Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Darlene Kai
00:30Labimpitong dati at kasalukuyang kongresista, isang regional director ng DPWH, limang district engineer ng DPWH, isang undersecretary ng DPWH, isang direktor ng Unified Project Management Office, at isang dating undersecretary sa ilalim ng Office of the President,
00:48ang pinangalanan ng mag-asawang Pasifiko at Sara Diskaya, sa kanilang sinumpaang salaysay na isinumite sa Senate Blue Ribbon Committee.
00:56Ilana nila sa mga ito ay personal umano nilang inabutan ng pera para hindi maipit ang kanilang mga kontrata sa gobyerno.
01:05Ayon sa mga Diskaya, 10 to 25% ng halaga ng kontrata ang hinihingi ng cash at walang resibong pinipirmahan.
01:12Matapos namin manalo sa mga bidding, may mga opisyal mula sa DPWH ang lumalapit sa amin para humingi at kumuha ng bahagi niya sa halaga ng proyekto.
01:23Ito ay binibigay namin sa kanila ng cash. Ang bawat transaksyon ay may karampatang voucher at ledger na nagsasad ng mga araw at kung kailan nila ito natanggap.
01:32Meron din anilang kickback na inaabot nila sa Chief of Staff o staff ng politiko.
01:37Meron din binabanggit lang anila ng mga nanghihinging taga DPWH.
01:40Lumapit sa akin ang DPDAOS Project Engineer na si Angelita Garucha para kolektahin ang parte ni Kong Roman Romulo sa flood control projects noong 2022.
01:53Pagdating ng 2025, si District Engineer Aristotle Ramos ang sumunod na nagpakilala na bagman ni Kong Roman Romulo kung saan 30% ang kanyang hinihingi ay para kay Kong Roman Romulo.
02:08Sinabi niya na walang magdagawa dito dahil pundo ito galing sa unprogrammed funds at insertion galing sa taas.
02:15Karamihan umano ng kausap nilang taga DPWH ay sinasabing ang pera ay para kay House Speaker Martin Romualdez
02:21at ako Bicol Partilist Representative Elizaldeco ang dating chair ng House Committee on Appropriations.
02:28Maging si dating Congressman Marvin Rilyo, ilang beses umanong binanggit kay Diskaya na malapit niyang kaibigan si Speaker Romualdez
02:35at inaprubahan umano ng Speaker ang mga fund requests niya.
02:40Sa tuwing aminom kami sa Wine Story sa BGC at Ed sa Shangri-La Mall, sinasabi yung panikong Rilyo na lahat ng kanyang request para sa pondo
02:49ay galing pa mismo sa unprogrammed funds at insertion na inaprubahan ni Speaker.
02:55Ang tao ni Marvin Rilyo na si Bogs Magalong ang pumupata sa amin para kunin ang pera sa aming opisina.
03:01Binanggit din daw si Naromualdez at Connie Usuag Partilist Representative Jojo Ang.
03:06Si Kong Jojo Ang naman, lagi rin binabanggit sa lahat ng projects sa kanya ay paponto ni Speaker at ni Saldico.
03:13Mataas ang hinihingi sa project, dagdag pa niya, hindi naman lahat ng pera ay para sa kanya,
03:17kundi para kay Speaker at kay Saldico.
03:20Napilitan umano silang magbigay ng kickback dahil sa sobrang panggigipit ng mga nabanggit na politiko.
03:2612 meters ang kailangan na ibaon mo sa lupa. Ang problema, yung 12 meters, kinatay ginawang 3 meters. Baka naman ganun ang project mo.
03:35Hindi ko po kayang sagutin, Mr. Chair, yung gawa po ng iba.
03:38Hindi, ikaw ang tinatanong ko eh. Na-example ko lang yung Mindoro. Baka ganun ang gagawin mo, mali talaga.
03:45Hindi po, Mr. Chair. Kami na lang po ang nag-aabsorb ng maliit na kita.
03:48Ibig sabihin, Mr. Chair, kesa wala kaming project, walang trabaho yung mga tauhan at empleyado namin,
03:55minabuti lang po namin na kumita na lang ng kahit nga bariya-bariya lang.
03:58Kasabot na hunin nyo yung district engineer at regional director. Papano po?
