- 10 months ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
- 9 tiklo sa ilegal na pagawaan ng paputok sa Cabuyao, Laguna
- Alice Guo, inilipat na sa correctional sa Mandaluyong
- Lalaking suspek na ninakaw ang SUV ng dating amo, pahirapang maaresto
- Pagbalik sa Philhealth ng P60B na inilipat sa Treasury, pinagtibay ng SC
- Ilang lugar, binaha dahil sa ilog na pinaapaw ng magdamagang ulan
- Jampacked at star-studded na reunion concert ng Sexbomb Girls
- Signal number 1 pa rin sa maraming lugar sa bansa dahil sa Bagyong Wilma
- Barkadang “emotional” ang tema ng Christmas Party
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Alice Guo, inilipat na sa correctional sa Mandaluyong
- Lalaking suspek na ninakaw ang SUV ng dating amo, pahirapang maaresto
- Pagbalik sa Philhealth ng P60B na inilipat sa Treasury, pinagtibay ng SC
- Ilang lugar, binaha dahil sa ilog na pinaapaw ng magdamagang ulan
- Jampacked at star-studded na reunion concert ng Sexbomb Girls
- Signal number 1 pa rin sa maraming lugar sa bansa dahil sa Bagyong Wilma
- Barkadang “emotional” ang tema ng Christmas Party
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00State of the Nation
00:06State of the Nation
00:09State of the Nation
00:11State of the Nation
00:21Sinalakay ng mga otoridad ang isang umano'y iligan na pagawa ng paputok sa Kabuyaw, Laguna.
00:26May mga nakita pang upos ng sigarilyo sa paligid.
00:29Sang katerbang sangkap ng paputok ang nakumpiska, gaya ng mga casing at mga pulbura.
00:35Listado rin may mga minor de edad na nagtatrabaho roon.
00:38Siya ang mga arestado sa operasyon.
00:40Ayon sa may-ari ng pagawaan, permit bilang retailer at dealer ang meron sila at wala bilang manufacturer.
00:48Sa parehong lugar, may iligal na pagawa ng paputok na sumabog noong February 2024 at ikinamatay ng ani.
00:55Bago ngayong gabi, nailipat na sa Correctional Institute for Women si dating Bamban Taralak Mayor Alice Guo ngayong gabi.
01:05Kinumpirma yan ng Bureau of Jail Management and Penology.
01:09Ibinasura kamakailaan ng korte sa Pasig ang mosyo ni Guo na manatili siya sa Pasig City Jail Female Dormitory.
01:15Tinatulang guilty si Guo sa kasong Qualified Human Trafficking kaugnay sa Bamban Pogo Hub.
01:23Tinugis ng pulisya ang isang SUV sa General Santos City na ninakaw-umanon ng isang lalaki sa kanyang dating amo.
01:31Pahirap ang maaresto ang sospek na nagmatigas at pilit tumakas kahit napaligiran na ng mga pulis.
01:37Ang maaksyong operasyon sa report ni John Consulta.
01:40Umuusok, paliko-liko, basag ang windshield at halos makalas na ang bumper ng SUV na ito na namataan sa Zone 9A, Barangay Fatima, sa General Santos City kanilang umaga.
01:59Tinutugis pala ito ng mga pulis. Matapos silang i-alerto na car nap ang sasakyan.
02:04Pagdating sa lugar, kita ang mga pulis na pumorma sa paligid.
02:08Nang tangkay ng sasakyan na umarangkada, pumalibot ang mga pulis at ilang beses kinalsuan ang sasakyan.
02:17Tila nagmamatigas ang driver nito nang utusan siya ng mga pulis na bumaba.
02:23Maya-maya, pinagahampas na ng mga pulis ang salamin sa driver's seat gamit ang kanilang armas.
02:28Pero hindi na tinag ang driver hanggang isang pulis ang kumuha ng malaking bato at itinapon sa windshield ng sasakyan.
02:40Dumating ang dagdag na police reinforcement at sa kabila ng tangka pa rin pagtakas, hindi na makaabante ang sasakyan dahil sa mga kalso sa gulong.
02:48Pinilit na rin pamabain ang driver at pagkalabas ay inaresto.
