00:00Nag-noise barrage ang mga inmate ng Malabon City Jail para iparating ang kanilang mga hinain sa pagkain, issue sa dalaw at mahigpit na pamamalakad umano ng warden.
00:12Nakatutok si Dano Tingkungko.
00:20Ganito ang tagpo sa loob ng male dormitory ng Malabon City Jail bago mag-alas dos ngayong hapon.
00:25Nag-kumpulan sa harap at rooftop ang ilang mga Persons Deprived of Liberty o PDL at hinihingi na ibaba ang warden.
00:34Isa ring ulit-ulit na isinisigaw, upo-talong at puro na lang sinabawang upo.
00:40Unang rumisponde ang mga taga-BJMP NCR, kasabay ng mga polis at ilang tauhan ng SWAT na humimpil sa palibot ng dormitory.
00:47Sa simula pa lang, malinaw ng may kinalaman ng isinagawang noise barrage sa hinaing ng mga nagprotestang inmates sa loob ng city jail.
00:56Kung ano ito, inaalam pa raw ng maigin ang BJMP kasabay ng kanilang de-eskalation o pakikipag-usap sa bawat cell leader.
01:04Nakausap natin at kakausapin natin yung mga cell leaders, yung mga leaders dito sa loob ng facility kakausapin natin
01:12para talagang talakayin kung ano man po yung kanilang nireklamo.
01:16Kung talagang legitimate yung kanilang mga concerns, kaya a-action na naman po natin.
01:21Pero sa paunang impormasyon, ang tiniting ng mga dahilan, issue sa dalaw at posibleng mahigpit na pamamalakad ng warden na si Jail Chief Inspector Franz Tondang-Iw
01:30na tatlong buwan pa lang daw sa pwesto.
01:33Ang pamamalakad, maaari sir kasi nga po, part naman po kasi ng procedure natin sa BJMP, yung pagpapalit ng mga warden,
01:43so maaari.
01:44Hindi po natin, kumbaga, isinasantabi yun na nahigpitan sila, maaaring nahigpitan sila, maaaring iba yung pamamalakad.
01:54Bandang ala 5.30 ng hapon, nagbabaan ng mga PDL at ganap na natapos ang noise barrage nila.
02:01Ayon kay Malabon City Mayor Jenny Sandoval, problema sa dalaw at pagkain ang ilan sa mga pangunahing hinahing
02:08na iniharap sa kanya ng mga mayores na kinausap niya.
02:11Meron po silang naging mga hinahing tungkol sa dalaw, tungkol sa conditions and food nila.
02:18Sumigpit, tas parang feeling nila naging unreasonable.
02:21So, dinetail naman nila kanina, magkakaroon investigasyon.
02:29So, syempre, ayoko rin naman ma-preempt kung ano'y kalalabasan ng investigasyon, diba?
02:33Dahil marami rin naman silang tinutukoy ng mga kawani, hindi lang naman si warden.
02:39Hindi ko masabi exactly kung kulang ba ang pagkain or hindi ayos yung trato sa pagkain nila.
02:50So, doon natin iimbisigahan.
02:53Pero, sabi ko nga initially magbibigay na rin ako ng food para makatawid din sa problema nila.
03:02Simula ngayong araw, relieve muna sa pwesto ang kasalukuyang warden ng Malabon City Jail habang iniimbisigahan ng hinahing na mga PDL.
03:09Yung tumawag siya sa akin, ang report niya nagkaroon ng noise barrage.
03:14And then tinunong ko siya anong reason, nabigla din daw siya, nagulat siya at hindi niya alam kung ano yung dahilan.
03:22At tuwing nagtatangka siya na makipag-usap, ay ayaw siyang kausapin.
03:28At lalo nag, parang nagiinit yung ulo ng mga PDL natin pag tuwing haharap siya.
03:33Kaya minabuti natin na huwag na lang muna siyang makita.
03:38Bagaman kinumpirma ng BJMP na kasama sa reklamo ng mga PDL ang pagkain,
03:43nilinaw nitong may isang menu na sinusunod sa lahat ng mga pasilidad ng BJMP.
03:48At ang posibleng nagka-problema, komunikasyon sa pagitan ng mga tauhan at mga PDL.
03:54Nasa warden po yan. Kung maganda siya mamuno, kinakausap niya yung mga PDL natin
04:00at binibigyan niya yung tamang serbisyo, yung legal, yung policy.
04:04Actually po, lahat ng policy ni BJMP ay para sa ikabubuti.
04:08Sinusubukan pa namin kunin ang panig ng nireleave na warden ng Malabon City Jail.
04:12Para sa GMA Integrated News, Dano Tinko, Nakatutok 24 Horas.