00:00At hanggang sa mga oras nga na ito ay puno ng mga relista ang EDSA People Power Monument,
00:07isa po sa mga pinagdarausan ng protesta ng bayan kontra katiwalian.
00:11Ibat-ibang sektor at personalidad ang nagtungo sa EDSA at nakatutok doon live si Marie Zumali.
00:18Marie, sa anong sitwasyon dyan ngayon?
00:19Pia, Ivan, ikulong na mga korakot, tama na sobrang na ikulong na yan ang nagkakaisa at malakas na panawagan ng mga relista
00:35ang nagtungo dito sa People Power Monument dito sa EDSA para papanagutin ang mga sangkot sa Flood Control Projects Camp
00:45at ito nga mga nagpunta rito ay hindi nagpatinag sa lakas man ng ulan o kahit sa tindi ng sikat ng araw.
00:57Maaga nagmarcha at iba pang sektor ng lipunan sa pangungunan ng tindig Pilipinas, Siklab at Akbayan Youth dito sa People Power Monument
01:07para sa Trillion Peso March. Sigaw nila panalagutan ng mga korakot at sangkot sa mga anomalya sa Flood Control Projects.
01:16May mga dumayo pa mula sa probinsya para dumalo sa kilos protesta.
01:20Kabilang din sa mga dudmolo si dating Associate Justice Antonio Carpio.
01:26Marami rin mga pare, madre at mga reliyoso ang nakibahagi sa pagtitipon.
01:30Nagtaos ng Misa na pinangunahan ni Diocese of Cubao Bishop, Elias Ayuban at Concelebrated na maraming mga pare mula sa iba't ibang deosesis.
01:42Bago mag-alas dos ng hapon, nagmarcha na rin pa People Power Monument yung mga galing eds sa shrine.
01:48Kabilang si na Sen. Kiko Pangilina, Sen. Bam Aquino, Rep. Laila de Lima, mga retired generals, mga artista at iba pang sektor ng lipunan para sa main program.
01:58Sinimulan nito ng ecumenical service at interfaith prayer.
02:04Isa-isa rin nagbigay ng mga mensahe ang ilang obispo kabilang na si Cardinal Ambodavid at iba pang mga personalidad.
02:12At bahagi nga ng mga binanggit nila na hindi ito politika kundi usapin din ng moral at paninindigan.
02:20At ang gusto nila maipakita ngayon ay walang tatanggapin ang mga mamamayan kung walang mapapalagot at makakasuhan at kung walang makukulong.
02:33At sinabi rin ni Rep. Sheldjok na dapat buksan yung mga sal and na mga opisyal.
02:39Dapat may sa batas yung House Bill 4453 para bigyan ng ipin ang ICI at dapat maikulong yung mga sangkot.
02:48At panawagan nila sa mga sangkot sa anomaliyang ito sa korupsyon, umamin na sila at ilabas ang ninakaw na pera ibalik sa taong bayan.
02:58So hanggang sa mga sandaling ito, Pia Ivan ay nagpapatuloy pa rin yung kanilang programa, yung kilos protesta.
03:08Hindi rin naman nagsisialisan yung mga ralista rito.
03:11Kanina maraming mga nagtanghal, kabilang na dyan si Bayang Barrios, si Noel Cabangon, pati na rin yung Ben and Ben.
03:20At itong programang ito ay magtatapos sa isang call to action ng komunidad.
03:27Ibig sabihin, hindi matatapos dito sa kilos protesta na ito ang kanilang pagtitipon, ang kanilang panawagan.
03:35Kundi kailangan daw may mapanagot, makulong at talagang maibalik yung pera na ninakaw sa taong bayan.
03:43At magtatapos din yung kanilang programa sa isang finale song na bayan ko.
03:50So Pia Ivan, yan muna ang latest na sitwasyon.
03:53Mula pa rin dito sa People's Power Monuments, sa EDSA. Balik sa inyo dyan.
03:56Maraming salamat, Marie Zumali.
04:00Sumiklab nga po ang gulo sa pagitan ng polis at ilang grupo sa Ayala Bridge sa Maynila.
