- 11 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
📺
TVTranscript
00:00Aprobado na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang Dagdag Sahod sa Cagayan Valley.
00:07Matay po sa wage order number RTWPB-224.
00:14Magiging 500 pesos na ang daily minimum wage sa agriculture at non-agriculture workers sa Cagayan Valley simula sa November 5.
00:22Mula po yan sa dating 460 at 480 pesos para sa agriculture at non-agriculture sectors.
00:30May dagdag na 500 pesos naman sa monthly minimum wage para sa domestic workers sa rehyon.
00:36Ang dating 6,000 pesos na sahod magiging 6,500 pesos na kada buwan simula rin po sa November 5.
00:50Tuesday latest mga mare at pare, blessed!
00:53Ganyan inilarawa ni Ultimate Sparkle Campus QT Mad Ramos ang takbo ng kanyang career.
01:00Chika ni Mad, grateful siya sa opportunity na mabigyan agad ng project after manalo sa Campus QT last June.
01:08Gaya na lang ng kanyang production number kasama ang OG QT's sa All Out Sundays.
01:13Bida rin ngayon ang Sparkle Stars sa Ride to Forever episode ng hit youth-oriented show na Maka Love Stream kasama si Ashley Sarmiento at Marco Masa.
01:23Pag-amin ni Mad na challenge ng show ang kanyang acting skills dahil sa iba-ibang stories at genres nito.
01:30Isinere ng aktor ang tips na nakuha niya sa kanyang castmates at mentor na si Anna Feleo.
01:36Before ka maging magaling na artisa, maging mabuti ka muna ng tao, syempre.
01:43And sa acting naman, it's not all about crying talaga.
01:45It's all about the emotions na dapat mong kayang ilabas.
01:49Yung influence ng colleagues ko.
01:51The way they act.
01:52Sishare nila sa akin.
01:53Ito na ang mabibilis na balita.
02:00Tumalpok sa poste at bahay ang isang truck na bumulusok sa Camarine Road sa Barangay 178 sa Caloocan.
02:06Batay sa embesigasyon, una nang tinamaan ng truck ang isang poste ng ilaw.
02:10Nakahinto na raw ito at nilalagyan na ng kalso ang gulong nang umandar pa papunta sa bahay sa gilid ng kalsada.
02:17Karga ng truck ang mahigit 6 na raang sako ng semento.
02:21Walang sugatan sa insidente.
02:23Nakipagagareglog na ang kumpanya ng truck driver sa mga naapektuhan ng aksidente.
02:28Ayon sa mga taga-barangay, accident-prone ang lugar.
02:30Lalo pat pababa ito kaya palagi silang nagpapaalala sa mga motorista.
02:37Sumiklab ang sunog sa isang junk shop sa Barangay Santa Teresita sa Quezon City kahapon.
02:42Batay sa embesigasyon, hinihinalang sahin ng apoy ang pagsabog ng kemikal na asetilin na ginagamit sa pagtuputol ng bakal.
02:48Sugatan sa pagsabog ang anin na trabahador ng junk shop.
02:53Ginala na sila sa ospital.
02:55Iniimbestigahan pang sanhi ng pagsabog.
02:57Ngayong ADHD o Attention Deficit Hyperactivity Disorder Awareness Month,
03:07panawagan po ng isang grupo sa publiko na huwag ituring na sagabal ang naturang kondisyon.
03:13Yan ang binigyang DIN sa National Conference ng ADHD Society of the Philippines.
03:18Ayon sa ADHD Society, mahalagang bantayan ang mga sintomas ng kondisyon tulad ng hyperactivity o pagiging malikot,
03:27pagiging impulsive o padalos-dalos ang kilos, at inattention o hindi pakikinig.
03:33Pwede raw na mamanage ang sintomas kung maagang na-diagnose.
03:38Regular ang pagpapatherapy at may suporta mula sa pamilya at komunidad.
03:43Ikwinento rin ang ilang may ADHD na napapakinabangan din nila ang kanilang kondisyon.
03:50Inilalabas lo kasi nila sa pag-aaral, sports, trabaho, at iba pang aktibidad ang kanilang sobrang energy.
04:00Hulikam sa Teresa Rizal ang panluloob ng dalawang lalaki sa isang bahay.
04:05Ang susi sa pagkaka-aresto sa kanila ang motorsiklong na iwan nila.
