Hindi lang bumababang enrollment at pag-alis ng mga guro ang tinalakay sa isang pagtitipon ng mga private catholic schools. May panawagan din sila sa mga naging estudyante nilang sangkot sa korupsyon.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi lang bumababang enrollment at pag-alis ng mga guro ang tinalakay sa isang pagtitipon ng mga private Catholic schools.
00:10May panawagan din sila sa mga naging estudyante nilang sangkot sa korupsyon.
00:16Nakatutok si Sandra Agnaldo.
00:20Sa pagtitipon ng Catholic education leaders, tinalakay ang iba't ibang pagsubok na pinagdaraanan ng private schools sa bansa,
00:28pati ang mga isyo na ikinagagalit ng marami ang katiwalian sa paggamit sa pera ng bayan.
00:34Punto ng Catholic Educational Association of the Philippines o CEAP na gamit na lang sana sa edukasyon ng mga bata
00:42ang pondong nasayang sa mga maanumalyang proyekto ng gobyerno.
00:46Gano'ng karaming eskwelahan ang improve mga facilities about addressing malnutrition of our school children.
00:52Hunger, di ba? Yung mga pera sana na gamit diyan eh. Pero napunta lang sa kamay ng ilang mahiyaman.
01:02Nagbalik tuloy sa alaala ng grupo na ang mga sangkot sa katiwalian, dati rin mga naging estudyante na ang ilan daw mula rin sa Catholic schools.
01:11Tapos panawagan nila sa mga ito?
01:13Come home to your schools and universities to rekindle the spirit of truth, decency, social justice.
01:21Nakahiya naman kayo kung Catholic school graduate kayo tapos nagkokorab kayo.
01:27Kasi you're living lives contrary to the very essence of the values that we have taught you in the schools and universities.
01:35But we want to recognize as well, many of our alumni who are heroes, good and great public servants.
01:44Bahagi naman daw ng pagtuturo sa mga eskwelahan, ang kabutihang asal at pagiging responsabling miyembro ng lipunan.
01:52Pero makabubuti raw kung mabibigyan diin pa ito sa mga paaralan.
01:56Pero paalala nila, hindi lang naman eskwelahan ang humuhubog sa isang estudyante,
02:00na rin din ang pamilya at komunidad.
02:04Sa kanilang national convention sa Pasay City,
02:07tinalakay din ang mga problema kinakaharap ng mga private schools ngayon,
02:11gaya ng pagbaba ng enrollment dahil sa mahirap na buhay,
02:15at paglipat ng private school teachers sa government schools dahil sa mas mataas na sahod.
02:21Ilan sa panukala nila, palawakin ang private school scholarship program
02:25para makadiscount sa tuition fee maging ang elementary students.
02:30Dagdagan din daw sana ang subsidiya para sa mga sweldo ng private school teachers.
02:36Nasa mahigit 2.2 milyon ang nag-aral sa private schools noong school year 2023 to 2024.
02:43Sana matulungan kami for the survival of our private schools.
02:48Kasi kailangan ng buong bansa yan.
02:50So isasabi namin, complementarity and partnership.
02:53Kailangan ng buong bansa ang public at saka private schools.
02:56Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatuto, 24 Horas.

Recommended