• 1 year ago
Panayam kay Department of Energy Usec. Mario Marasigan ukol sa update sa power restoration sa mga lugar na tinamaan ng mga nakaraang bagyo

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://thao.funnymoment.net/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://thao.funnymoment.net/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Update sa power restoration sa mga lugar na tinamaan ng mga nakaraang bagyo.
00:06Ating aalamin kasama si Department of Energy Undersecretary Mario Marasigan.
00:11Yusek Mario, magandang tanghali po.
00:14Magandang tanghali po sa ating lahat, Ma'am Cheryl and Sir Joey, lalong lalo na po sa ating mga taga-subaybay.
00:20Yusek, ano po yung pinakahuling update sa porsyento ng na-restore na po na power sa mga lugar na matinding sinalanta na mga nagdaang bagyo?
00:32Sa ngayon po, ang ating minomonitor ay dalawa pang bagyo.
00:36Yung pong Tropical Cyclone Tino at yung Tropical Cyclone 1.
00:40Doon po sa Tino, ang naapektuhan po nito ay kalakihang Visayas Region kung saan 107 out of 109 municipalities na po ang na-energize natin.
00:53Or about 98%.
00:55Pero meron pa po tayong 123,283 consumer connections na hindi pa natin natatapot.
01:03Ito po ay nasasakupan ng siyam na electric cooperatives at limang probinsya sa apat po na region sa Visayas.
01:12Pagdating naman po sa 3.1, dito po malaki-laki pa ang ating minomonitor.
01:17Ang minomonitor po natin ay 23 electric cooperatives pa na nasasakupan po ng labing siyam na probinsya at pisong region.
01:25Kung saan po, meron pa po tayong 298 out of 308 municipalities na bibigyan ang servisyo ng kuryente or 96.75%.
01:37Dito po ay meron pa tayong 365,266 consumer connections na hindi pa natin nabibigyan ang servisyo.
01:47Yung saglinawin lang po natin sa kabuuan, ilan pa po yung natitirang households na wala pa rin kuryente at saan-saan pong mga lugar ito?
01:55So, bali pong pagsasamahin po natin yung dalawa, humigit kumulang po na 500,000 pa po halos na consumer ang hindi pa natin nabibigyan ng connection.
02:10At ito po ay ang kalakihan ay nasa, pagdating po sa Visayas, ito po ay ang Negros Island at saka Central Visayas o Region 7 and Region 8.
02:22Pagdating naman po sa Luzon, ito po medyo malawak-lawak pa tayo kasi naku-cover po nito from Ilocos hanggang sa Bicol Region.
02:34At ang pinaka-nahihirapan po tayo magkaroon ng kompleto o maitaas natin yung ating servisyo ay nasa Nueva Biscaya, sa Quirino, sa Aurora, at sa Camarini Sur po.
02:51Kasama na po ang ating katanduanes.
02:54Alam naman natin, Yusek, na nasa recovery phase po ang marami sa mga lalawigang naapektohan po ng bagyo.
03:03Pero kung mamarapatin nyo, meron po bang target date kung kailan po ganap na marerestore yung power supply dun sa mga nabanggit nyong lugar?
03:14Basi na rin po sa kautasan ng ating mahal na Pangulo, kailangan po mapailawan na natin o mabibigyan na natin ang servisyo ng kuryente ang lahat ng konsumidor natin bago magpasko.
03:26Ayaw naman po natin na maging madalim ang ating pagdiriwang ng Pasko.
03:31Ngunit, hindi po namin ma-i-commit na lahat po ay mabibigyan ng servisyo ng kuryente, lalong-lalo na po dun sa mga areas na yung pong mismo mga kabahayan o yung ating mismo mga konsumidor ang naapektohan.
03:46Bukod po rito, may mga areas po po na hindi pa rin nararating ng ating servisyo ng kuryente sa kadahilanan pong inaccessible pa po ang mga areas na mga ito.
03:58Yusek, kamusta naman po yung deployment ng mga tauhan po ninyo para sa power restoration?
04:04Kinailangan nyo po bang magdagdag para mas lalong mapabilis ito?
04:09Opo, kailangan po natin patakbuhin yung ating sinatawag na passports kapatid doon po sa ating mga areas na kailangan natin mabilisan.
04:21Kung saan po, mayroon po tayong halos 36 electric cooperatives na nagko-contribute po or tumutulong sa iba't-ibang mga electric cooperatives din na naapektohan po ng ating bagyo.
04:35Ito po ay binubuo ng halos, ibilangin ko lang po ano, bali 71 aces po yung mga nag-contribute kung saan meron tayong 73 na teams at halos 500 po na crew na dineploy.
04:56Yusek, kanina nabanggit nyo po na meron talagang mga lugar na inaccessible pa rin.
05:05Ano pong mga probinsyo to at bakit po nahihirapan talagang ma-energize silang muli?
05:13At ano po yung remedyo natin ngayon lalo na po doon sa mga geographically isolated at far-flung communities?
05:20Actually po, narating na naman po natin yung kalakihan ng mga lugar.