04:02Pati yung COA, kasabot din hunin nyo. Eh magbubulag-bulagan nalang yung tatlong yun.
04:07I don't think 2% lang po ang kinikita nyo rito 3%. Magpapakanda hirap kayo 2-3%.
04:12Kakayani ba na 2-3% yung mga sasakyan na binili nyo na pagka dami-dami po?
04:16I mean, that's just way, ika nga, unbelievable po.
04:21Your Honor, Kaya po, dahil 23 years naman po namin pinaghirapan po yun.
04:25Umutang umano ang mag-asawang diskaya sa ilang mga taga DPWH dahil na-freeze naan nila ang kanilang bank account.
04:33Noong isang araw lang daw, nagsauli umano ng pera ang isang June,
04:37driver ni Eduardo Vergilio, DPWH Regional Director ng Region 5.
04:42Itinanggiyan ni Vergilio pati ang aligasyon laban sa kanya.
04:45Na-freeze ng banko ang mga account namin kahit wala pang court order ng AMLAC.
04:50Mukhang naramdaman niya na magsasalita na ako kaya sinauli po niya yung 25% plus parking fee, kulang pa nga.
04:58I never went to that office and I categorically say that those allegations mentioned by Mr. Izkaya, I did not receive those.
05:13I awarded to him last year one project and that's a road project.
05:21Ipatatawag sa Senate hearing ang driver ng DPWH Regional Director.
05:26Itinanggi rin ni dating DPWH District Engineer Henry Alcantara ang akusasyon ni Diskaya.
05:32May respectful deny po na may itilanggap po ko galing sa kanya.
05:36Si House Speaker Romualdez, tinawag na kasinungalingan ang mga pahayag ng mag-asawang Diskaya.
05:47Sa isang pahayag, sinabi ni Romualdez na mali, malisyoso at pawang name-dropping lang ang ginawang pagbanggit sa kanya sa sworn affidavit ng mga Diskaya.
05:56Kahit kailan daw, hindi siya tumanggap at hindi tatanggap ng suhol mula sa kahit kanino dahil walang sino man ang kayang manuhol sa kanya.
06:06Kung may gumamit o nang abuso raw ng pangalan ni Romualdez para kumita, sila raw ang dapat managot.
06:12Iginiit naman ni Congressman Zaldico na walang basihan ng mga akusasyon laban sa kanya.
06:17Ayon kay ko, walang patunay ang mga aligasyon na anyay sabi-sabilang at politically motivated para linlangin ang publiko at lumihis sa accountability.
06:26Mariin ding itinanggi ni Paseg City Representative Romulo ang pag-uugnay sa kanya sa maanumalyang bidding.
06:31So sa totoo, hindi man ako nakikialam sa bidding.
06:34Pero siguro dahil nga doon na hindi ako nakikialam ng bidding, tapos sa totoo, marami pang ibang factors,
06:39ay madali niyang masabi. Pero again po, hindi po totoo ang mga sinabi niya.
06:45Iginagulat naman daw ni Quezon City 6th District Representative Marivic Coppilar ang pagkakabanggit sa kanyang pangalan.
06:51Kasi ni Anino, ni Sarah, o ni Curly Diskaya, di ko nakita.
06:58I have never spoken to them, nor have I ever authorized or allow any representative to deal with them.
07:05My office will launch an exhaustive investigation regarding this matter.
07:11I will also file a libel case against the Diskaya so they may answer before the proper court of law
07:17for this deliberate action to destroy my reputation by deceiving the public.
07:23Pinag-aaralan din ni Marikina 1st District Representative Marcy Teodoro
07:28ang pagsasampa ng mga reklamo laban sa mga diskaya.
07:31Demolition job o panirira raw sa kanya ang mga paratang ng mag-asawa.
07:36Wala raw katotohanan ng mga ito at hindi pa raw siya kongresista nang mapunta sa mga diskaya ang kontrata.
07:42Pinabulaanan din ni Quezon City 1st District Representative Arjo Atayde na nakinabang siya mula sa sino mang kontraktor.
07:49Kahit kailan, hindi raw siya nakipag-transaksyon sa kanila.