04:10Balitang hatid ni EJ Gomez.
04:12Nilooban ang dalawang lalaking yan, ang isang bahay sa Teresa Rizal, madaling araw nitong biyernis.
04:21Nakasuot sila ng sombrero at balot ang mga mukha.
04:24Ilang segundo lang, lumabas ang isa sa kanila at may bitbit ng dalawang bag.
04:29Sinundan siya ng kasama niya na tinangay naman ang isang laptop.
04:33Sa isa pang CCTV, kita ang pagtakbo at pagtakas ng mga sospek.
04:39Hindi kami matulog ng anak ko, tapos parang may kumakaluskos.
04:43Yung mga pusa namin, dapat yun natutulog na.
04:47And mga nakaabang, parang may inaabangan sila, nakatingin sila lahat sa may pintuan.
04:52Tapos biglang may naramdaman ako, yung kortina ng pintuan namin, parang may humawi.
04:58Tapos kinuit ko na yung anak ko, sabi ko, EJ may ano, may anino.
05:02Maya-maya, mayroong papasok na dun sa silong namin.
05:08Sabi ko, Hoy! Tapos humuy-hoy na rin yung anak ko.
05:12Ayun na, nagtakbuhan na kami.
05:19Ayon sa biktima, nagkakahalaga ng halos 30,000 pesos ang laptop.
05:24May 2,000 pisong cash ang wallet at dalawang bag ng kanyang mga anak.
05:29Base sa pahayag ng ilang saksi, gumamit ng motorsiklo ang mga sospek papunta sa nilooban nilang bahay.
05:36Pero naiwan nila ito matapos tumakas.
05:39Itinabiraw ng mga biktima ang nasabing motor sa tapat ng kanilang bahay
05:43para masapul sa kanilang CCTV kapag binalikan ng mga sospek.
05:48Kinaumagahan, isang lalaki ang kitang nagmamaniobra ng motor.
05:53Nakorner na siya ng mga residente sa lugar.
05:59In-arresto siya ng polis na pag-alamang tiyuhin siya ng isa sa mga sospek sa panluloob.
06:05Hindi raw niya alam na ginamit ang kanyang motorsiklo.
06:10Nalaman niya na nga lang kinabukasan ng umaga na yung motor niya is ginamit nga daw po ng sospek na dalawa at binala sa Teresa.
06:17At so, nangyari, nakipagtulungan po siya sa amin at sinabi niya sa amin kung sino yung dalawang sospek na yon.
06:23Sa follow-up operation, magkasunod na na-aresto ang dalawang sospek.
06:28Na-recover sa kanila ang laptop at mga bag pero wala na ang pera.
06:33Aminado sila sa krimen.
06:35Gawa lang, pangangailangan, mabayad po sa utang din yan.
06:40Daming utang.
06:42Tapos?
06:43Kaya nagawa yan.
06:44Pasensya na po sa nagawa namin.
06:46Maharap pa mga sospek sa reklamong theft.
06:48E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:55Ito ang GMA Regional TV News.
07:00Mainit na balita mula sa Visayas at Mindanao, hatid ng GMA Regional TV.
07:05Sampung sasakyan na nagkarambola sa Nabas Aklan.
07:09Sara, paano nagsimula itong karambola?
07:11Raffi, isang 10-wheeler na nawalan umano ng preno ang dahilan ng karambola.
07:19Sa lahulikam na insidente sa kalsada ng Barangay Libertad,
07:23kita ang pagbangga ng truck sa nasa unahang van.
07:26Sa lakas ng impact, tumagilid ang van, gayon din ang truck.
07:30Tumama ang mga ito sa ilan pang sasakyan.
07:33Batay sa investigasyon, nadamay sa insidente ang isang motorsiklo at dalawang sasakyan na nahulog sa bangin.
07:40Patuloy pa ang investigasyon ukol sa kaboong bilang na mga sugatan at halaga ng pinsala.
07:47Sumiklab ang sunog sa isang paaralan sa Daanbantayan, Cebu.
07:51Tatlong silig-aralan sa Daanbantayan Central School ang tinupok ng nagngangalit na apoy madaling araw nitong linggo.
07:59Git na isang school official, naka-unplug ang lahat ng appliances sa nasabing paaralan.
08:04Kabilang ang gusali sa mga nakitaan ng bitak kasunod ng magnitude 6.9 na lindol doon noong September 30.
