00:00Update tayo sa sitwasyon sa Baguio City na isa sa mga hinagupit na Super Typhoon Nando.
00:05May una balita live si John Consulta.
00:08John?
00:13Igan, pag-ulon na lang at wala nang malakas na hangin ang naranasan ngayon dito sa Baguio City,
00:18matapos nga ang pananalasa ng Super Typhoon Nando sa lungsod.
00:23Ayon sa CDRMO ng Baguio City, umakyat sa labing tatlo ang bilang ng insidente ng rock slides at soil erosion sa buong Baguio City.
00:35Wala namang naitalang nasaktan, napinsala o naharangang kalsada.
00:39Apat ang naitalang insidente ng pagbaha, habang labing tatlo naman ang bilang ng natumbang puno.
00:45Na ibalik na ang kuryente sa malaking bahagi ng Baguio City, bagamat may walong naitawag na telecom at electricity interruptions.
00:54Nananatiling sarado ang Kennon Road, habang pasamol naman ang Margos Highway at Nagillion Road.
01:00Nagpadala naman Igan ng heavy equipment at mga emergency personnel ang Baguio City sa nangyaring landslide sa Tubo Benguet,
01:07kung saan isa ang naitalang patay at lima ang sugatan.
01:11So sa ngayon Igan, medyo kumakalma na rin ang sitwasyon dito sa bahagi ng Baguio City
01:17at patuloy pa rin naman ang pag-ikot ng mga emergency units ng CDRMO
01:22para tumugon sa mga tawag na patuloy pa rin nila na kukuha,
01:26hinggil nga dito sa mga natumbang puno at mga soil erosion sa lungsod.
01:30So yan muna ng latest dito sa Baguio City, balik sa iyo Igan.
01:33Maraming salamat at ingat, John Consulta.
01:36Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
01:42para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.