07:53Todo tanggi rin si Romblon Rep. Eleandro Jesus Madrona sa mga pahayag ng mga diskaya.
07:59Wala raw siyang proyekto sa mga diskaya kaya ano raw ang basihan ng mga pahayag nila?
08:04Nabalitaan daw niyang nagbid si diskaya para sa mga proyekto sa Romblon pero wala raw siyang alam at kinalaman sa pagbabayad.
08:11Sabi naman ni San Jose del Monte Bulacan Mayor at dating Congresswoman Florida Robes,
08:16Mangilabot naman daw kung sino man ang gumamit ng kanyang pangalan.
08:19Wala raw ghost project sa kanilang lungsod.
08:22Nanindigan din si Kaloocan 3rd District Congressman Dean Asistio na wala siyang tinanggap na pera mula sa mag-asawang diskaya.
08:29Wala raw ghost project sa kanyang nasasakupan.
08:32Kung may proyekto man daw doon, DPWH daw ang nangangasiwa.
08:35Maghahain din daw ng kaso si Laguna Rep. Benji Agaraw na itinanggiring humingi siya ng pera kapalit ng mga proyekto sa kanyang distrito sa Laguna.
08:47Mariinding pinabulaanan ni Quezon City 3rd District Rep. Reynante Arugansha ang mga aligasyon ng mga diskaya.
08:53Ilalabas daw niya sa tamang panahon ang mga ebidensya ang magpapatunay na pawang kasinungalingan at walang basihan ng mga paratang laban sa kanya.
09:01Mariinding itinanggin ni Aga Partilist Rep. Nicanor Briones ang mga paratang ng mga diskaya.
09:07Nakikipagugnayan na raw sila sa mga abogado para maghahain ng kaso laban sa mag-asawa.
09:11Pinabulaanan din ni Usuag Ilonggo Partilist Rep. Jojo Ang Jr.
09:16ang mga anyay walang basihang paratang na naguugnay sa kanya sa korupsyon.
09:20Iginit din Occidental Mindoro Lone District Rep. Auditariela na wala siyang tinanggap na pera o pabor mula sa mga diskaya.
09:28Sabi naman ni Quezon City 5th District Rep. Patrick Michael Vargas,
09:32isandaang porsyentong hindi totoo ang mga aligasyon ng mga diskaya.
09:36Wala raw silang proyekto sa kanyang distrito.
09:39Magsasamparaw siya ng kaso laban sa mga diskaya para sa kanilang anyay kasinungalingan.
09:44Patuloy na sinisikap ng GMA Integrated News na kunin ang panig ng iba pang kasalukuyan at dating kongresista na idinawit ng mga diskaya.
09:52Kasunod ng mga ibinunyag ng mga diskaya,
09:54natanong ang Justice Secretary kung pwede silang maging state witness.
09:59Pwede naman daw, sabi ni Secretary Jesus Crispin Remulia.
10:02Pero may mga kondisyon bukod sa dapat mapatunayan na hindi sila ang most guilty.
10:07Parang first principle na gagamitin natin dito.
10:11Kung meron silang nakukuhang perang hindi dapat,
10:16isa uli nila sa Republika.
10:18Yun naman ang first condition natin lagi.
10:20Di ba?
10:21You don't walk off laughing at that system
10:23because you enriched yourself and got away with the crime.
10:27You give it back to the state where it rightfully belongs
10:31before you can even be considered for immunity.
10:37Yun talaga ang whistleblower act.
10:39We have to work on those premises.
10:41Para sa GMA Integrated News, ako si Darlene.
10:44Kaya ang inyong saksi.
10:47Itinangga rin ni dating Quezon City 4th District Representative Marvin Rillo
10:51ang anya yung mga malisyosong akusasyon na mga diskaya.
10:55Hindi rin daw niya kailanman ginamit, pinahiram o inangkin
10:59ang pangalan ni House Speaker Martin Romualdez.
11:02Gagamitin daw niya lahat ng tinatawag na legal remedy
11:05para malinis ang kanyang pangalan.
11:09Mga kapuso, maging una sa saksi.
11:11Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube
11:14para sa ibat-ibang balita.
11:21Mga kapuso, mag-s Frost aur not.

Recommended