00:00Sarado ang tourist spot sa Baguio City na nakakaranas ng masamang panahon dahil sa Super Typhoon Nando.
00:06Live mula sa Baguio, may unang balita po John, konsulta. John!
00:14Igan, ramdam na nga ang malakas na hangin at pabugsubugsong ulan na dala ng Super Typhoon Nando dito sa Baguio City.
00:21Sa gitna ng umiiral na red alert status ng CDRMO ng Baguio City, suspendido ang trabaho sa government offices at klase sa lahat ng levels sa Benguet.
00:36Isinara na rin, Igan, muna ang mga hiking sites at itinigil ang small mining activities sa Benguet para di malagay sa peligro ang ating mga kabayan sa pananalasan ng Bagyong Nando.
00:47Pero kagabi, sa kabila ng umiiral na sama ng panahon, sinamantala ng ilan nating mga kababayan ang kumita ng konti sa Baguio City Night Market na dinumog pa rin ng mga residente at turista sa lungsod.
01:01Sa mga sandaling ito, Igan, talagang ramdam na natin itong mga ulan at malakas na hangin na dala ng Super Typhoon Nando
01:10at inaasahan na patuloy na iikot yung mga rescue units ng CDRMO ng Baguio para tingnan yung mga land, land slide prone areas at mga lugar na binabaha dito sa lungsod.
01:22Yan ang muna lalit, lalit sa Baguio City. Balik sa iyo, Igan.
01:24Maraming salamat, John Konsulta.
01:27Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
01:35Maraming salamat, John Konsulta.