00:00Super Typhoon nga po ang nag-landfall sa aurora nito po nga Bagyong Uwan.
00:06Dala po nito ang matinding hangin kasabay ng pagulan,
00:10hindi lamang sa aurora kundi sa iba pang probinsya sa Luzon.
00:13Ang mainit na balita hatid ni Oscar Oida.
00:18Alas 9.10 kagabi, nang mag-landfall ang Bagyong Uwan sa Dinaluman, Aurora.
00:24Maririnig pa ang pagsipol ng hangin habang bumubus ang malakas na ulan.
00:29Kita rin ang pag-angat ng bumuong sa gusaling ito.
00:34Ilang estruktura naman ang bumagsak at nasira dahil sa pananalasa ng bagyo.
00:39Hindi po natin talaga kagustuhan yung ganun kasi yung tao po naman po ang mawala.
00:44Pag di po namin iniwan ito, kami po naman po ang baka may mangyari po sa amin.
00:49Kahapon, naggalat ang sandawakmak na debris sa kalsadang ito sa bayan ng Dipakulaw dahil sa paghampas ng malalaking alon.
00:57Bilang pag-iingat, isinara na muna sa mga motorista ang naturang kalsada patungong kasiguran.
01:03Bago yan, isa ang Bicol Region sa mga nakaramdam ng hagupit ng bagyong uwan.
01:12Napasigaw na lang ang mga tao sa mga hampas ng malalaking alon sa Baras Catanduanes.
01:17Pinasok din ang tubig ang mga bahay sa barangay JM Alberto.
01:22Malakas na ulan na sinabayan ng malakas na hangin ang naranasan naman sa bayan ng Virac.
01:27Nasira ang bahagi ng seawall doon dahil sa mga nangangalit na alon.
01:32Binahari ng ilang coastal barangays at ilang kalsada.
01:35Bumuhos din ang malakas na ulan at hangin sa Santiago, Isabela.
01:42Nagkalat ang mga nagliparang bubong at nagbagsakan din ang ilang signages.
01:47Batay sa ulat ng Isabela Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office,
01:52nasa labing apat na libo na ang evacuees mula sa flood-prone areas at mga bahay na gawa sa light materials.
01:59Hindi rin madaanan ng overflow bridge roon dahil sa baha.
02:05Tila sumaseo naman ang waiting shed na yan habang binabayo ng malakas na hangin at ulan ang Nueva Ecija.
02:12Ilang puno rin ang pinadapaan ng bagyo na humambalang pa sa ilang kalsada.
02:18Kaya ang maraming kalsada papunta sa norte, hindi agad madaanan.
02:22Agad namang idineploy ang PDRRMC Task Force
02:26para magsagawa ng clearing operations sa iba't ibang bayan.
02:30Nagsagawa rin ng pre-empted evacuation ng mga lokal na pamalaan,
02:34lalo na sa mga malapit sa ilog at creek sa bayan ng Bungabon.
02:39Tinaasaan ang dike sa barangay, kalaanan,
02:41para maiwasang umapaw ang tubig sa mga bahay.
02:45Ayon sa Nueva Ecija PDRRMO,
02:48may apat na pangunahing ilog na binabantayan ngayon sa probinsya.
02:52Bumagsak din ang mga puno at nabaklas sa mga yero sa Dagupan, Pangasinan
03:00dahil sa malakas na hanging dala ng bagyong uwan.
03:03Inaanod din ang baha sa ilang pangunahing kalsada,
03:07ang mga styrofoam at basura.
03:09Dahil dito, may git dalawang libong pamilya na
03:12ang inilikas sa may git tatlumpong evacuation centers sa lungsod.
03:16Pinalikas mo kasi kami ng kapitan namin kasi nga po,
03:19yung bagyo nga daw po, malakas.
03:22Kampanti naman po para rin po sa kaligtasan ng mga bata po.
03:25Ayon sa lokal na pamalaan,
03:27sapat naman ang kanilang supply ng gamot at food packs
03:31para sa mga pamilyang lumikas.
03:34Oscar Oida, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:37Oscar Oida