Pumanaw na ang isa sa mga Pilipinong sakay ng Dutch cargo ship na inatake ng grupong Houthi sa Gulf of Aden noong Setyembre. Ayon sa Department of Migrant Workers, nilabag ng barko ang patakarang abisuhan ang mga sakay nitong Pilipino na daraan sila sa delikadong bahagi ng dagat.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pumanaw na ang isa sa mga Pilipinong sakay ng Dutch cargo ship na inatake ng Grupo Koti sa Gulf of Aden noong September.
00:07Ayon sa Department of Migrant Workers, nilabag ng barko ang patakarang abisuhan ng mga sakay nitong Pilipino na daraan sila sa delikadong bahagi ng dagat.
00:16Nakatutok si J.P. Soriano.
00:17Kinumpirma ng Department of Migrant Workers na pumanaw na ang isang Filipino seafarer ng Dutch flagged general cargo ship na Minerva Groft na inatake ng rebelding Huti sa Gulf of Aden nitong September 29.
00:34Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Kakdak, lumabas sa paunang imbistigasyon na hindi nabigyan ng pagkakataon ang labindalawang Pilipinong tripulante ng barko na tumanggi o maabisuhan man lang na dadaan sila sa delikadong bahagi ng Gulf of Aden.
00:49Required yan dahil sa patakaran ng Department of Migrant Workers o DMW na may right to refuse to sail o karapatan ang tumanggi ang mga Pilipino na sumampa sa isang barkong dadaan sa Gulf of Aden o Red Sea.
01:02Kinutusan silang dumaan doon without observing yung procedure na kailangan tanongin sila.
01:09Required ding abisuhan ang DMW, bagay na nilabag din ng pamunuan ng barko.
01:14Yung reporting to the DMW, bago pa dumaan ang barko doon, wala na naman po yun.
01:20Nasa Ethiopia na si Kakdak at ilang foreign affairs official, pati ang asawa at kapatidang nasawing Pinoy na siyang able seaman ng Minerva Groft.
01:29Hindi na nila inabutan ang buhay ang biktima na nung una'y kritikal lang sa ospital dahil sa mga sugat.
01:35Aasikasuhin na natin yung paguling. Una nung labi, nasawing natin yung tripulante.
01:40This is just the general facts that I gathered.
01:46Mayroong mga tripulante tayo na magigiting at patuloy ang paninilbihan on board kahit na humaharap na sa danger.
01:57Aasikasuhin din ng DMW ang pag-uwi sa Pilipinong cook ng barko na nasugatan ding pero nagpapagaling na sa isang ospital sa Djibouti.
02:06Base sa inisyal na impormasyon ng DMW, hanggang sa huling sandali ng pag-atake ay hindi iniwan ng Pilipinong nasawi ang kanyang trabaho
02:14para matiya na maisalba ang barko at kaligtasan ng mga kasama.
02:19Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.

Recommended