Skip to playerSkip to main content
Sa gitna ng mga batikos laban sa mga mambabatas ay pinalitan sa pagka-Senate President si Sen. Chiz Escudero ni Sen. Tito Sotto.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa gitna ng mga batikos laban sa mga mambabatas, pinalitan sa pagka-Senate President si Sen. Cheez Escudero ni Sen. Tito Soto.
00:10Nakatutok live si Ian.
00:12Ian.
00:16Vicky, para umanong ma-preserve ang Senado bilang istitusyon, sa gitna nga ng gumugulong na imbisigasyon doon sa mga flood control projects,
00:25nagpasya ang mayorya ng Senado na ibalik bilang Sen. President si Sen. Tito Soto.
00:47Walang kumontra sa mosyong ito ni Sen. Mig Zubiri. Kabubukas pa lang ng sesyon ng Senado kanina.
00:52Ang pagbakante sa pwesto ng Sen. President na uwi sa nominasyon kay Sen. Tito Soto para palitan si Sen. Cheez Escudero.
01:01Walang lumaban kay Soto na umaga pa lang ay matunog ng may sapat na bilang para maging lider ng Senado.
01:08Bago ang sesyon, kinumpirma ni Soto na may labing lima na siyang pirma ng mga sumusuport ng Senador at nakausap na niya si Sen. Cheez Escudero.
01:18Ayon sa isang source, kabilang sa kanila si Sen. Ping Lakson, Risa Ontiveros, Bam Aquino, Loren Legarda, Kiko Pangilinan, Mark at Camille Villar,
01:29Pia Cayetano, Erwin at Rafi Tulfo, Mig Zubiri, Wingachalian, Lito Lapid at JV Ejercito.
01:36I meant to say, and I told him, and then, um, unang na tinanong is, so, how do you want to do this?
01:44Sabi ko, it's up to you, sabi ko, how would you, how would you prepare to do it?
01:51Sabi niya, let's do it by acclimation and declare the position of Sen. President, break up.
01:59Sir, bakit magkakaroon ng change ng leadership? Anong main issue?
02:04So, maraming mga hinaharap yung leadership namin, di ba? Maraming hinaharap.
02:12Buti na rin siguro yung mga kangay. We'll try to calm things down in the Senate.
02:19Kasama ba ang flood control issue? Kaya bababa siya?
02:23Ah, hindi naman siguro. Ito'y talagang, a few weeks pa, pinag-uusapan na rin ng mga kasama namin.
02:29Nasa Senado rin ng ilang anak ni Soto para samahan siya ng malumpa bilang Sen. President.
02:36We're bringing for the betterment part of the country.
02:39Sa kanyang talumpati matapos mailoklok na Sen. President, nagpasalamat si Soto sa mga kasama.
02:45Tiniyak niyang magiging kooperative ang Senado pero independiente sa gitna ng mga hinaharap nilang hamon.
02:51Our people are enraged of corruption. Corruption that is now seen, heard and felt by the Filipinos more than ever.
03:02The failed flood control projects that supposed to protect the lives, livelihood and properties of our countrymen.
03:11The dilapidated classrooms for our students and the lack of quality farm-to-market roads to aid our farmers, all are engulfed in corruption, hindering the progress of the nation as a whole.
03:30Nagpasalamat naman si Escudero sa lahat ng mga kasamahang senador na nakatuwang niya mula 19th Congress, lalo sa pagpasa ng mahalagang batas ng Senado na pinapakinabangan ng mga Pilipino.
03:43Kaugnay sa pagdihig na maanumalyang flood control projects, marami na anyang naabot ang pag-iimbisiga ng kasalukuyang Senate Blue Ribbon Committee.
03:52Maski na bapano, sa ilalim po ng aking panunungkulan at sa paunguna ni Congressman Rodante Marcoleta, may ilang bagay po tayong nakamit at nagawa.
04:03Nakapagsalita na ng bombo kaninang umaga si Congressman Tobi Tshanko at nabanggit lahat ng nais niyang sabihing hindi nasabi sa kabilang kamera.
04:14Nasabi na rin po, ginong Pangulo, ang the name that cannot be mentioned, ang pangalan ng Speaker Martin Romualdez at Congressman Zaldico sa pamagitan ng pag-hearing kanina pong hapon.
04:25Wala pang opisyal na listahan ng makakasama ni Soto sa mayorya, pero tiyak ng Senate Pro Tempore si Sen. Ping Lakson, kapalit ni Sen. Jingoy Estrada, si Sen. Mig Zubiri naman, ang bagong majority leader, kahalili ni Sen. Joel Villanueva.
04:41Ayon kay Sen. JV Ejercito, ang mga issue kaugnay ng flood control projects, ang ilan sa naging dahilan ng palitan ng liderato.
04:49It has affected the institutions already. Ako naman, I think yung mga issues kay Sen. Chis, kay Sen. Joel, it's part of the demolition job.
05:01But it's already affecting the Senate and we have to save the institutions.
05:04Vicky, sa Amos interview, matapos ngayong sesyon dito sa Senado, ay sinabi nga ni Sen. President Tito Soto na magkokoko sila para pag-usapan yung mga susunod na hakbang ng Senado
05:20at kung sino ba yung mga mamumuno sa mga komite dito sa Senado.
05:24Pagdating naman doon sa mga miyembro ng Duterte Black, kung sasama sa mayorya, wala naman daw itong problema kay SP Soto.
05:31Hindi pa masabi sa ngayon ni Soto kung sino yung magiging minority leader dahil una na nagpasabi sa kanya,
05:39si dating Sen. President Chis Escudero, na hindi nito nais na maging minority leader ng Senado.
05:45At doon naman sa na-archive na impeachment complaint laban kay Vice President Sar Duterte,
05:52sa ngayon daw wala pang gagawing aksyon ng Senado dahil hinihintay naman nila ang magiging aksyon ng Korte Suprema
05:58kung saan naghahin ng motion for reconsideration ang kamera.
06:02Yan muna ang latest mula rito sa Senado. Balik sa'yo, Vicky.
06:06Maraming salamat sa'yo, Ian Cruz.

Recommended