04:06At may nagsunog ng gulong ng truck at meron pang namato.
04:10Tinatayang magigit tatlong po ang sugatan dahil po dyan.
04:12At nakatutok live, si Jonathan Nanda.
04:16Jonathan?
04:17Pia, paya pa na ang sitwasyon ngayon dito sa Maybukana ng Ayala Bridge matapos magkagulo kanina.
04:24Itong nakikita mo sa likod ko, yan yung container van na sinunog kanina ng mga sangkot sa gulo.
04:30Ito po kasing Ayala Bridge.
04:32Pag tawid nyan, yan na yung kanto papunta doon sa Malacanang Complex.
04:36Kaya yan yung binarikadahan ng mga polis kanina.
04:39Namato kanina yung mga nanggulo.
04:42Pinaulan na nalang bato yung mga polis.
04:44Kaya kung makikita nyo, nabutas po yung street side na yun.
04:47Na nakikita nyo sa inyong screen.
04:49Ang nakasulat dyan ay Romualdes Street.
04:51Ang sabi ng barangay, nakuha ng mga nanggulo, yung mga pambato nila,
04:56dito po sa may center island na ito.
04:59Kung makikita nyo, durog na.
05:01Dito daw, ito daw ay dinurog ng mga nanggulo kanina.
05:04At yung mga bato galing dito, yun yung pinambato doon sa mga polis.
05:16Pia na balot ng usok kanina ang bukana ng Ayala Bridge.
05:19Nagsunod kasi ang isang grupo ng mga kalalakihan ng gulong ng container truck na binarikada ng mga polis.
05:24Sabi ng NCRPO, gusto kasi ng mga nanggulo na makapasok sa Ayala Bridge mula Luneta.
05:29Pero hinarangan nito ng pulisya dahil kanto na ng malakanyang kompleks ang nasa kabilang dulo ng tulay.
05:34Kanina, ipinorma ng mga polis ang kanilang pansalag ng namato ng bato at bote.
05:38Ang mga kalalakihang nakatakip ang mga muka.
05:41Ilang sandali lang, umabante ang isang grupo ng mga polis.
05:44Pinalibutan nila ang isang bumbero para makalapit sa container truck at maapula ang apoy.
05:48Hanggang nagkatakbuhan na ang polisya palusob sa direksyon ng mga nanggulong kalalakihan.
05:53May dumating kasing dagdag pwersa ng polisya galing Luneta.
05:57Kaya nagpulasan ang mga kalalakihan pero may ilang mga inabutan at pinagdadampot.
06:01Ayon sa PNP, nasa labimpitong individual ang hinuli ng Manila Police.
06:06Nasa tatlongpong polis naman ang sugatan, sabi ng NCRPO.
06:09Isa sa kanila ang polis na tinamaan daw ng likido galing sa ibinato sa kanilang galon na mabahu raw at mapanghe.
06:17Sabi ng kagawad sa Barangay 663, ang mga bato at bote na ibinato ng mga nagprotesta galing daw sa mga paso nila sa Barangay Hall
06:24at sa mga bote ang ibibenta sana nila.
06:27Isang polis naman ang hinimatay raw at dinala pa sa ospital.
06:31Isang motorsiklo naman ng polis ang sinunog daw ng grupo ng mga kalalakihan.
06:35Dumating ang polis na may-ari ng motorsiklo pero tumangging magkomento.
06:39Ang sabi ng hepe ng NCRPO, maximum tolerance ang kanilang ipinatupad pero sumobra na raw talaga ang mga nanggulo kanina.
06:47Kaya kabilang daw sa isasampang reklamo ng NCRPO sa mga nahuli, direct assault, vandalism at destruction of property.
06:54Narito ang pahayag ng hepe ng NCRPO.
06:56Kaya kaya nga nang sabi ko kanina, we have observed maximum tolerance pero yung maximum tolerance na yun kung minsan is sumosobra na eh.
07:09Nakita nyo po gusto nilang ma-penetrate eh.
07:11So alangan na mga titingin na lang po kami.