02:52Ayon sa pulis siya, ang SUV ay kinarnap ng lalaking suspect na taga Bukid noon.
02:57Pag-aari ito ng dati niyang amo.
03:01Pareho nasa police custody ang kotse at ang suspect.
03:04Kinukuhanan pa ng payag ang suspect at ang may-ari ng sasakyan.
03:08Paturi na iimbisigahan ang insidente.
03:10John Consulta, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:16Pinagtibay ng Korte Suprema ang pagsauli ng bilyong-bilyong pisong pondo ng PhilHealth na napunta sa National Treasury.
03:23Void o unconstitutional para sa mga maestrado ang mga ginawang basihan ng gobyerno sa lipat pondo.
03:30Pag-aaralan ng gobyerno ang ruling bagamat tatalimaraw.
03:33Lalot na unang iniutos ni Pangulong Marcos ang pagsauli ng pera.
03:38May report si Jonathan Nandar.
03:39Nag-gaisa ang mga maestrado ng Supreme Court.
03:47Dapat ibalik sa PhilHealth ang pinalipat na 60 billion pesos na pondo nito sa National Treasury.
03:53The Supreme Court, through the ponensya of Associate Justice, Ami C. Lazaro Javier, unanimously ordered the return of PhilHealth funds.
04:05Noong 2024, pinare-remit sa PhilHealth ang halos 90 billion pesos na sobra umanong pondo na hindi ginagamit ng ahensya.
04:13Na-remit sa National Treasury ang naunang 60 billion pesos.
04:17Pero ang balanseng halos 30 billion pesos hindi natuloy dahil nag-issue na ang Supreme Court ng temporary restraining order ng kwestiyonin ito sa Korte Suprema.
04:27Sa desisyon ngayon ng Supreme Court Unbank, idineklara nitong walang visa ang special provision sa 2024 General Appropriations Act
04:35at ang circular ng Department of Finance na ginamit na basihan ng gobyerno para sa paglipat ng pondo ng PhilHealth sa National Treasury
04:42dahil nakitaan nila ng grave abuse of discretion ang pagpapatupad nito.
04:47Kontra rin daw ang mga utos sa Syntax Law at Universal Health Care Act.
04:52Bukod sa pagbabalik sa PhilHealth ng 60 billion pesos, tuluyan din itong ipinagbawal ang paglipat ng natitira pang halos 30 billion pesos mula sa PhilHealth.
05:01Sabi ng Korte Suprema, immediately executory ito o agad-agad dapat ipatupad.
05:07Tinanggihan naman ang Korte ang hiling ng mga petitioner na tukuyin ang criminal liability o pananagutan ni dating finance secretary at ngayong executive secretary Ralph Recto
05:16para sa technical malversation o kaya ay plunder.
05:19The Supreme Court said that this was not the proper proceeding to determine the criminal liability of the secretary of finance.
05:29Sabi ni Recto, ginagalang nila ang desisyon ng Korte at susunod daw ang ehekutibo sa utos ng SC.
05:36Gate pa ni Recto, sumunod lang ang ehekutibo sa direktiba ng Kongreso at naniniwala sila na isa itong paraan para sulitin ang paggamit sa kaban ng gobyerno
05:45ng hindi nangungutang o nagpapataw ng bagong buwis.
05:49Iginagalang din ang malakanyang ang desisyon ng Korte Suprema.
05:52I-re-review daw ng Office of the Solicitor General ang ruling at saka magdidesisyon sa susunod na akbang,
05:57kabilang ang paghahain ng motion for reconsideration.
06:01Jonathan Andal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:05Bago pa ang inasaang landfall ng Bagyong Wilma sa Eastern Visayas,
06:09ramdam na ang malakas na ulang dala nito na nagpabaha sa ilang lugar sa Visayas.
06:14Pula sa G1 Eastern Samar, may live report si James Agustin.
06:19James!
06:21At ang nagpatupad na ng pre-emptive evacuation sa ilang bayan sa Eastern Samar dahil sa Bagyong Wilma.
06:28Dito sa G1, binabantayan yung mga coastal barangay sa banta ng storm surge o daluyong.
06:37Tulong-tulong sa paglalagay ng lubid ang mga taga-barangay 7 poblasyon sa kinapundan Eastern Samar
06:43para magsilbing gabay sa gitna ng malakas na agos ng baha.