08:11Inaalam pa ang sadhi ng apoy.
08:13Kaugnay naman po sa pagkakapasa sa third and final reading sa camera ng 6.793 trillion peso sa national budget.
08:24Kausapin na po natin si House Appropriations Committee Chairman, Congresswoman Mikaela Swansing.
08:30Magandang tanghali at welcome po sa Balitang Hali.
08:33Magandang tanghali po, Ma'am Connie, Sir Rafi at sa lahat po ng mga taga-panood ng Balitang Hali.
08:38Maraming salamat po sa pagkakataon.
08:40Ma'am, papaano niyo magagarantiya sa taong bayan na talagang binusisi at pinag-aralang mabuti itong proposed national budget para po sa 2026?
08:50Opo, Ma'am Connie, yan po isang bagay na talagang mabibigyan po natin ng garantiya sa loob po ng dalawang buwan.
08:58Mula po nang na-turnover sa atin ang NEP noong August 13 hanggang po noon na ipasa natin sa ikatlo at huling pagbasa ang General Appropriations Bill.
09:08Talaga pong hanggang madaling araw po, nakita naman po yan na ating mga kababayan hanggang alas 4 o alas 4.30 ng madaling araw ay tuloy-tuloy po yung ating deliberasyon.
09:18Sinigarado rin po natin na bukas at transparent po yung ating mga pagdinig.
09:23Lahat po ng committee hearings, penary deliberations, pati na po yung deliberasyon patungkol sa amyenda na sinagawa ng Budget Amendments Review Subcommittee.
09:32Lahat po yan ay linivestream natin. So, yun po talagang binusisi po talaga natin yung budget para sa taong 2026.
09:40Ma'am, siguro magandang maipaliwanag yun na rin kasi may mga kumagkustyon bakit hindi ho inalis yung P250 billion pesos na unprogrammed appropriations bago maipasa itong proposed national budget.
09:52Opo. Ma'am Connie, kahapon po, nung nagsagawa po tayo ng press conference, inilatag po natin yung breakdown noong P243 billion pesos na unprogrammed appropriations.
10:05Hindi po ito lump sum funds. Hindi rin po ito nakapaloob dun sa P6.7 trillion natin na national budget.
10:12Standby funds po ito na mapupondohan lamang kung meron pong sobrang kita ang ating gobyerno o may panibagong loan.
10:19Ang dahilan po kung bakit hindi po natin siya tinanggal ay mayroon po kasing mga particular na purpose na talaga pong kailangan po nating pondohan.
10:31Halimbawa po yung foreign assisted projects na nabanggit po ng ilang beses na po sa talakayan na ito.
10:38Yun po kasi ay obligasyon natin sa ating mga international and development partners.
10:42So, kailangan po nating pondohan ito.
10:44So, yung iba po pong mga malalaking items sa ilalim po ng unprogrammed appropriations,
10:50bukod po sa P113 billion para sa foreign assisted projects,
10:54meron pong P50 billion para sa AFP modernization program,
10:58at meron pong P45 billion para sa strengthening assistance for social programs.
11:03Ang nakapaloob po dito ay mga programa patungkol sa PhilHealth, patungkol po sa CHED, DOH, DSWD, SSS, at iba pa.
11:12So, ito po ay mga bagay na kailangan po nating lagyan ng standby funds
11:18para kung sakali pong merong mga emergency or unforeseen circumstances na dumating,
11:24meron po tayong nakaabang na pwede pong maipasok para po sa mga programang ito.
11:29Pero si Senate President Soto po ay nagsabi na posibleng alisin daw sa Senado yung mga unprogrammed funds
11:35at i-reallocate sa mga proper agencies.
11:38Maari po bang makakuha ng inyong reaksyon dyan?
11:42Apo, tulad po ng aking binapanggit,
11:46bukas po tayo sa pag-uusap sa Senado sa ano po ang gagawin natin patungkol sa unprogrammed appropriations.
11:53Bukas po tayo sa posibilidad na bawasan po ito,
11:57pero sa ating palagay, maganda po natignan po natin bawat isa sa labing isa na intended purposes
12:04para sa unprogrammed appropriations para po matignan natin pa paano po dapat ang pinaka-efektibong paraan
12:10para po marationalize natin yung nakapaloob sa unprogrammed appropriations.
12:15Kumpirmado na ho ba at may nakalatag na kayong plano sa pagpapublic live stream ang bicameral conference committee hearings po?
