- 1 year ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00.
00:02.
00:04.
00:06.
00:10.
00:12.
00:14.
00:16.
00:18.
00:20.
00:22.
00:24.
00:26.
00:28.
00:34.
00:36.
00:38.
00:40.
00:42.
00:44.
00:46.
00:48.
00:50.
00:52.
00:54.
00:56.
00:57.
00:58.
01:00.
01:04.
01:06.
01:08.
01:10.
01:12.
01:14.
01:16.
01:18.
01:20.
01:22.
01:24.
01:26.
01:28.
01:30.
01:32.
01:34.
01:36.
01:38.
01:40.
01:42.
01:44.
01:46.
01:48.
01:50.
01:54.
01:56.
01:58.
02:00.
02:02.
02:04.
02:06.
02:08.
02:10.
02:12.
02:14.
02:16.
02:18.
02:20.
02:22.
02:24.
02:26.
02:28.
02:30.
02:32.
02:34.
02:36.
02:38.
02:40.
02:42.
02:44.
02:46.
02:48.
02:50.
02:52.
02:54.
02:56.
02:58.
03:00.
03:02.
03:04.
03:06.
03:08.
03:10.
03:18.
03:20.
03:22.
03:24.
03:26.
03:28.
03:30.
03:32.
03:34.
03:36.
03:38.
03:42.
03:46.
03:48.
03:50.
03:52.
03:54.
03:55.
03:56.
03:58.
04:00.
04:02.
04:04.
04:06.
04:10.
04:12.
04:13.
04:14.
04:16.
04:23.
04:26.
04:27.
04:28.
04:30.
04:31.
04:32Kaya na perwis siya ang mga residente at mga motorista.
04:35Nakatotok doon live si Jamie Santos.
04:38Jamie?
04:42Ivan, walang bagyo pero binahaang ilang kalsada dito nga sa lungsod ng Paranaque matapos bumuhos ang malakas na ulan kanina.
04:55Abot tuhod agad ang baha sa kahabaan ng Dr. A. Santos Avenue sa may barangay San Junisio.
05:00Ang magkabilang lane nito, hindi madaanan ng maliliit na sasakyan.
05:05Ang bahang naranasan sa Paranaque ay resulta ng malakas na buhos ng ulan kaninang umaga.
05:10Base sa monitoring ng Paranaque City Disaster Risk Reduction and Management Office,
05:15abot tuhod pa ang baha sa mga barangay San Junisio at Vitalis.
05:19Dahil sa baha, ilang commuter ang napilitang lumusong sa baha kanina.
05:23May mga stranded ring motorista.
05:25Bukod kasi sa di na kinaya ng maliliit na sasakyan ang taas ng baha,
05:28takot ang ilang ilusong sa baha ang kanilang mga sasakyan.
05:32Pagtila ng ulan, matinding traffic naman ang naranasan ng mga commuter at motorista.
05:38Ang ilan ngang nainip na sa traffic, naglakad na lang.
05:42Hanggang bintiri ng baha sa daan patungong na ia Terminal 3 sa Pasay City.
05:47Naranasan din ang malakas na ulan sa ilang bahagi ng EDSA ngayong hapon tulad sa EDSA Ortigas,
05:52pati sa EDSA Boni na gutter dipang baha at sa EDSA Guadalupe na may naipo na rin tubig sa kalsada.
06:03Ivan, sa mga oras na ito ay humupa na yung baha dito nga sa kahabaan ng Dr. A. Santos Avenue Pagtila ng Ulan.
06:10Pero nakakaranas ng manakanakang ambon hanggang sa mahinang pagulan hanggang ngayon.
06:15At yan ang latest mula rito sa Paranaque. Balik sa iyo, Ivan.
06:18Maraming salamat, Jamie Santos.
06:20Patuloy namin ang monitor ng pag-asa ang bagyong lani na nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility.
06:26Alpo sa pag-asa, patuloy na nagpapaulan ngayong araw ang trough o extension ng bagyong lani sa ilang probinsya.
06:33Nakararanas ng maulat na panahon na may kalat-kalat na pagulan at thunderstorms sa Ilocos Region,
06:39Cordillera Administrative Region, Nueva Vizcaya at Quirino,
06:44pati na sa natitirang bahagi ng Cagayan Valley.
06:47Habagat ang nagpapaulan sa Metro Manila, Central Luzon, Calabar Zon, Occidental Mindoro, Orienta Mindoro at Marinduque.
06:56Localized thunderstorms naman ang nagpapaulan sa natitirang bahagi ng bansa.
07:01Basa sa datos ng Metro Weather, bukas may chance na makaranas ng light to heavy rains sa Cagayan, Benguet, Nueva Ecija, Bataan, Quezon, Camarinas Norte, Sorsogon at Palawan.
