Skip to playerSkip to main content
Humupa na ang baha sa ilang lugar sa Cebu City, pero panibagong dagok ang tumataas na kaso ng leptospirosis na umabot na sa 23. Paalala ng mga doktor, agad magpatingin kung lumusong sa baha.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pumupa na ang baha sa ilang lugar sa Cebu City pero panibagong dagok ang tumataas na kaso ng leptospirosis na umabot na sa 23.
00:10Paalala ng mga doktor, agad magpatingin kung lumusong sa baha.
00:15Nakatutok si Luan May Rondina ng GMA Regional TV.
00:18Nasa ICU sa isang hospital sa Cebu City, ang 57 anyos na si Dominador Apaap matapos ma-diagnose ng severe leptospirosis.
00:32Ayon sa kanyang pamilya, matapos manalasa ng bagyong tino, nilagnat daw ang padre di pamilya.
00:38Nahibong na lang may namurag for how many days. Maglisod naman siya ginhawa, niya dilike siya ka parung, wala ikusog niya ang mga bagtak, magpatabang siya na muoog parung.
00:47Nang tumagal ang lagnat ng isang linggo, dinala siya sa isang pagamutan at na-discharge matapos ma-diagnose ng pneumonia.
00:55Pero lumala pa ang kanyang kalagayan.
01:08Hinala ng pamilya, posibleng nakuha nito ang sakit sa naipong tubig papunta sa kanyang pinapasukan bilang isang construction worker.
01:18Nitong linggo naman, binawian ang buhay ang 27 anos na si Jerwin Carl Abeliana.
01:24Ayon sa partner nitong si Berna, pina-hospital nila si Jerwin noong November 13, matapos lagnatin.
01:30Pero lumala pa rin ang kanyang kondisyon hanggang pumalya-umano ang kidney at baga nito.
01:36Ang Talisay City ang isa sa mga napuruhan ng flash flood mula sa Bagyong Tino.
01:57Basi sa data ng Cebu Integrated Provincial Health Office, mayroong 23 na kaso ng leptospirosis sa buong lalawigan.
02:06Paalala ng mga doktor, inaasahang lilitaw ang mga kaso ng leptospirosis sa mga panahong ito dahil tapos na ang incubation period mula ng magbaha.
02:15Nagawa sa mga hilana at labad suuan na sakit sa lawas.
02:19Hindi na kita musaligan ni labi na kumuyelo na ang mata.
02:22So mauni atong bantayanan d'yo.
02:24So we have the signs and symptoms mana na kuwan mo in the floodwaters, then definitely dito maghuwat-huwat.
02:32Kaya matambalan man eh.
02:33Nananawagan siya sa mga tao na pumunta sa mga health center para mabigyan ng prophylaxis laban sa sakit na galing sa daga at iba pang contaminated environment.
02:44Para sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, Luan Merondina, Nakatutok 24 Horas.

Recommended