05:30ng kanilang mga nominees
05:32dito po ay masasala natin
05:34lalo-lalo na kung patungkol po dun
05:36sa mga kwalifikasyon ng nominado
05:38mas maiaayon po natin sa intensyon ng batas
05:41kung ganyan po ang magiging nga
05:42seri ng pag-amienda sa ating batas.
05:45Director, may follow-up lang ako dyan ano
05:47kung sinasabi ninyo na pati yung mga
05:49first, second, nominist doon sa party list
05:52ay inyong aalamin yung kanilang qualification
05:54ibig sabihin po ba niyan
05:55sila ay napapabilang talaga doon
05:58sa sektor na kanilang nire-represent?
06:01Ay nakadepende po kung yan po
06:02ang magiging intention po
06:03ng pag-amienda sa batas
06:05na kinakailangan talaga
06:06ay miembro ng sektor.
06:08Sa ngayon po kasi sa umiiral na batas
06:09at sumiiral na desisyon ng Supreme Court
06:11hindi po kinakailangan na miembro sila
06:14at sabi nga po doon sa desisyon
06:15hindi kailangan na wallowing in poverty
06:17yung mag-re-represent sa ating urban poor
06:20ang kailangan lamang po ay proven
06:21at po kasi ito po isang bagay
06:23siguro na mas magandang mabigyan ng aral
06:25nagsagayon yung maari po
06:27yung intention ng saligang batas
06:28ay mga isa buhay natin.
06:30Director, sa ibang usapin naman po
06:32ano po ang naging batayan ng Comelec
06:34sa desisyon na isama po
06:36ang none of the above option
06:37sa opisyal na balota
06:39sa nalalapit na
06:40Bangsamoro parliamentary elections?
06:42Dahil ito po ay nire-require
06:44ng Bangsamoro electoral code
06:45ito, tatlong features po
06:47ang bago na nirequire
06:48ng DEC.
06:49Una, ang logo ng mga magsasali
06:51sa regional parliament
06:52political parties
06:54ikalawa po yung larawan
06:56ng mga kandidato
06:57at ikatlo nga po
06:58yung feature na none of the above
06:59dun sa dalawang posisyon na yan.
07:01Ito po ay requirement
07:02ng Bangsamoro electoral code.
07:05Sir, para po mas maunawaan
07:06ng ating mga kababayan
07:07dyan sa barman,
07:08paano dapat ituring yung boto
07:10para sa none of the above?
07:12Ituturing po ba itong boto
07:13para sa isang kandidato
07:14o hiwalay na kategorya?
07:16Isa ngayon po ay ito
07:18ay inaaral ng COMELEC
07:19dahil nung sinaliksik po namin
07:21ang mismong batas,
07:22yung kanilang transcript,
07:23yung kanilang journals,
07:24pati na rin ang minutes
07:25at kami nagtanong na rin
07:26sa mga membro ng parliament,
07:28wala pong malinaw na
07:30paglalatag ng disisyon dyan.
07:32Kung ito ba ituturing na kandidato,
07:34ito ba'y manifestation lang
07:35ng intensyon.
07:36At patang malinaw po
07:37na gagawin dito
07:38ay talagang mabibilang
07:39ang boto sa none of the above.
07:41At dahil dito po,
07:42sa loob ng ilang araw po,
07:43inalabas na ng COMELEC
07:44ang isang resolusyon
07:45na malinaw na nagsasabi
07:47ano ba ang pagtrato natin
07:49sa boto ng none of the above.
07:50Ito ba'y katulad
07:51ng sinasabi ng iba
07:52na kandidato?
07:53Ito ba'y bilang lang,
07:55bilang isang manifestasyon
07:56dahil meron po tayong problema dyan.
07:58Paano kung mas maraming
07:59nakuha yung none of the above?
08:01Sino ba ang ipoproklama natin?
08:02Wala bang ipoproklama
08:03yung mga second placer
08:04na ngayon
08:05ay may komplikasyon pa
08:07doon sa decision ng Supreme Court
08:08sa mga muda dato
08:09versus COMELEC
08:10na inabando na
08:11ang second placer.
08:12Lahat po ito
08:13ay naisi-address
08:14ng COMELEC
08:14doon sa aming inalabas
08:15na resolusyon.
08:17Director,
08:18meron po bang
08:18posibleng komplikasyon
08:20o legal na issue
08:21sakaling manalo
08:22ang none of the above
08:23laban po
08:24sa ibang mga kandidato?