07:17Light to intense rains naman ang posibleng maranasan sa buong Visayas at Mindanao pagsapit ng hapon,
07:23habang maaaring makaranas ng light to heavy rains bukas sa Metro Manila.
07:36Itinanggi ni DPWH District Engineer Abelardo Calalo sa kanyang counter-affidavit na Suhol.
07:42Ang perang dinala niya kay Batangas First District Representative Leandro Leviste.
07:46Anya, donasyon naman na ito ng mga kontraktor.
07:49Giti Calalo walang basihan ng mga aligasyon sa kanya.
07:51Ang sagot ni Congressman Leviste sa pagtutok ni Ian Cruz.
07:58Sa inihaing kontra sa laysay o counter-affidavit ni DPWH District Engineer Abelardo Calalo,
08:05mariin niyang itinanggi na tinangkanyang suhulan si Batangas First District Congressman Leandro Legarda Leviste.
08:13Walang basihan at mapandinlang ang mga aligasyon laban sa kanya.
08:17Sabi ni Calalo, ang dinala niya kay Leviste ay donasyon umano mula sa mga kontraktor.
08:23Nakinolekt rao niya sa utos ni Usuag Ilonggo Partylist Representative James Ang Jr.
08:30bilang suporta sa mga proyekto at programa ni Leviste.
08:33Nang magpunta raw siya sa tanggapan ni Leviste noong August 22,
08:38ang kongresista raw mismo ang nagtanong kung magkano ang aabutin kung ang mga kontribusyon na mga kontraktor ay aabot sa 10%.
08:47Tinanong din umano siya ni Leviste kung meron siyang dala noon.
08:51Sabi niya, meron siyang maliit lang na halagang dinonate ng isang kontraktor na ipapadala na lang sa assistant ni Leviste.
08:59Pero sabi umano sa kanya ay kunin na ito kahit maliit para masimula na.
09:04Umalis siya para kunin sa sasakyan ng donasyon at sumunod na ang pag-aresto sa kanya.
09:09Kinuha umano ng mga pulis ang donasyon na hindi man lang nahawakan o tinanggap ni Leviste.
09:15Ang tawag po dito at alam po ito ng mga abogado, yung diferensya ay instigation.
09:21Yung isang tao na wala namang intention na gumawa ng krimen ay inudyok para palabasin na meron siyang ginawang krimen.
09:29Sa isang pahayag, ipinunto ni Congressman Leviste na tila inamin daw ni Kalalo na tumatanggap siya ng donasyon sa mga kontraktor
09:36ang mahigit 3 milyong piso raw na tinangkang ipang suhol ay may kasamang resibo mula sa 3 kontrata.
09:44Hamo ni Leviste, pangalanan ni Kalalo ang mga nag-donate ng pera.
09:49Iguniag, sino ang nagbigay sa kanya ng pera na kontraktor?
09:54At sino yung ibang mga kontraktors na kinausap niya?
09:58Totoo ba ang sinabi niya sa akin na may isang kontraktor sa unang distrito ng Batangas
10:05na may koneksyon sa isang kasulukuyang congressman na taga Batangas?
10:10Nabanggit din ni Kalalo sa kanyang counter affidavit na nakapulong niya si Leviste
10:15kasama ang ina nitong si Senadora Loren Legarda at congressman Ang.
10:20Sinabihan umano siya ni Legarda na alagaan ang mga proyekto ng senadora sa distrito katuwang si Ang.
10:26Sinabi ni congressman Leviste, ang pinag-usapan nila ni Engineer Kalalo
10:31kasama ng kanyang ina sa una nilang pagkikita ay ang repair ng nasirang binambang at puting kahoy bridge
10:39na pinondohan niya sa personal na donasyon.
10:42Kailangan daw ng approval ni Kalalo para makapag-donate siya sa ipinagawang mga tulay.
10:47Ako, aking ina at yung ibang mga nabanggit ninyo ay walang kinalaman sa mga proyekto sa unang distrito ng Batangas
10:55at pwede pong tignan ito ng media ang listahan ng mga projects, mga bidders, walang-wala po.
11:04Kaya kung gusto po ni Engineer Kalalo, i-divert ang atensyon mula sa mga mic, mga kontrata sa unang distrito.
11:12Sinusubukan pa ng GMA Integrated News sa mga kuhang panig ni Sen. Aligarda, kayo din si Congressman Ang.
11:19Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz na katutok, 24 oras.
11:25Arestado ang dalawang suspect na riding in tandem na nanghablot sa Pitaka ng isang minor de edad sa Quezon City.