12:24Para malinaw rin ho, sino-sino lang ba yung mga dapat at otorizado na dumalo sa bicameral conference committee rin?
12:31Opo. So, in terms of that, Ma'am Connie, nagkaroon na po tayo ng initial discussions.
12:38Mga gawing Agosto po yun, nag-usap po kami ng aking counterpart sa Senado,
12:43ang chairman ng Committee on Finance, Senator Wengachalian,
12:46na pareho po kami ng pagnanais na isa po sa mga reforma na aming nilulunstad
12:51ay magkaroon po ng live stream or bukas na bicameral conference committee proceeding.
12:56So, kaya po, supportado po namin yung pronouncement ng ating Pangulong Bongbong Marcos
13:01na isa publiko po yung mga pagdinig ng bicameral conference committee.
13:06As to the conferries to the bicameral conference committee proceedings po,
13:11merong set number po on the part of the House and the Senate.
13:16On the part of the House po, labing tatlo po kami na magiging bahagi ng bicameral conference committee hearings.
13:23Pero kailangan pa po namin na ilatag ng ating mga kasama sa Senado
13:28kung in terms of attendance po, sino po yung pwede pa na makasama.
13:33Kasi alam ko po, isa po sa mga ina-advocate ng civil society organizations
13:38ay magiging observe sa bicameral conference proceedings.
13:42So, isa po yung bagay na kailangan pa po namin ilatag at yung mga kasama sa Senado.
13:48Opo, ma'am. At syempre, hinga na rin po namin kayo ng reaksyon.
13:51Ngayong ilang mga kasamahan niyo po sa Kongreso, ang naglabas na ng kanilang SAL-N.
13:56Kayo po at sa inyong committee, ano ba ang plano po ninyo dito?
14:00Opo, sa ngayon po, ma'am Conny, hinihintay po po namin yung direksyon ng liderato ng Kongreso.
14:08Alam ko po, nung nakadaang linggo o earlier this week po,
14:13naglabas na po ng pahayag ang aming speaker, si Speaker Bojiti,
14:17na gagawa po siya, paglalatag po ng panibagong guidelines,
14:22ang House of Representatives patungkol po sa SAL-N.
14:26So, hinihintayin po natin yun at magkukumpli po tayo doon po sa direksyon
14:31at panibagong guidelines ng House of Representatives patungkol dito.
14:34Ma'am, balikan ko lamang ho yung unprogrammed funds kasi doon po maraming tanong talaga yung mga kababayan natin.
14:40Sabi niyo, wala ho ito dito sa trillions of budget sa atin sa 2026 na hindi po ito nakapaloob.
14:49Pero ito ay manggagaling sa savings kung meron man o kaya ano pa ho ba sabi niyo kanina,
14:54parang kung meron tayong mga loans pa ba, na papaano ho yun?
14:58Kasi parang sinasabi nga, marami po tayong kailangan na bayaran.
15:02Bakit kailangan pa ho nito? Talaga, yun ho yung kinikwestiyon doon?
15:10Opo. May tatlong kondisyon po, Ma'am Connie, na pwede po tayong humugot
15:14o para po ng kalagdagang pondo para po sa unprogrammed appropriations.
15:20Kailangan po ng merong excess or windfall revenue sa ating gobyerno
15:24kung may new revenue measures sa susunod na taon
15:27o meron pong approved loan agreement sa ating po international at development partners.
15:33Ako po, naniniwala din po ako at kasama po ako ng ating mga kababayan
15:38na as much as possible, gusto po talaga natin na lahat po ng mga programa at proyekto
15:43sa ating budget ay nakapaloob sa programmed appropriations.
15:47Kaso lang po may mga pagkakataon, halimbawa po sa kaso ng foreign assisted projects,
15:52may mga pagkakataon po kasi na hindi po umabot doon sa deadline
15:55ng pagbuo ng NEP yung perfected loan agreements at NEDA board approval
16:00ng ilan sa ating mga ODA agreements or official development assistance agreements
16:05sa ating mga kasama na development partners tulad ng World Bank, JICA, OICA, ADB.
16:13Kaya yun po yung dalilan na napilitan po ang DBM na ilagay sila sa unprogrammed appropriations.