08:26Ano po ang magiging
08:27epekto ng boto
08:27sa final tally
08:28at resulta ng halalan
08:30sakaling makakuha po ito
08:31ng malaking bilang?
08:33Kung bababayaan po natin
08:35na walang maayos
08:36na interpretasyon
08:37o kaya po ay
08:38magiging basihan
08:39paano yung interpretasyon,
08:41meron po kaming
08:41nakikitang senaryo.
08:42Doon po sa ating
08:43district representatives
08:44hindi naman po
08:45namin nakikitang problema
08:46dahil sa plurality of votes
08:48at kung hindi natin
08:49tuturing na kandidating nota
08:50ay maipoproclama natin
08:52yung kandidato
08:52na nakakuha
08:53ng pinakamaraming boto.
08:55Ngunit ang isang
08:55komplikasyon po
08:56ay paggating sa
08:57regional parliament
08:58political parties
08:59na ang rule lamang po
09:00ay makakuha
09:02ng 4% ng votes
09:03at pag nakakuha
09:04ng 4% na votes
09:05ay entitled ka
09:06dun sa 40 seats
09:07at kung dalawa pong
09:09political parties
09:09na nakakuha
09:10ng 4%
09:11ay maghahati po sila
09:13sa 40 seats.
09:14Nandyan po ang komplikasyon.
09:15Paano pong mas mataas
09:16ang nakuhang boto
09:18ng none of the above?
09:20Ano ang mangyayari dyan?
09:21Paano rin kung halimbawa
09:22ang nakakuha lang
09:23ng 4% ay none of the above
09:25at walang nakakuha
09:26ni isa doon
09:27sa mga regional parliament
09:28political parties?
09:29Paano rin kung halimbawa
09:31bukod sa none of the above
09:32nakakuha ng 4%
09:33ay meron din
09:34political parties
09:35na nakakuha rin
09:36ng 40%.
09:37Ang ibig pang sabihin ito
09:38ay kasamang hahatihin
09:39yung bilang
09:40nung sa none of the above
09:42patungkol
09:43yung sa bilang
09:43nung meron din
09:44nakakuha.
09:45Yan po yung mga bagay
09:46na nabanggit kanina
09:47na i-address po
09:48sa pamamagitan
09:49ng aming resolusyon.
09:51Attorney,
09:52ano naman po yung plano
09:53ng Comelec
09:53para sa information drive
09:55para ipaliwanag
09:56sa mga botante
09:57ng BARM
09:58yung kahulugan
09:59at implication
09:59ninyong nang pagboto
10:00nga
10:00ng none of the above?
10:03Nung nakarang linggo po
10:04ay sinimula na
10:05namin
10:05ang aming
10:05voter education
10:06and information campaign
10:08at itong
10:08September 1 nga po
10:10ay sa buong BARM
10:11ay umiikot na po tayo dyan.
10:13Pagkamat inuuna po
10:14natin ngayon
10:15yung pagpibigay halaga
10:16para saan ba
10:17ang halalan
10:18ano ang bobotohan
10:19si iba
10:20anong kapangyarihan nila
10:21anong tungkulin nila
10:22anong sistema
10:23ay kasunod na po namin
10:24isusunod ng
10:25information drive
10:26patungkol sa
10:27resolusyon nga ng Comelec
10:28hinihintay lang namin po
10:29itong ma-promulgate
10:30and as soon as ma-promulgate
10:31po ito
10:32asahan po ninyo
10:33ang malawakang information
10:35dissemination
10:36patungkol sa
10:37nanopiabaw.
10:38Director, sa usapin naman po
10:40ng ballot printing
10:42para sa Bangsamoro
10:43parliamentary
10:43elections
10:45meron na po bang
10:45update dito?