07:16Sa isang pahayag naman, sinabi niya Atty. Vic Rodriguez, dating executive secretary, na hindi raw napagkasundoan at pinahihintulutan ang nangyaring gulo sa Ayala Bridge.
07:33Wala raw silang kinalaman dito.
07:35Pia, ang sabi ng ground commander na dito ng mga polis eh, yung mga inaresto eh dinala sa ospital para sa medical exam tapos posibleng dalin sila sa Manila Police District Headquarters sa UN Avenue.
07:47Yan muna ang huling balita mula rito sa Ayala Boulevard. Balik sa'yo, Pia.
07:51Marami salamat, Jonathan Andal.
07:55Mahigit limampung libo ang nakiisa sa kilos protesta kontra korupsyon sa Luneta sa Maynila.
08:00Kabila mga personalidad at mga artista sa mga nanawagan na panaguti ng mga umaabuso sa kabanang bayan.
08:08Nakatotok si Darlene Kai.
08:15Bumahan ang mga raliisa sa kilometer zero sa Luneta.
08:19Ang tawag sa demonstrasyon, Baha sa Luneta, Aksyon Laban sa Korupsyon.
08:24Kita mula sa himpapawid kung paano na puno ang Rojas Boulevard.
08:31Kanya-kanyang bitbit ng signage at placard.
08:35Ang iba may suot pang kostyum at may dalang props.
08:38Tulad ng isang nagdala ng watawat ng Pilipinas na inaakyat ng buhaya.
08:42Panawagan ng lahat, panagutin at ikulong ang mga nagdakaw sa bayan.
08:47Libo-libong mga raliisa yung bumubuhos ngayon dito sa Luneta para lumahok sa kilos protesta.
08:52Galit na galit at emosyonal yung mga nakikita naming nandito ngayon.
08:57Dahil nga nananawagan sila ng pananagutan sa mga sangkot sa korupsyon.
09:01Kaya tama na, sobra na ang bandarambong sa bayan.
09:05Ang nandito po kasi sa rally mula sa iba't ibang saray ng lipunan.
09:10Ang iba ho ngayon, malalim yung galit ng tao.
09:14Naniniwala ang taong bayan na kailangang ipakulong ang lahat ng mga sangkot sa korupsyon.
09:23Ang makaibigang Paulo at Angelo, first time daw sumali sa rally.
09:26Di na raw nila matiis ang matinding bahas sa kanilang lugar sa Las Piñas.
09:30Lahat tayo para sa Pilipino nato, eto na yung parang ibangon naman natin.
09:35Bandang alas 9 ng umaga nagsimula ang programa.
09:38May cultural performances.
09:40Ilang personalidad din ang dumalo sa kilos protesta.
09:43Gaya ni na ML Partylist Representative Laila Delima,
09:46Gabriela Women's Partylist Representative Sara Elago,
09:49at Kabataan Partylist Representative René Co.
09:51Pati na ilang celebrity.
09:54May namigay naman ng libreng tubig at pagkain sa mga nagpoprotesta.
09:57Tire kang araw at maalinsangan kaya may ilang nahilo
10:00na agad inaksyonan ng mga nakastandby na ambulansya at medical personnel.
10:05Mahigpit din ang seguridad.
10:06Bantay sarado ng mga polis ang palibot ng luneta.
10:10Ayon sa Manila DRRMO, hindi bababa sa 50,000 ang nagprotesta sa luneta.
10:14Pagkatapos ng programa, sabay-sabay silang nagmarcha pa Mendiola.
10:19Para sa GMA Integrated News, Darlene Kai, nakatutok 24 oras.
10:25Lechong buhaya at dambuhalang cake na anyong buhaya
10:29ang inihain ng mga nagprotesta sa Davao City.
10:31At nakatutok live si Argyl Relato ng GMA Regional TV.
10:36Argyl.
10:40Ivan, sa kabila ng pagkampong sa ngayon, Diyos Davao City
10:42ay nagpapatuloy pa rin ang isang praise and worship
10:45bilang sa aktividad na Pray for the Philippines ngayong gabi dito sa lungsod.
10:54Sinimula na pagkitipon sa Misa San Pedro Cathedral sa Davao City
10:57alas 3 ng hapon.
