00:00Kaugnay sa sunod-sunod ng pahayag laban kay Pangulong Bambu Marcos,
00:03mapanahin po natin si Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro.
00:07Magandang umaga po!
00:10Yes, good morning Igan. Good morning sa lahat ng mga kababayan nating nanonood sa inyong programa.
00:13Nagbigay na po ba ng reaksyon si Pangulong Marcos mismo?
00:18Kaugnay ng mga sinabi ng kanyang kapatid na si Senadora Aimee Marcos
00:21hinggil sa issue ng paggamit ng droga.
00:25Yes, dismayado po ang Pangulo.
00:27Dismayado na umabot sa ganitong kasinungalingan ang ginawa ng kanyang kapatid.
00:32At may panibagong hamon, magpapa-DNA test daw si Senador Aimee Marcos.
00:37Ito na naman tayo sa hair follicle test ng first family na.
00:42Kung gusto nyo yung magpa-DNA, di go ahead.
00:45Go ahead.
00:46Pero hindi po pakikinggan kung anumang hamon ang gusto ni itong si Senador Aimee Marcos.
00:51Hindi naman po...
00:52Apo, go ahead.
00:53Hindi pa rin po magpapa-hair follicle test itong pamilya Marcos.
00:59Ano, para ano? Para ano ang patunayan?
01:02Patagal na napatunayan na nag-negative ang Pangulo sa isang drug test.
01:05Sila pa ang nagbigay nito bago mag-eleksyon.
01:09Naniwala sila dito.
01:10At pati ang St. Luke's, ang pamunuan ng St. Luke's na nagbigay ng certificate about dito.
01:15Pinatunayan, kinonfirm ang kanilang test, ang kanilang evaluation.
01:19So, ano pa? Para sirain ang Pangulo?
01:23So, ano na naman ang susunod nilang iuuto sa Pangulo?
01:25Ang Pangulo ang uutusan talaga nila?
01:28For this?
01:29Hindi naman utuuto ang Pangulo.
01:31Bakit? Nung panahon manigdating Pangulo Duterte, hinahamon din naman siya.
01:35So, anong ginawa niya?
01:37Ang presidente, ang Pangulo, alam naman natin kung paano magtrabaho.
01:40Sino ba ang nag-aasal na parang gumagamit ang droga ngayon dito?
01:44Ang Pangulo ba o sila?
01:45Sa tingin nyo ba na nalilihis na tayo sa isyong ibinalik kay Pangulong Marcos
01:52gayong siya ang nagsimula na issue ng corruption, Yusek?
01:58Hindi. Propaganda ito.
02:00Kitang-kita mo naman.
02:02Dahil kung ikaw mismo ang nagpapa-investiga
02:05at alam mo, halimbawa ikaw ang may kasalanan,
02:08bubuksan mo pa ba ito?
02:10Babalik mo ulit.
02:11Katulad nung nangyayari nung nakaraang administrasyon.
02:13Rampant ang ghost projects.
02:16Pero meron ba kayo na dinig na ganito kalawak na investigasyon?
02:20Hindi ba wala?
02:22So, hindi po natatakot ng Pangulo dito.
02:24Alam niya po ang kanyang ginagawa.
02:26Okay, doon sa tatlong videos na in-upload ni dating Kongress Masaldico
02:30sa insertion na 100 bilyong piso,
02:32ito po'y kinumpirma ni Sen. Ping Lakson.
02:35Pero, kayo ba'y sumangayon sa kanya na napaikutan
02:41o hindi alim ito ng Pangulo
02:43at may ilang opisyal ng gobyerno
02:46ang nagsabwatan para ito'y maisingit sa budget?
02:50Sa ngayon, wala po tayong masasabi.
02:52Kailangan po natin makita yung mga ebidensya.
02:54Kailangan natin malaman kung sindi maaaring tumistigo dito.
02:58So, hayanan po natin.
02:59Kung magkakaroon ng malawakang pag-iimbestiga dito,
03:01mas gugustahin po yan ng Pangulo.
03:02Sa unang pahayag po ng Pangulong Bongbong Marcos,
03:05sinabi niya na ayaw niyang patulan
03:07itong mga pahayag ni Saldico.
03:09Pero nag-resign po yung tatlong miyembro ng gabinete
03:12na nabanggit din niya sa video.
03:14So, ano pong impact nito sa administrasyon na USEC?
03:19Kung sila ay lalabas na mayroong kasalanan
03:22o sila'y sangkot,
03:24mas magiging maganda po ang magiging impact nito sa Pangulo.
03:28Dahil mismo Pangulo, ibig sabihin,
03:30ay hindi po nagtotolerate ng anumang gawain,
03:33lalong-lalong na kung may korupsyong pinag-uusapan.
03:35Opo.
03:36Ngayon po sa Facebook post four hours ago,
03:39o five hours ago ni First Lady Lisa Araneta Marcos,
03:45may pinoast po siyang meme
03:47na sinasagot itong si Sen. Aimee na
03:50fake news daw po yung mga pahayag nito.
03:54Pero ito po ba, parang fake din yata yung meme, USEC?
03:58Nakita niyo na po ba ito?
04:00Opo. Fake po yan.
04:02Hindi po yan totoo.
04:03Hindi galing mismo kay First Lady?
04:06Hindi po ganyan ang ugali ng ating First Lady.
04:08Opo.
04:09So, nire-post lang niya
04:11para masabing fake news po ito.
04:15Opo. Opo. Opo.
04:16Okay.
04:17Maraming salamat po,
04:18Palas Press Officer Castro.
04:19Ingat po kayo.
04:20Maraming salamat, Igan.
04:21Igan, mauna ka sa mga balita.
04:24Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
04:28para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.