11:31Isa pang suspect at tinutugis.
11:34Ang nahulikam na pagnanakaw, tinutukan ni Bea Pinlock.
11:37Tatlong lalaki ang sakay ng motorsiklong ito habang binabaybay ang isang eskinita sa barangay sangandaan, Quezon City,
11:47Webes ng madaling araw.
11:49Kasunod nila ang 17-anyos na babae na naglalakad habang nagsiselfon.
11:54Maya-maya, biglang humarang sa daan ang motor at bumuelo para umikot.
11:59Bumaba ang isa sa mga backride at hinablot ang wallet ng dalaga.
12:03Bumagsak pa sa sahig ang biktima.
12:05Matapos makuha ng lalaki ang wallet, tumakas naman ang tatlong suspect lulan ng motor.
12:13Napansin po kasi nila na bit-bit niya yung wallet while texting.
12:18Pati nga hindi naman nakuha yung cellphone, yung wallet po yung nakuha.
12:23Ang naman ng tinangay na wallet ayon sa pulisya, walong daang piso.
12:28Sa follow-up operation ng pulisya, na-aresto ang dalawa sa mga suspect na napag-alamang magkaibigan.
12:39Pinauli namin kayo sa talang mag-roberi ha.
12:44Ayaw, may karamadang manayimik o magsawa lang ko.
12:47Namukaan kasi ng biktima ang 26-anyos na suspect na dati na rin nasangkot sa robbery,
12:53base sa record ng pulisya.
12:54Ang naituro po yung isa, may previous na po kasi siyang naging kaso ng robbery din
13:01and violation ng 9165 o yung anti-illegal drugs.
13:06Aminado naman ang dalawa sa krimen.
13:09Dalala lang po ng pangangailangan po sa buhay.
13:12Napaka-hirap po kasi ng buhay.
13:14Kaya wala po kami nang makakapitan kaya, nilang pong naisip namin.
13:19Kukapos po eh, hindi po sapat.
13:21Kaya kumapit na lang po kami sa patalim.
13:23Tempo lang po talaga yung nangyari.
13:26Nakamotor po talaga kami, hindi po.
13:28Nadaanan lang po namin.
13:29Sana, sana mapatawad niya po kami.
13:33Patuloy na tinutugis ng mga otoridad ang isa pang suspect.
13:36Reklamong robbery ang isasampalaban sa kanila.
13:39Para sa GMA Integrated News,
13:41day up in luck, nakatutok 24 oras.
13:45Halos matangay ang isang rider na nagtangkang tumawid sa Ramaragasang Spillway sa Negros Oriental.
13:51At sa Bulacan, hindi na matanaw ang isang tulay dahil din sa pag-apaw ng tubig.
13:57Ang masamang panahon sa probinsya, tinutuka ni Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
14:02Sinusubukang tumawid ng rider na ito sa umapaw na spillway sa Ayungo Negros Oriental
14:12ng muntik matangay ng tubig.
14:14Tinulungan siya ng iba pang stranded sa lugar hanggang sa tuluyang makatawid.
14:18Ilan pang rider ang tinulungang makatawid sa Ramaragasang Tubig.
14:22Nilusong din ng ilang guru at estudyante ang spillway.
14:25Wala raw kasing ibang pwedeng madaanan.
14:27Sa Bae City, Negros Oriental, isang dump truck ang tumirik sa gitna ng Rumaragasang Ilog.
14:33Ayon sa saksi, naghahakot ang truck ng props na gagamitin sana sa Hojaka Festival
14:38ng abutan ng baha sa gitna ng ilog.
14:40Giit ng driver, hindi niya inaasahan ang pagbaha dahil wala namang ulan.
14:44Umapaw rin ang tubig sa Makaiban Bridge sa Santa Maria, Bulacan, Bunsod ng Malakas na Ulan.
14:50Halos hindi na makita ang tulay sa taas ng tubig.
14:53Ayon sa mga residente, kahapon pa umapaw ang tubig ng magsimulang umulan.
14:58Naglagay na rin ang mga tanod na nagbabantay doon ng babala bago sumapit sa tulay.
15:02Abot binti ang baha sa Masantol, Pampanga, Bunsod ng Hightight sa Pampanga River.
15:08Nagbangkada ang ilang residente.
15:11Bagamat lumabas na sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Lani,
15:15nakaalerto pa rin ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.
15:20Bunsod ito ng nararanasang pabugsu-bugsong ulan na pinalalakas ng nagdaang bagyong lani.
15:25Naka 24 hours monitoring tayo sa river system, sa weather situation, sa San Rocky Dam water level, sa ating mga manginista na huwag mo nang pumalaot.