10:58Tampok sa pagkitipon ang dambuhalang cake
11:01na hango sa isang buhaya na may habang 16 feet.
11:04May lechong buhaya din.
11:06Nasa isang daang lechong baka ang ihanda
11:08na pinagsasalusuluhan ng mga lumahok sa pagkitipon.
11:11Mensahe ng pagkitipon,
11:13walang makakatumbas sa kapanyarihan ng panalangin.
11:16Panalangin para sa laban sa paggamit ng hostisya,
11:19katotohanan at panagutin ang mga sangkot
11:21sa katiwalian at korupsyon sa bansa.
11:24Ipinagpanalangin din nila si dating Pangulong Rodrigo Duterte
11:27at sana anilay, makauwi na siya sa Davao City.
11:32Ivan, pagkatapos nga ng isang sagawang praise and worship mayung gabi
11:34ay may part 2 sa programa kung saan tampok ang presentasyon ng local vans.
11:39Patuloy naman ang pamimigay ng lechong baka sa mga dumalo
11:41dito sa Praise for the Philippines sa Davao City.
11:44Ivan.
11:46Maraming salamat, Argil Relator ng GMA Regional TV.
11:51Mga kapuso, pinaghahandaan ngayon ang Super Typhoon Nando
11:54at naghahandaan na nga ang mga residente sa Cagayan sa paglapit ng bagyo.
11:59Nakatutok doon live si Nico Wahe.
12:03Nico?
12:04Pia, isa-isa na inililikas ng ilang LJU ng Cagayan
12:11ang mga residente dito sa mga coastal area
12:15bago pa man manalasa ang bagyong Nando.
12:17Malakas na ang ulan ngayong hapon sa Tuguegaraw, Cagayan
12:24kaya ang mga lalawak sana sa kilos protesta kontra korupsyon na pasilong na.
12:29Sa Santa Ana, mas maalo ng dagat kaninang umaga sa barangay Palawig.
12:34Si Aling Marjorie nagtali ng kanilang bubong para hindi tangayin ang malakas na hangin
12:38habang ang anak niya nakasampa sa bubong para siguruhing matibay ang bahay.
12:42Para mas safe konti kahit medyo sira-sira na.
12:47Sa ibang mga bahay, may naglagay ng mga sandbag sa bubong bilang pabigat
12:50o kaya'y pinakuha ng mga kahoy ang bubongan.
12:53Biernes nang huli tayong bumisikita rito sa may barangay Palawig dito sa Santa Ana, Cagayan
12:58at mga araw na yun, ang mga manging isda ay pumalaot pa
13:02at yung kanilang mga bangka ay nandun pa sa tabi ng baybayin.
13:05Pero ngayon, na malapit nang dumating ang bagyong Nando,
13:07ang kanilang mga bangka, narito na sa mismong kalsada.
13:13Nagsigurado na kami para hindi masira.
13:16Wala ka nang kasi ibang malalagyan kaya dito na namin ipinaparada.
13:22Ang ibang malapit sa baybayin, iniangat na rin at nagtali ng kanilang bangka.
13:26Para hindi naman po masyado masira kung sakali man na talagang lalan po dito ng maga yung bagyo.
13:33Ito eh parang safety lang po.
13:35Bandang alas just na umaga, nagsimula magparamdam ang masamang panahon.
13:40Sa bayan ng Gonzaga, nagsagawa ng preemptive evacuation nitong tanghalis
13:43sa coastal barangay na Barangay Karoan.
13:46Dito po yung bahay namin.
13:48Siyempre sir, natatakot po kasi sabi po nila signal number 5 po sir.
13:52Kaya mas maganda po na lilikas po kami.
13:55Isinakay sa truck ng sundalo at sa polismobile ang ilang residenteng inilikas.
13:59Pia, dito sa Barangay Palawig, kung nasan kami ngayon ay nasa 50 pamilya na ang inilikas sa mga evacuation center.
14:11Yan muna latest mula rito sa Santa Ana, Cagayan.
14:14Balik sa'yo, Pia.
14:16Maraming salamat, Nico Wahe.
14:17Maraming salamat.