Skip to playerSkip to main content
Mahigit dalawang linggo bago ang Undas, naisabatas na ang "Free Funeral Service Act". Iniuutos ng batas na sagutin ng gobyerno ang burol at libing ng mga mahihirap o biktima ng kalamidad.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mahigit dalawang linggo bago ang undas na isabatas na ang Free Funeral Service App.
00:06Iniuutos ng batas na sagutin ng gobyerno ang burol at libing ng mga mahihirap o biktima ng kalamidad.
00:14Nakatutok si Dano Tingcunco.
00:17Sa hirap ng buhay ngayon, mahal na ngang mabuhay, mahal pa ring mamatay.
00:24Gaya ng karanasan ng ilang nalagak sa isang punerarya sa Maynila na iniulat namin dito sa 24 oras noong Hulyo.
00:32Kulang sa pambayad ang ilang kaana kaya ilang buwang nasa pasilidad kahit hindi maayos at delikado ang pagkakaimbak.
00:40Ang ganyan ang gustong tugunan ng Free Funeral Services Act na ipinasan ng Kamara at Senado
00:45at tuluyang naging batas nitong September 28 matapos hindi i-vito ng Pangulo.
00:50Sa batas, sasagutin ng gobyerno ang lahat ng gastusin sa burol, embalsamo, libing, cremation at inurnment
00:57kung ang pumanaw ay galing sa mga pamilyang nasa crisis situation tulad ng mga indigent o mga biktima ng kalamidad batay sa pagsusuri ng DSWD.
01:07Inaatasan din ang bagong batasan DTI para i-monitor at i-regulate ang presyo ng burol kabilang ang mga ataol.
01:14Posibling ipasara at pagmultahin ng hanggang 400 piso ang mga puneraryan na lalabag o mananamantala.
01:22Kalahating milyong pisong multa naman at hanggang kalahating taong kulong ang parusa sa mga magpapatay-patayan para makadilihen siya sa gobyerno.
01:31Kahit meron ng libreng palibing ng DSWD sa ilalim ng AICS o Assistance to Individuals in Crisis Situations,
01:38hindi ito required na ipatupad, hindi tulad ng nakasaad ngayong meron ng batas.
01:43Limitado rin lang ang sagot ng gobyerno ngayon at kailangan pa ng guarantee letter.
01:48If outright cash, halimbawa not more than 10,000 yung gagastusin, we provide that outright cash.
01:57But if more than 10,000 pesos, we issue a guarantee letter.
02:02Dahil sa batas, kailangan nang tanggapin ang mga funeral parlor ang guarantee letters mula sa DSWD.
02:08Required na rin silang magkaroon ng indigent funeral package para sa mga mayihirap.
02:13Dapat tumanggap sila ng guarantee letter from the DSWD.
02:17So lahat na sila mandated to accept na GL from DSWD.
02:22As compared to what is currently happening na dapat merong kaming memorandum of agreement with the service provider bago sila tumanggap ng guarantee letter.
02:32Pero dahil kakasabatas pa lang ng Free Funeral Services Act, babalangkasin pa lang ang implementing rules and regulations nito o gabay sa pagpapatupad nito.
02:42Sabi ng DSWDC, siguraduhin daw nilang malaki ang papel ng assessment ng social worker para masigurong sa tamang benepisaryo mapupunta ang tulong mula sa batas.
02:51Para sa GMA Integrated News, daan natin kung ko nakatutok 24 oras.

Recommended