15:40Sa Dagupan City, problema ang taas babang baha dahil sa masamang panahon na sinabayan ng Hightight kaninang umaga.
15:47Yung mga customer ayaw nilang bumaba sa tubig. Baka sila yung maliptos.
15:55May baha rin sa Kalasyao.
15:57Nandito ako ngayon sa barangay Talibao sa Kalasyao, Pangasinan, kung saan ang kalsadang ito ay ang pinakamalapit na dinaraanan daw ng mga tricycle driver papunta sa kanilang bayan.
16:08Pero dahil hanggang hita ang level ng tubig sa mga oras na ito, ay hindi ito kayang daanan ng anumang sasakyan.
16:14Hanggang ngayon, hindi namin matadaanan yung tubig dyan dahil sa mga tricycle. Andito lang kami sa walang mahanap buhay.
16:28Binabantayan ng Kalasyao DRRMO ang Marusay River.
16:31Although sa ngayon po, wala pa naman po tayong monitored na significant report ng flooding,
16:36meron lamang pong mga isolated cases na meron pong pag-iipon ng tubig doon sa kanilang compound.
16:46Gawa ng mas mataas po yung level ng ating kalsada compared po doon sa kanilang area.
16:54Puspusa naman ang clearing operations at monitoring ng Office of the Civil Defense Cordillera, PDRRMO,
17:01kasama ang iba pang ahensya sa ilang pagguho sa Cordillera.
17:04Gaya sa mga bahagi ng Baguio Itogon Road, Balbalan Pinukpuk Road at Lubwagan Batong Buhay Road na hindi madaanan as of 7.30 kaninang umaga.
17:14Para sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, Sandy Salbasho, nakatutok 24 oras.
17:21Makapuso, walang patid pa rin ang pagbabalita tuwing weekend ng aking partner na si Ivan Mayrina.
17:28Ang kanyang dedikasyon sa pamamahayag, muling pinagtibay sa pagpirma ng kontrata sa GMA Network.
17:36Nakatutok si Von Aquino.
17:37Sa Pilipinas man o ibang bansa, sa gera man.
17:49Sa itong basement na karamiwan sa mga bahay dito sa Marawi.
17:53O bagyo.
17:55Ang mismong plaza ng daanbantayan.
17:58Nakikita ninyo ang pinsalang inabot nila dahil sa napakalakas na hangin.
18:02Tulad na nakikita ninyo hanggang bewang ang tubig baha.
18:06Sa lood ng 25 taon, isa sa naghahatid ng balitang mapagkakatiwalaan si Ivan Mayrina.
18:14Hanggang Sabado at Linggo, nakatutok si Ivan sa mga balitang dapat malaman ng publiko bilang angkor ng 24 oras weekend.
18:22Patuloy siyang maghahatid ng dekalidad na balita sa kanyang muling pagpirma ng kontrata sa GMA Network.
18:28Kasama si na GMA Network President and CEO Gilberto Ardoavid Jr.,
18:33Senior Vice President and Head for GMA Integrated News, Regional TV and Synergy, Oliver Victor B. Amoroso,
18:41at Vice President and Deputy Head for News Programs and Specials, Michelle Eceva.
18:46Dumalo rin ang iba pang GMA Network officers.
18:48Si GMA Network Chairman, Atty. Felipe L. Gozon,
18:52nagpasalamat at nagbigay ng pagbati kay Ivan sa isang video message.
18:56Ivan, I am both proud and happy that you remain a loyal kapuso for 25 years and counting.
19:06I look forward to having you with us for a very long time.
19:13Ikaw sa pananaw ko at sa pananaw namin lahat ay isang tunay, tapat at haligi ng servisyon toto.
19:25Isang ejemplo na magpapatuloy na magbibigay sigla at inspirasyon sa mga katulad mong media practitioner.
19:36Pirmeng handa si Ivan na tumindig bilang isang pamamahayag.
19:43As you embark this new chapter with us, kapuso pa rin, may you continue to inspire others and elevate the standards of journalism.
19:52Nagpasalamat din si Ivan sa GMA Network sa oportunidad na makapaghatid ng servisyong totoo.
19:58I don't see myself being anywhere else.
20:01So, makakaasa kayo kung anuman yung siguro ikinatuanin nyo in the last 25 years, we'll have more of that.
20:10GMA will continue to stand sa journalism na wasto, patas, balensyado.
20:18Kapaki-pakinabang, susundan natin ang kanilang nagbabagong mga patterns, their new habits, their new preferences.
20:24Para patuloy natin maihatid ang brand of journalism that GMA stands for.
20:30Para sa GMA Integrated News, Von Aquino na Katuto, 24 Horas.