00:00Nakakubra ng halos 2 billion pisong kontrata sa LTO,
00:04ang kumpanyang iniugnay sa nagbitiw na kongresistang si Zaldico.
00:08Ayon sa hepe ng LTO, may mga irregularidad sa mga proyekto tulad ng sobra-sobrang pagbabayad.
00:15Nakatutok si Maris Umali.
00:20Ang nagbitiw na kongresista at kontrobersyal na dating chairman ng House Appropriations Committee na si Zaldico
00:27lumalabas ngayong hindi lamang nakakuha ng kontrata sa Public Works, Agriculture at Education Departments.
00:34Nagkaroon din daw siya ng kontrata sa Land Transportation Office na nagkakahalaga ng halos 2 billion piso.
00:40Ibinunyag ni LTO Chief Assistant Secretary Marcos Lakanilaw,
00:43meron umanong irregularidad sa tatlong proyekto ni Ko sa ahensya.
00:47Highlighted the deficiency and non-compliance with the contract requirements
00:52and specification on non-utilization, under-utilization of various components in the facility
00:59and improper computation of the contract results in overpayment amounting to 26,993,332.
01:09Nagagalit ang ating Pangulo.
01:11Hindi hubirong pera ng gobyerno.
01:13Hindi po siya maliit na halaga.
01:15At ang mga kontratista raw sa mga proyekto nito.
01:17Upon closer investigation, it was further determined that the joint venture contractors of this project
01:25were LDLA Marketing and Trading and Sunwest Corporation and Development Corporation.
01:35Notably, one of the entities, Sunwest Construction, has been linked to Ako Bicol Representative Elisaldi Saldico.
01:42Ito po yung Central Command Center na isa sa tatlong proyektong finlag ng Commission on Audit.
01:49Bakit kaan nyo finlag?
01:51Kasi kung makikita ninyo, bagamat operational naman daw,
01:55iilan lamang yung mga equipment dito gaya ng mga desktop, LED screen, bukos sa server sa baba.
02:02Pero nakakahalagan na raw ito ng mahigit 900 million pesos.
02:06Pinaya-imbestigahan na ito ngayon ng LTO sa Independent Commission for Infrastructure o ICI at Office of the Ombudsman
02:14para masampahan ang kaso at mapanagot ang mga sangkot.
02:17Kabilang din sa pinaya-imbestigahan ng LTO ang IT Training Hub
02:21at ang Road Safety Interactive Center na may kontratang nagkakahalagan ng teg mahigit 499 million pesos.
02:28Ayon kay Assistant Secretary Lakanilaw, ang mga kontrata ay pinirmahan noong 2021
02:33sa panahon ni dating LTO Chief Assistant Secretary Edgar Galvante
02:37at binayaran daw ng buo sa panahon ni Assistant Secretary Vigor Mendoza noong 2023 at 2024.
02:44Yes, kasi siya ang pumirma kung ako ang tatanungin.
02:47Pangalawa, bakit i-re-receive itong building na ito kung alam po natin na kailangan maimbestigahan?
02:58Si Mendoza ay giniit na walang irregularidad sa pagbabayad ng LTO sa mga proyekto.
03:03So nung tinapos ng kontratista yung project, meron naman tayong mga technical working groups
03:08who check yung compliances, yun lang ko namin nabayaran.
03:12Pero mind you, ang binayari lang namin yung tail end ng kontrata
03:16kasi may previous payments made by the previous administration.
03:20Tungkol naman sa mga aligasyon ng overpricing at pakakaugnay ng kontratist ng SunWest,
03:25sabi ni Mendoza,
03:26At that time ng SunWest, hindi naman issue at that time eh.
03:30Hindi pa siya nabablock case o wala namang negative information at that time.
03:35So, okay lang yan.
03:36Sinubukan namin kunan ng pahayag si dating LTO Chief Assistant Secretary Edgar Galvante
03:41at ang SunWest.
03:42Pero hindi nila sinasagot ang aming mga tawag at text.
03:46Habang sinusubukan namin kunin ang pahayag ng LDLA Marketing and Trading.
03:50Para sa GMA Integrated News, Mariz Umali na Tutok, 24 Horas.