Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Karera sa politika na umabot ng ilang dekada at impluensyang tumatak sa kasaysayan ng bansa.
00:11Ganyan ang naging takbo ng malaking bahagi ng buhay ni Juan Ponce Enrile.
00:15Pero hindi naging madali ang kabataan ni Enrile.
00:18Base mismo sa kanyang pagkukwento, ipinanganak sa Gonzaga, Cagayan noong February 14, 1924.
00:25Namulat siya sa kahirapan at naranasang mangisda at magsilbi sa iba't ibang tao para makapag-aral.
00:33Matapos ang mahigit dalawang dekada, natuntun niya sa Maynila ang tunay na ama na mula pala sa isang prominenteng pamilya.
00:41Ang hiniling daw niya sa kanilang pagkikita ang makapag-aral.
00:46Nakapagtapos si Enrile ng abogas siya bilang cum laude sa Universidad ng Pilipinas at nagka-master sa Harvard Law School.
00:55Lumago ang kanyang karera bilang abogado at profesor at naging senior partner sa kanilang law office.
01:02Pero simula 1966, gumawa siya ng pangalang higit pa sa sino man sa kanilang pamilya.
01:09Naging undersecretary at kalaunay acting secretary ng Department of Finance.
01:19Noong administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.,
01:22nagsilbi rin siya ang Justice at Defense Secretary sa ilalim ng parehong administrasyon.
01:28Ang kanyang pangalan, tila kadikit na mga kontrobersya.
01:31Nang ideklara noon ni dating Pangulong Marcos ang batas militar,
01:36isa sa mga idinahilan niya ay ang umano'y ambush na mga rebelding grupo sa nooy defense minister na si Enrile.
01:44Dalawa ang version niyan sa kasaysayan na parehong galing kay Enrile.
01:49May puntong inamin niyang peke at palabas lang ang enkwentro.
01:52Pero kalaunan ay ikiniit niyang totoo.
02:14Malaki man ang ginampan ng papel sa administrasyong Marcos.
02:18Kumalas din siya at ang nooy AFP Vice Chief of Staff
02:21na si dating Pangulong Fidel V. Ramos.
02:25Nagsilbiring defense minister si Enrile
02:28nang malukluk sa pwesto si dating Pangulong Corazon Aquino.
02:32Pero kalaunay pinagbitiw at kinasuhan ng masangkot sa umano'y planong kudita
02:37laban sa administrasyong Aquino.
02:40Tila na ulit ang kasaysayan noong 2001
02:43na ugnay si Enrile sa paglusog ng mga taga-suporta
02:47ni dating Pangulong Estrada sa Malacanang bilang protesta.
02:51Kaya ipinaaresto naman siya ni nooy Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
02:56Makulay ang buhay politika ni Enrile.
02:59Naging kinatawan ng kagayan
03:01at minsan ding tumakbo sa pagkapangulo noong 1998.
03:05Pero sa mga posisyong tinakbuhan ni Enrile,
03:07pinakatumatak sa Senado
03:09kung saan apat na beses siyang inihalal.
03:11Naging Senate President siya noong 2008
03:14at naging presiding officer sa impeachment trial
03:17ni nooy Chief Justice Renato Corona noong 2012.
03:21Dalawang taon matapos niyan,
03:24nasangkot si Enrile sa kontrobersyal na pork barrel scam
03:28at sinampahan ng kasong plunder.
03:30Voluntaryo siyang sumuko at naditine sa camp krame.
03:33Pero pinayagang makapagpiansa at makalaya noong 2015
03:37dahil sa kanyang kalusugan.
03:40Noong Oktubre lang,
03:41tuluyan siyang inabswelto sa lahat ng kaso
03:43kaugnay sa pork barrel scam.
03:47Bago ang kanyang pagpanaw,
03:49nagsilbi bilang Chief Presidential Legal Counsel si Enrile
03:52para kay Pangulong Bongbong Marcos.
03:57Walong administrasyon,
03:59sa loob ng halos anim na dekada,
04:01nagkaroon ng iba't ibang papel
04:03sa kasaysayan ng bansa
04:04si Juan Ponce Enrile.
04:07At sa kanyang pagpanaw sa edad na isandaan at isa,
04:13hindi maikakaila
04:14ang kanyang marka na nararamdaman
04:16hanggang sa mga susunod pang dekada.
04:20Para sa GMA Integrated News,
04:22ako, si Mark Salazar,
04:24ang inyong saksi.
04:27Mga kapuso,
04:28maging una sa saksi.
04:30Mag-subscribe sa GMA Integrated News
04:31sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
04:37Mga kapuso,
04:39mag-subscribe sa GMA Integrated News.

Recommended