05:26At ang inuuna po natin yan, mabigyan ng servisyo ng kuryente, ay yung ating pong mga hospital,
05:32ang ating pong mga local government facilities, yung pong servisyo natin ng tubig,
05:38at kung hanggat maaari po yung mga commercial centers sa nag-ohull po ng mga ATM machines natin para po sa withdrawal ng ating mga pera.
05:47Ang mga nahihirapan po tayo kagaya po sa Katanduanes is yung pong mismong marating natin yung mga bulubunduk yung mga consumer natin,
05:57ganun din po sa Aurora at sa Mountain Crabin.
06:00Kasama na po sa Mountain Area po ng Kalinga at Ipugaw.
06:06Yusek, kamusta naman po yung pakikipagtulungan ninyo sa local electric cooperatives,
06:11pati na rin po sa mga LGU para mas mapabilis ang power restoration?
06:15Ah, yun po yung malaking pong pasasalamat natin unang-una sa ating pong task force kapatid,
06:24dahil sila po ngayon nag-deploy mga tao, pero malaking po ang pasalamat natin sa local government units
06:30kung saan po sila po ay nagbibigay ng access at tumutulong po sila para po sa welfare naman
06:35ng ating mga task force kapatid members.
06:38Alam naman po natin na itong mga ito ay galing sa ibang lugar,
06:42kung saan po sila abutin ang gabi, e doon na po sila nagpapahinga.
06:46Kaya ang mga LGU units po natin, nagbibigay po ng access,
06:50nagbibigay po ng pagkain, at yung kanila po pwedeng matulungan.
06:54Kanina po nabanggit niyo, Yusek, na ang direktiba po ng Pangulo
06:59ay ma-energize po ang mga naapekto ang lugar bago po magpasko.
07:05Meron po bang concerted effort o pakikipagtulungan sa iba pang mga national government agency
07:11para mapabilis po ang pag-re-energize po?
07:17Kasi ang DOF po nag-commit po talaga sa post-U1 recovery.
07:24So meron po bang tulong na matatanggap din ang DOE para mapabilis ang restoration efforts?
07:30Tama po yun. Tumutulong po sa atin ang iba pang nating mga ahensya
07:35na siya pong nandun-doon mismo sa ating mga lugar ng kalamitan, ano?
07:39Magaya po ng DILG, DSWD, pati na rin po doon sa mga access natin sa paggawa ng mga karasada
07:46kasama ng PONDTWA.
07:48At siyempre po, nakikipang-coordinate po tayo doon sa overall team po
07:52ng pag-re-restore yung ating po ng OCD dahil sa kanila po nagagaling
07:56marami nating informasyon na nako-cover po ng NDRRMT.
08:02Yusek, meron po bang nakalaan na financial o di kaya'y technical assistance
08:07ang DOE para po sa electric cooperatives na matinding na pinsala
08:11ng bagyong Tino at U1, lalo na yung meron po mga nasirang transmission
08:15at distribution facilities?
08:18Ang unang-unang po kinatap natin ay yung sinatawag nating energy resiliency fund
08:25ng ating electric cooperatives.
08:27Ito po ay isang batas kung saan po meron tayong PONDOT na nakalaan taon-taon
08:32para na nga po dito sa mga kalibetan na ganito.
08:35Kung saan po naman, ang namamahala po nyan ay ang ating National Electrification Administration.
08:41By the way po, nais ko rin po magkating sana,
08:43na isa pong malaking tulong na naipahatid po ng ating National Electrification Administration
08:49hindi lang po dun sa pag-o-organize ng task force kapatid.
08:53Ay yung kanila pong regional hub kung saan po naging available yung mga materyales
08:59na kailangan para po sa restoration.
09:03Ganun din po sa pamamahala ng ating Energy Resiliency Fund.
09:06Yusek, habang puspusan po yung restoration efforts,
09:11paano naman po tinitiyak ng DOE na stable po at reliable po yung power po
09:19doon naman po sa mga lugar na hindi naman naapektohan?
09:23Patuloy po ang pag-omonitor ng Department of Energy sa kalagayan po ng ating electricity services
09:32kung saan po ay regular, araw-araw natin minomonitor ang mga power facilities,
09:37mga transmission lines, lalong-lalong na po at nagkaroon po tayo ng yellow alert po sa Visayas.
09:42Kaya po kaya bawat planta po ng kuryente ay kinakailangan pong kausapin natin,
09:48pag-reportin natin para malaman po natin kung kailan po sila makakabalik sa servisyo.
09:55Yusek, ano naman po ang nakikita ng DOE na pang matagalan na solusyon
09:59para maiwasan po yung mga matagalang power interruptions?
10:04Naaayon na rin po sa ating polisya na build back better
10:08sa halip po na harapin natin yung ating mga kalamitan o yung epekto ng kalamitan
10:14dila negatively.
10:15Tinitingnan po natin ito positively kung saan pwede natin i-apply yung build back better policy.