06:47Abot binti ang bahang bunsod ng umapaw na ilo.
06:49Magdamag kasing umulan dahil sa Bagyong Wilma.
06:52Yung barangay 7 kasi, catch vision, mababa.
06:54Mababa silang barangay.
06:56Kaya pag umuulan, yung nga sabi ko, pag apat na oras na umulan, talagang baba na dyan.
07:02Sa barangay 5, barangay 1, baba sila pag katulad ngayon may bagyo.
07:09Dahil talagang marami ang tubig.
07:10Sa bayan ng giwan, hinangunan ang mga mangingisda mula sa dagat ang kanilang mga bangka.
07:15Bawal na pumalaot simula pa kahapon.
07:17Problemado tuloy ang mga mangingisda dahil ilang araw na silang walang kita.
07:21Mahirap talaga.
07:22Bro, pinipilit lang namin kasi may ano man, pamilyado man.
07:28Wala naman kung kapuntahan.
07:30Ang mga residente nakatira sa tabing dagat, naghahanda na rin lumikas.
07:34Pag pumupunta rin itong taga-barangay, nasabi na kailangan ng lumikas, lumilikas talaga kami agad.
07:39Dalo na pag malakas yung alo, tas pag may bagyo, nakabot talaga kami ng dagat.
07:45Tas minsan din po pag sisera yung bahay namin.
07:49Apat na punting barangay ang binabantayan ng lokal na pamahalaan dahil sa bantanang storm surge o daluyo.
07:54Ang mga barangay officials are already instructed to monitor these people.
07:59Kung sakali kailangan nilang lumikas, gagawin po natin ang paglikas sa kanila.
08:02Hiningo po natin sa ating mga kababayan na magtulong-tulong po tayo para may iwasan po yung mga sakuna.
08:08Sa bayan ng Balanghiga, nagpatupad na ng pre-emptive evacuation sa dalawang barangay.
08:13Naka-standby na rin ang kanilang rescue boats at iba pang search and rescue equipment.
08:17Maigit dalawang daang pasahero naman ang stranded sa mga pantalan sa Cebu City.
08:21Pansamantala silang nanunuluyan sa isang gym at barangay hall.
08:24Pila naman ang nasa tatundaang truck sa Domangas Port sa Iloilo.
08:27Dahil sa suspendidong biyahe ng mga sasakyang pandagat, nangihinayang tuloy ang ilang pasehero na biyahe sa Anambacolod City.
08:34Kung may araw, malang kami tiniran na ma-ano na lang kami na rin, mahulat.
08:40Kasi may dala kaming mga UPS battery para sa project namin doon.
08:47Sa Monday sana ito i-install.
08:49Sa Negros Oriental, nagpabahan na rin ang ulang dala ng bagyo.
08:57Malakas din ang nagasaan ng tubig sa ilog.
09:04Sa tala ng PDR mo, umabot na sa 470 families yung lumikas mula sa 7 bayan.
09:11At yan mo na ilitas mula po dito sa Eastern Samar. Balik sa'yo, Atom.
09:15Maraming salamat, James Agustin.
09:17Mag-ingay ang mga pinalaki ng sex bomb.
09:26Napa-throwback ang fans sa muling pagsasama-sama on stage ng iconic girl group.
09:37Star-studded din ang concert.
09:40Nag-perform si nakapuso primetime king Ding Dong Dantes
09:43at hubby ni Rochelle na si Arthur Solinap
09:46kasama ang kanilang dance group na Abstract Dancers.
09:51May dance duet din si Jopay at husband na si Joshua Zamora.
09:55Sex bomb concert po ito.
09:58Umeksena rin ang sex balls.
10:01Ang parody group ng bubble gang ni na Michael V, Ogie Alcacid, Wendell Ramos at Antonio Aquitania.
10:07Pero heto ang talagang showdown.
10:12Sex bomb versus EB Babes.
10:14Ang girl group na sumunod sa kanilang yapak noong 2000s.
10:19May emotional moment din ang girls kasama ang kanilang dating manager at mentor na si Joy Cancio.
10:24Kaya naging very emotional kami on stage.