10:46Inaasahan po namin
10:48sa Lanao del Sur
10:51dahil po natapos na po
10:53noong mga nakarang araw
10:54ang ating Basilan
10:55Tawi-Tawi
10:56Special Geographic Area
10:57Maguindanao del Sur
10:59at Maguindanao del Norte
11:00ang kasunod na lamang po
11:01pag natapos na
11:02kakaunin
11:02sa Lanao del Sur
11:04e pagkatapos po nyan
11:05e i-verify po namin
11:07ang bawat isang balota
11:09yan po kasi
11:09yung hindi po
11:11nagtatapos
11:11sa printing lang
11:12pagdating sa
11:12automated election
11:13isa-isang
11:14dineverika ang balota
11:15isa-isang dinadaan
11:17sa automated counting machine
11:18para siguraduhin
11:19na ito'y babasahin
11:21ng makina
11:21babasahin ng tama
11:22at ikita na
11:23babasahin lamang
11:24ng ACM
11:25na nakatalaga
11:26para sa balota na yan
11:27dahil
11:27ballot at present
11:29specific po
11:30ang ating mga balota
11:31Attorney
11:33isang tanong ko lang po
11:34no
11:34kumusta naman po
11:35yung koordinasyon ninyo
11:36sa iba't iba pang
11:37ahensyo ng pamahalaan
11:38pagdating sa
11:39pagpaprepare dito
11:40sa barm election
11:41lalo na po
11:42pagdating sa
11:42usaping siguridad
11:43Napakaganda po
11:45ng pag-uusap
11:46linggo-linggo
11:46ay magkakasama po
11:47ang Omelec
11:48ang PNP
11:49ang ASP
11:50pati sa rin po
11:51ang Philippine Coast Guard
11:52at para po pa rin nga po
11:53yung intensyon
11:54ng Republic Act 12-123
11:56na naglipat po
11:57ng ating
11:57o barm parliamentary elections
11:59from May to October
12:00eh hindi na po namin
12:01itatalaga
12:02ang PNP
12:03bilang special electoral boards
12:04sila po ay
12:05mananatiling
12:05tagad sa
12:06at siguridad
12:06sa peace and order
12:08at law enforcement
12:09katama ng ASP
12:10ang gaganap na po
12:11bilang special electoral board
12:13ngayon
12:13ay ang Philippine Coast Guard
12:15magka-training po kami
12:16ng may gitsan
12:16nilibong kawani
12:17ng PCG
12:18para kung sakaling
12:19mayroong mga
12:19electoral boards
12:21mga teachers
12:21at iba pa
12:22na aatras
12:23sa araw ng halalan
12:24ay agad-agad
12:26may papalit
12:26ng special electoral boards
12:28sa Philippine Coast Guard
12:28walang delay
12:29walang pagkabalam
12:30ang ating halalan
12:31sa October 13
12:32Okay sir
12:34mensahe nyo na lang po
12:35sa ating mga kababayan
12:36lalong-lalo na po
12:37sa mga butante
12:37sa BARM
12:38Malino na mensahe po
12:40ng POMLEC
12:41tuloy na tuloy po
12:42ang October 13
12:43BARM parliamentary election
12:44paalam po namin
12:45marami po kayong
12:46nadiling na issue
12:47ng mga pahayag
12:47na maaaring
12:48nagbigay ng kwestiyon
12:49sa inyong pag-iisip
12:50na matutuloy ba o hindi
12:51malino po
12:52matutuloy po
12:53ang BARM elections
12:54ang basehan po natin
12:56ay ang mga distrito ninyo
12:57na pinutuhan din po ninyo
12:59nung Mayo
12:59kung saan po kayo
13:00bumoto noon
13:01na itundin po kayo po po
13:02sino ang mga kandidato
13:04na naghain ng
13:05Certificate of Candidacy
13:06noong Nobyembre
13:07ay siya pong
13:07mananatiling kandidato
13:09sa inyong distrito
13:10para malaman po
13:11ang kitsura
13:12ng inyong balota
13:12at ang mga kandidato
13:13sa inyong lugar
13:14at sa inyong distrito
13:15puntahan lang po
13:16ang POMLEC website
13:17at nandun na po
13:18ang ballot-based template
13:19at lang po namin
13:20may na-delictin kayo
13:21na redistricting
13:22pero para po
13:23sa halalang ito
13:24hindi pinatupad
13:25ng POMLEC
13:26ang redistricting
13:26maghahalal po kayo
13:28ng isa
13:29para dun sa 40 seats
13:30na isang political party
13:32para makakuha
13:33dun sa 40 seats
13:34at isa rin po
13:35para sa inyong
13:36district representatives
13:37na aabot po
13:38sa 25 seats po
13:39in total
13:40sa buong bar
13:41maraming salamat po
13:42Alright, maraming salamat po
13:44sa inyong oras
13:44Director John Rex Laudianco
13:46ang tagapagsalitan
13:48ng Commission on Elections