16:19Sa kaso naman po ng social programs, halimbawa po, gagawin ko po halimbawa yung AICS
16:26sa ilalim po ng Strengthening Assistance for Social Programs
16:29sa ilalim ng unprogrammed appropriations.
16:32Nung tumama po yung bagyo sa Masbate at yung mga lindol sa Cebu at Davao,
16:38kinulang na po yung original na programmed appropriations sa loob ng DSWT.
16:43Kaya po kinailangan po na nung nakalaang buwan lang na humila ng P5B para sa AICS
16:52mula sa unprogrammed appropriations para po makatugon po agad-agad sa mga pangangailangan
16:58ng mga nabiktima po ng kalamidad.
17:00So may mga ganun lang po kasi talagang pagkakataon na kailangan po natin itong standby funds na ito
17:05para po makatugon po kaagad.
17:08Nung panahon din po nung COVID, yung initial po na inilabas na ating gobyerno
17:13bilang allowance po sa health practitioners, yung ating mga frontliners,
17:20kinuha din po ito sa unprogrammed appropriations.
17:23Pero Ma'am Connie, inaintindahan ko po yung concern na ating mga kababayan
17:28patukol sa unprogrammed appropriations.
17:30Ito po ay nakasentro doon sa nangyari nung nakaraan kung saan nakahila po ng pondo
17:36mula sa unprogrammed appropriations para sa flood control projects.
17:40At talaga po ngayon, binibigyan ko po ng assurance yung ating mga kababayan
17:44na sa kasalukuyang forma ng General Appropriations Bill,
17:48hindi na po pwede na mapondohan ang mga locally funded flood control programs
17:55or kahit road or bridge programs sa ilalim po na unprogrammed appropriations.
18:00Dahil may safeguard na po tayo na yung dating sagip na controversial,
18:05tinanggal na po natin yung posibilidad na humila na infrastructure projects
18:10mula po dito sa unprogrammed appropriations.
18:12So ang papayagan na lang po na infrastructure ay yung mga foreign assisted projects.
18:17Kaya sinisigurado po natin na hindi po maaabuso ang unprogrammed appropriations
18:23lalo yung lalo na po pagdating sa infrastruktura para sa taong 2026.
18:27Okay, malinaw po yan. Maraming maraming salamat sa inyong oras na ibinahagi sa amin dito sa Balitang Halimam.
18:33Maraming salamat po, Ma'am Connie. Maraming salamat po sa pagkakataon.
18:40Yan po naman si House Appropriations Committee Chairman Swan Singh.
18:43Nilinaw ng Senado ang mga dagdag na requirement bago isa publiko
18:48ang Statement of Assets, Liability, sa Net Worth o SAL-N ng mga Senador.
18:52Ayon kay Secretary-Secretary Attorney Renato Bantog Jr.,
18:55kailangan ng notarized request kapag hihingi ng kopya nito,
18:58alinsunod sa transparency at data privacy regulations.
19:02Ito ay para masigurong lihitimo at hindi labag sa batas ang pag-release ng SAL-N.
19:06Para maprotektahan ng privacy ng Senador at kanilang pamilya,
19:09kailangan ding i-redact o takpan ng mga sensitibong impormasyon tulad ng home address,
19:14pangalan at kaarawan ng mga minordedad, mga pirmak at government-issued identification numbers
19:19sa isa sa publikong SAL-N.
19:22Dapat sangayon din ang Senador sa pag-release ng kanyang SAL-N.
19:26Ang hakbang na yan alinsunod sa pagpayag ng ombudsman na isa publiko
19:29ang SAL-N ng ilang piling opisyal ng gobyerno.
19:31Kahapon, isinapubliko ni Senadora Riza Ontiveros ang kanyang SAL-N para sa taong 2024,
19:38nasa 18.9 milyon pesos ang indediktara niyang net worth.
19:42Si Senate President pro-Temporary Pantilolakso naman,
19:45ininabas din ang kanyang net worth.
19:47Sinabi niyang umakyat sa halos 245 milyon pesos na kanyang net worth
19:50as of June 30, 2025.
19:53Mula yan sa mahigit 58 milyon nang umalis siya sa Senado noong 2022.
19:58Anya, lumaki ang kanyang net worth kasunod na ilang matagumpay
20:00at lihitimong real estate at trading business
20:03na pinasok niya at dalawa pang kasosyo nang maging sibilyan.
20:07Anda raw siya magbigay pa ng karagdagang detalye, kaugnay nito.