00:00Una po sa ating mga balita, hindi titigilan.
00:04Ito ang paninindigan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagtugon ng kanyang administrasyon sa problema sa baha.
00:11Sa katunayan, ngayong araw, isang proyekto ng pamahalaan ang ikinasana simula ng malawakang cleaning at clearing operation sa bansa.
00:21Si Kenneth Pasyente sa Sentro ng Balita.
00:23Hindi na bago kay Bonifacio ang bahain tuwing may masamang panahon.
00:30Kwento niya, hanggang baywang ang inaabot ng tubig kaya madalas sa ikalawang palapag na sila nananatili o di kaya diretsyo evacuation center na kung malala.
00:40Mahirap hindi ko makakilos na ng normal lang. Kahit na may kailangan kang bilhin sa pingdahan, magkaan ko na lang na humumpak kahit pa paano yung tubig.
00:52Pero pag ganyan talaga, intense na yung ulan, wala kang wahan kundi lumusong na lang din, isuungin na lang yung gano'ng kalalim yung baha.
01:02Isa lamang si Bonifacio sa libu-libong mga residente sa Metro Manila na kalimitang makaranas ng baha, bagay na tutugunan na ng pamahalaan.
01:11Kaya ngayong araw, mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nanguna sa paglulunsad ng isang malawakang inisyatiba para tugunan ng pagbaha sa Metro Manila at mga karating na lugar.
01:21Tatawagin ang kampanya bilang Oplan Kontrabaha Programa kung saan magsasama-sama ang buong pwersa ng pamahalaan, LGUs at mga pribadong sektor sa paglilinis ng mga ilog, creeks, drainage systems at pagsasayos ng mga pumping station para maiwasan ng pagbaha.
01:38Kasama rin ang dredging, pag-aalis ng mga sagabal sa daluyan ng tubig, illegal structures, maging ang efektibong waste disposal at management.
01:47Dahil napag-aralan namin ng mabuti at malaking bahagi sa flooding ay ang siltation, masyado na mababaw yung ating mga spillway.
02:02Pangalawa ay ang basura na nagkukumpol-kumpol para hindi na nga makadaan.
02:09So ang una natin kailangan gawin ay linisin lahat ng estero, lahat ng mga spillway, lahat ng ganito upang maging mas malalim yung ating pagdadaanan ng tubig.
02:23Isa, pangalawa, para maayos natin at maging mas maganda ang pagtakbo ng tubig para hindi nga maiwan ang lupa na nanggagaling sa taas, yung ibang nagsisiltation.
02:36Saklaw ng Oplan kontrabaha ang nasa 142.4 kilometers ng ilog, creek at estero.
02:43Gayun din ang 333.15 kilometers ng drainage systems sa Metro Manila.
02:48Punto ng Pangulo, aarangkada ang malawakang cleaning at clearing operation sa loob ng siyam na buwan at mahigpita niya itong ipatutupad para magtuloy-tuloy ang positibong epekto nito.
02:59Ngunit, even after that nine months, ay patuloy lang, regular na ang paglinis, pagdisiltation, paglinis ng basura, lahat ito ay patuloy natin gagawin.
03:14Hindi natin pwedeng tigilan dahil alam naman natin umiipon pa.
03:17Ang estimate ng ating mga scientifico ay sabi nila, mababawasan ng up to 60% ang pagbaha kung ito ay maging maayos na.
03:29Para mapaigting pa ang programa, gagamitin na rin dito ang mga equipment ng DPWH na matagal nang natingga.
03:36Palalawigin din ang programa at ipatutupad sa Cebu, Bacolon, Rojas City, Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Pangasinan, Cotabato, Davao, Cagayan de Oro at iba pang lugar na madalas bahain.
03:51Kabilang na rin anya sa Maintenance and Other Operating Expenses o MOOE ng DPWH ang programa para matiyak na magtutuloy-tuloy ito.
03:59I'm very optimistic that once we get the majority of this done, maramdaman na kaagad natin na pagdating ulit ng tag-ulan next year, malaki na yung mababawasan sa flooding.
04:12Kasi usually yung lahat ng dumi na mahisala na, masasala na. Kasi between parang yakit saka yung dito sa Bispu niya,
04:22bali ano lang naman ang ganyang kalaki lang yung aharangan. Pero kung ma-dredging yan tapos magkaroon yung tawag ito yung station na water pump station, paking bago yun.
04:37Kinilala naman ni Pangulong Marcos Jr. ang kahandaan ng mga pribadong sektor para tumulong sa programa.
04:45Kenneth Pasyente, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.