00:00Na-raffle na ng Sandigan Bayan sa mga dibisyon nito ang mga kasong isinampan ng Ombudsman
00:05laban kina dating Congressman Zaldico, mga opisyal ng SunWest Incorporated at ilang opisyal ng DPWH Mimaropa.
00:14Gaano nga ba kabigat ang responsibilidad ng mga dibisyon ng Sandigan Bayan sa paghawak ng mga kaso?
00:19Alamin sa pagtutok ni Maki Pulido.
00:30Isang araw matapos ihain ang kaso laban kay dating Congressman Zaldico at ilan pang opisyal.
00:41Ngayong umaga, na-raffle na ito ng Sandigan Bayan.
00:44Nagbunutan para ma-assign kung saan korte ng Sandigan Bayan didinggin ang mga kaso.
00:48Kaugnay ng substandard na P289M flood control project sa Nauhan Oriental, Mindoro.
00:55Maliban kay Ko, sangkot din dito ang mga dating opisyal ng DPWH Mimaropa at mga board of director ng construction company na SunWest Inc.
01:04na pag-aari ng pamilya ni Ko.
01:065th Division ng Sandigan Bayan ang kahawak ng kasong paglabag sa RA-3019 Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Section 3E.
01:15Ang chairman nito ay si Associate Justice Zaldi Traspeses, appointing ni dating Pangulong Noy-Noy Aquino.
01:22Sandigan Bayan 7th Division ang didinig ng kasong paglabag sa RA-3019 Section 3H or Receiving Unwarranted Financial or Pecuniary Benefits.
01:33Ang chairman ng division na ito ay si Associate Justice Lorefel Pahimna na dating judge ng Taguig Regional Trial Court
01:40bago'y tinalaga sa Sandigan Bayan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017.
01:456th Division naman ang nabunot para dinggin ang kasong malversation of public funds.
01:50No bail o walang piyansa ang rekomendasyon ng ombudsman sa kasong malversation.
01:56Si Justice Sarah Jane Fernandez ang chair ng Sandigan Bayan 6th Division.
02:00Dati siyang Assistant Solicitor General bago i-appoint sa Sandigan Bayan ni dating Pangulong Noy-Noy Aquino.
02:07Ayon kay UP Law Professor Paulo Tamase, sa amended rules of court,
02:11may sampung araw mula ng isang pa ang kaso para pag-aralan ng mga mahistrado
02:15kung may probable cause o sapat na batayan ang kaso.
02:19Sakaling may probable cause, kasabay na nito ang pag-issue ng warrant of arrest
02:23para maiharap sa korte ang akusado at mabasahan ng sakdal.
02:28Sa determination ng probable cause, ang tinitignan talaga ng husgado
02:32ay yung information o yung sakdal na hinihain ng ombudsman.
02:38Hindi pa binibigyan ng pagkakataon yung nasasakdal na mag-participate sa proceeding.
02:43Yung pagkakataon na iyon ay kung matutuloy nga sa paglilitis.
02:47Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido nakatutok 24 oras.
02:53At kaugnay niyan, hindi na raw nagulat ang kampo ni dating Congressman Zaldico
02:58sa pagsasampan ng ombudsman ng kaso sa Sandigan Bayan.
03:02Gaya na matagal na anilang silabi, nahusgahanan ang ombudsman ng kaso sa simula pa lamang.
03:07Sabi naman ni ombudsman Jesus Crispin Rebulia, hindi sila korte o judge, kundi prosecutor.
03:12Ang kaliraw trabaho ay panagutin ang mga lumalabag sa batas.