00:00Lord please send some help
00:05Mga kapuso, nianig ng magnitude 5.8 na aftershock ang Bogot City sa Cebu kanina
00:19Kaya tuluyang gumuho ang ilang bahay na dati nang nagkabitak sa paunang lindol noong September 30
00:25Sa katabing bayan ng San Remigio, tuluyan namang nauka ang kalsada sa harapan ng isang paaralan dahil po sa sinkhole
00:33Nakatutok si Fe Marie Dumabok ng GMA Regional TV
00:37Sa tindi ng pangambang idinulot nito, viral na ang kuhang ito sa San Remigio, Cebu
00:46Nauka ang ilalim na simentadong daan sa harap ng Hagnaya Integrated School
00:50Kasunod ng malakas na aftershock sa kalapit na bayan ng Bogot City
00:55Ayon sa munisipyo, nauna nang nagka-sinkhole sa ilalim ng daan dahil sa magnitude 6.9 na lindol nitong September 30
01:04Pero bitak pa lang ang nabakas sa mismong kalsada noon
01:08Kanina, tuluyan itong bumigay, mabuti na lang at walang tao sa gumuhong bahagi at walang nasaktan
01:14Pasado alauna ng madaling araw nang maganap ang nasabing aftershock na may lakas na magnitude 5.8
01:22Nagising nito kaya naglabasan ang mga nasa Tent City sa barangay Cugon sa Bogot City
01:27Ayon sa Bogot City Hall, dahil sa aftershock ay isinugod sa ospital ang tatlong nakaramdam ng chest pain
01:34Tatlong nasugatan, isang inatake ng asma dahil sa trauma
01:39At isang naaksidente habang nagmaneho ng motorsiklo
01:43Tatlo na lacerated, yung isa sa may mata daw, kasi na ano sa glass
01:51Nahulugan sa eh
01:53Meron ding na-disgrasya ng, o nahulugan
01:55So meron ding na-disgrasya ng motor, isa lang naman, o noong pag-lindol
02:01Tuluyan ding pinakolaps ang ilang bahay na nagkabitak sa naunang lindol noong September 30
02:06Abandonado na ang mga ito kaya walang nasaktan sa guho
02:10Sa ngayon ay aabot sa mahigit 200 bahay na ang bawal balikan
02:14Dahil nasa loob ng idiniklarang no-build zone
02:18Sa limang barangay dahil nasa fault
02:20Tatlo sa mga barangay ang nasa Bugo Bay Fault
02:23Habang ang iba ay nasa ibang fault system o delikado rin ang lugar
02:28Hanggang kanina ay may mga inililikas pa dahil sa aftershock
02:32Sa Cebu City naman kung saan naramdaman din ang aftershock
02:59Dali-daling lumabas ang mga empleyado na sa matataas na gusali sa IT Park
03:04Para sa JME Regional TV at JME Integrated News
03:08Ako si Femarie Dumabuk
03:10Nakatutok 24 Oras