10:21So iniaangat po natin ang antas ng pag-re-restore, hindi po tayo repair.
10:27Ang ginagawa po natin ay rebuild kung saan pwede po natin itaas yung antas
10:31ng mga kalidad ng mga ginagamit natin yung mga materyales
10:37sa pagdata tayo pong muli ng mga facilities natin.
10:41Kagaya po ng poste, kung ang mga poste po natin ay dating ang standard ay
10:46naaangkop lamang sa 150 kilometers per hour,
10:51ito po ay iniaangat natin ang 180 to 200 kilometers per hour
10:55para naman po ito ay mas maging matibay at maging resilient po sa mga darating pang kalamitan.
11:01Yusek, sa ibang usapin naman po, ano naman po yung updates sa mga pagsisikap po ng DOE
11:08na mas masimplify pa yung discount initiatives sa electricity consumption
11:13sa ilalim po ng Lifeline Rate Program?
11:16Ay, maraming salamat po sa inyong katanungan.
11:20Sa ngayon po, magkasama po ang Department of Energy at ang ating Energy Regulatory Commission
11:26sa pagre-review po ng lahat ng guidelines natin at policy liganding dito sa Lifeline Rate.
11:32Alam po natin na magkakaiba ang pagbibigay po ng subsidy dito sa ating Lifeline Rate consumers
11:39dahil po nababasi po ito sa kakayanan mag-provide ng subsidy dito ng ibang mga consumer
11:46particularly po doon sa franchise area ng kanilang mga ginaganapan.
11:53Sa ngayon po ang pinag-aaralan po natin ay baguhin ang implementing rules and regulation
11:57ng ating Expanded Lifeline Rate Subsidy Act
12:00kung saan po ang Energy Regulatory Commission naman ay magbabalangkas
12:05ang panibagong rules, regulation and guidelines.
12:07Dito po, pinag-aaralan po natin na dapat bang maging pare-parehas na lamang
12:12ang threshold ng lahat ng electricity service services
12:16at kung saan po magkakamuntunan tayo na ang koleksyon ng subsidy
12:20ay naaayo na rin sa pangkalahatang koleksyon.
12:25Ito po ay pwede natin ihalin tulad sa pinatawag natin
12:28fees in tariff allowance kung saan
12:30fixed po ang ating kinukuha sa mga nagbibigay ng subsidy.
12:36Ito po ay pinukul yung pera.
12:39Meron po magkakaroon po tayo ng administrator
12:41kung saan po standard na po yung qualification
12:46ng ating mga Lifeline Rate Subsidy Qualifiers.
12:50Bukod po rito, sa halit po na isa-isa na mag-register
12:54ang bawat qualified consumers natin,
12:57pangahawakan na lang po ng ating mga distribution utilities
13:01at electric cooperatives yung listahan po ng ating mga 4Bs.
13:05Kung nandun po sila sa listahan
13:07at nandun po din po ang kanilang konsumo
13:11ay nandun po sa standard or doon sa threshold,
13:14then automatic na po yung kanilang pagkakwalipay.
13:17Hindi na po kailangan magkaroon pa ng panibagong registration.
13:21Pangalawa po, kung meron naman po hindi na cover
13:25nung ating po listahan,
13:27then doon lang po tayo magpo-produce ng dokumento
13:30na nagsa-certify na sila ay isa sa mga
13:34pwede maging qualify,
13:36either member ng 4Bs na hindi lang narisa
13:39or yung po kanilang income ay below that poverty threshold.
13:46Ayan, Yusek, bilang panghuli na lamang po,
13:49mensahin nyo na lamang po sa ating mga kababayan,
13:51lalo na po doon sa mga probinsya po
13:53na apektado ng nagdaang dalawang bagyo
13:55in terms of yung kung kailan po
13:58manunumbalik po ang servisyo sa kanilang mga lugar.
14:02Maraming salamat po sa pagkakataon.
14:04Sa pangalan po ng ating kagawa na ng enerhiya,
14:09lalong-lalong po ng ating kalihim
14:11na si Secretary Sharon Garin,
14:13kasama na po natin ng ibang mga ahensya natin
14:16sa energy family na tumutulong po
14:18kagaya po ng National Electrification Administration,
14:21the National Power Corporation,
14:23tulong-tulong po sana tayong lahat
14:25at tayo po para po maibalik kagad natin
14:29ang servisyo ng kuryente.
14:31Pipilitin po natin na may isa katumparan
14:34na mapaliwanag natin
14:36at magkaroon muli ng servisyo ng kuryente.
14:38Hindi na po natin ihintayin ang Pasko
14:40kung saan po ang task force kapatid naman natin
14:43na ating pinusasalamatan din
14:44ay tumutulong at nakikiisa
14:47para po sa madali ang restorasyon.
14:50Umaasa po kami
14:51na sa pagtutulong-tulong po ng lahat,
14:53ito po ay ating mararating.
14:55Maraming salamat po.
14:56Alright, maraming salamat po sa inyong oras,
14:59Department of Energy Undersecretary Mario Maracigat.

Recommended