00:00At bukod sa kakaharaping dagdag kasong plunder, graft at direct bribery,
00:05inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos na may inalabas ng arrest warrant
00:09laban kay Zaldico at iba pa mula sa DPWH at SunWest Corporation.
00:15Kaugnay po yan sa noong-unang isinampang kaso
00:18dahil sa maanumalyang proyekto sa Oriental Mindoro.
00:21At nagbabalik live si Salima Refran.
00:25Salima!
00:25Vicky, ang Pangulong Bongbong Marcos nga mismo
00:31nag-anunsyong may warrant of arrest na
00:33si dating ako, Bicol Partialist Representative Zaldico
00:36at iba pa mula sa Sandigan Bayan.
00:42Ako ang nagsimula nitong lahat.
00:45Ako ang magtatapos.
00:46Hindi po ito hakahaka.
00:49Hindi po ito kwentong.
00:51Ito po ay tunay na ebidensya.
00:54Hindi ko na babasahin pero makikita naman ninyo sa phone ninyo
01:00ito yung listahan ng may arrest warrant na.
01:06Pasado alas 4 ng hapo nang i-upload ni Pangulong Bongbong Marcos
01:10sa kanyang Facebook page
01:11ang anunsyong may warrants of arrest na
01:13laban kay dating Congressman Zaldico
01:15at iba pa mula sa DPWH at SunWest Corporation
01:19na pagmamayari ng pamilya niko.
01:21At ang susunod na hakbang, wala nang paliguligoy pa
01:25ang ating mga otoridad ay siyempre papatupad na nila
01:30itong mga arrest warrant na ito.
01:32Haarestuhin na sila.
01:34Ihaharap sa korte at pananagutin sa batas.
01:37Walang special na pagtrato.
01:40Walang sinasanto.
01:41Martes nang maghain ang ombudsman ng mga kasong malversation of public funds
01:45through falsification at two counts of graft
01:48para sa umano'y substandard na P289M na road-like project
01:53sa Nauhan Oriental, Mindoro.
01:55Asahan po ninyo na wala pong tigil itong aming ginagawa
01:59at kahit na parang napakatagal ang dumanat na panahon.
02:05So, ako'y nagpapasalamat sa pasensya ng ating mga kababayan
02:10ngunit nagbunga na ng resulta ang mga pasensya ninyo.
02:15Sa impormasyong nakuha ng GMA Integrated News,
02:18nakitaan ng Sandigan Bayan 6th Division ng probable cause
02:22ang kasong malversation.
02:24Dahil lagpa sa P8.8M sa threshold,
02:27walang nerekomendang bail ang special prosecutor ng ombudsman.
02:30Kasabay ng warrants, naglabas na rin ang whole departure order
02:34ang korte para sa lahat ng akusado.
02:37Sa isang pahayag, sinabi ng Office of the Ombudsman
02:39na ang mga law enforcement agencies ay inaatasang agarang ipatupad
02:44ang warrants of arrest para mapaharap ang mga akusado sa korte.
02:48Ayon naman kay Interior Secretary John Becrimuya,
02:51base sa kanilang monitoring, nasa Japan daw si Koh
02:54nitong nakaraang mga araw.
02:56May Interpol Blue Notice na si Koh
02:57at mag-a-apply na ang gobyerno para sa Red Notice
03:00ngayong may arrest warrant na ang dating kongresista.
03:04A few days ago nasa Japan siya.
03:07Japan?
03:07But he has since left,
03:10hindi wala pa kami information kung sa siya nag-logging from Japan.
03:13Okay, pero linawi natin,
03:14nung umalis siya ng Pilipinas, nag-US po siya.
03:17US po, and then Europe,
03:19then Singapore,
03:20then Spain,
03:22then Portugal,
03:23then Japan.
03:23We will know po as soon as the immigration authorities
03:27all over the world will inform us.
03:28Bagamat ang susunod hakbang ng pamahalaan
03:31ay hingin sa korte na i-cancel na na ang Philippine passport ni Koh.
03:34Pinag-aaralan na ngayon kung paano mapapabalik sa bansa si Koh
03:37dahil sa intel ng DILG,
03:40may hawak din daw si Koh na Portuguese passport.
03:43On raw intelligence,
03:45it seems that he has a Portuguese passport.
03:47Alam niyo yung golden visa?
03:48I think, we don't know when he applied,
03:50but ang alam namin meron siyang Portuguese passport.
03:52So, ano ibig sabihin nun, Secretary?
03:54Ibig sabihin,
03:55if he acquired the passport before the commission of the crime,
03:58Portugal will protect him.
04:01But if it was after the commission of the crime,
04:03ibig sabihin siya ng Portugal.
04:04May diplomatic arrangement na gano'n ng Pilipinas at Portugal?
04:08Ang Portugal mismo ay na rules nila
04:09para wala silang fugitives na magtatagol sa kanila.
04:12Ang PNP, Martes parao,
04:14may nakapwestong mga tracker teams
04:16para sa mga aarestuhin.
04:18May teams rin daw na pupunta sa mga bahay ni Koh.
04:26Samantala, Vicky,
04:27sa mga nakuhangang dokumento ng GMA Integrated News,
04:30makikita na bukod sa warrants of arrest,
04:33ay naglabas na rin ng whole departure orders
04:36ang 5th at 7th Division ng Sandigan Bayan.
04:40Para yan sa labing-anim na akusado sa 5th Division
04:44kasama na si Koh.
04:46At isa naman para kay Koh sa 7th Division.
04:52Ayon naman kay Acting PNP Chief,
04:54Lieutenant General Jose Melencio Nartates Jr.,
04:56masusing nakikipag-ugnayan ang PNP sa Sandigan Bayan
04:59at sa iba pang ahensya
05:01para sa maayos at naayon sa batas na pagsisilbi
05:04ng mga arrest warat.
05:06At sabi naman ang Department of Foreign Affairs,
05:08wala pa silang natatanggap na kautosan
05:11para sa pagkakansila ng pasaporte ni Koh.
05:14Dati nang sinabi ng Ombudsman
05:16na kailangan munang lumabas ang arrest waran
05:18para kay Koh
05:19bago nila ito mahiling sa korte.
05:23Yan muna ang latest.
05:24Mula nga dito sa Office of the Ombudsman
05:25sa Quezon City, Vicky.
05:27Maraming salamat sa iyo sa Lima, Refran.
05:30Maraming salamat sa iyo sa