10:27Kasi yung wala nga kaming closure talaga eh.
10:30Magla lang kami nawala.
10:31Para sa mga fans.
10:33Para sa kanila to.
10:34Hindi lang para sa amin.
10:36Dahil alam namin mahaba yung concert namin.
10:40Pero hindi nyo kami iniwan.
10:43At sin-hold out nyo.
10:47Get, get out!
10:49Kapuso drama king Dennis Trillo itinanghal na Asia's Best Actor in a Leading Role sa prestigyosong Asian Academy Creative Awards.
11:00Para yan sa kanyang natatanging pagganap sa award-winning film ng GMA Pictures na Green Bones.
11:08Bigatin ang ilang mga dinaig niya sa Asia.
11:10Ang mga kilalang international actor na sina Jacob Elordi at Park Bogum.
11:15Sarap sa pakiramdam na pagkatapos ng isang taon marami pa rin nakakapansin doon sa mga trabaho ang ginawa namin.
11:25Yan yung nakakatuwa eh.
11:26Kasi alam nyo yun, para nabibreak na natin yung barrier at nakalagpas tayo doon sa ibang entablado na alam nyo yun.
11:34Mas marami yung nakaka-appreciate hindi lang mga Pilipino kundi pati yung mga ibang lahi.
11:39Si GMA Entertainment Group Vice President Gigi Santiago Lara ang tumanggap ng award sa ngala ni Dennis at ng Green Bones sa seremonya sa Singapore.
11:49Athena Imperial nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:54Signal number one pa rin sa maraming lugar sa bansa dahil sa Bagyong Wilma.
11:59Sa 11pm bulitin ang pag-asa, nakataas yan sa southern portion ng Sorsogon, Main Land Masbate kasama ang Ticaw Island at ang eastern portion ng Romblon.
12:08Gayun din sa northern Samar, eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Cebu, kabilang ang Bantayan at Camotes Islands, Bohol, northern at central portions ng Negros Occidental, Siquijor, northern at central portions ng Negros Oriental, Guimaras, Iloilo, Capis, Aklan at Antique.
12:28Sa Mindanao, signal number one sa Surigao del Norte, kabilang ang Surigao, Siargao at bukas Grande Islands, Pinagat Islands, northern portion ng Surigao del Sur, northern portion ng Agusan del Norte at Camiguin.
12:43Puling namata ng Bagyong Wilma, 135 km silangan ng Borongan City, eastern Samar.
12:49Abagal itong kumikilos pa kanluran.
12:51Sa forecast track ng pag-asa, maglalanfall ito sa eastern Visayas bukas, saka babaybayin ng kabisayaan hanggang linggo.
13:00Pusible rin itong dumaan sa northern Palawan lunes ng umaga.
13:04Nasa ang mananatiling isang tropical depression ng bagyo at lalakas lang kapag nasa West Philippine Sina.
13:1620 days na lang, Pasko na. May tema na ba ang inyong Christmas party?
13:20Ang isang barkada, mala wellness check ang peg.
13:23Dahil ang kanilang costume, literal na puno ng feels.
13:27Pusuwa na yan sa report ni Oscar Oida.
13:33Malapit ng matapos ang taon, kumusta naman ang 2025 niyo?
13:39Ang magkakaibigan ito, niliteral ang kasabiyang, wear your heart on your sleeve.
13:45Just as the emotion you've been feeling this year.
13:48Ang tema ng kanilang Christmas party.
13:51At grabe, emotions personified.
13:56Si ate, tuwang-tuwa, kumikinang na parang nakatanggap ng 13th month, 14th month, at performance bonus sabay-sabay.
14:06Ito naman, bluer than blue.
14:11Mukhang nadelay ang bonus.
14:14At sino naman to?
14:16Sada ko?
14:17Kahit siya, natatakot sa sarili niyang wig.
14:20Itong isa, kumpletos rekados ang hair flip, side eye, at judging look.
14:29Iyong tipong hinuhusgan ka niya dahil nakailang piraso ka na ng lumpia.
14:36At ito ang pinaka-relatable, na yung traffic este Christmas season.
14:42E tsura pa lang, kita ng may kaaway siyang navigation app.
14:47At may atraso sa kanya ang ensa.
14:50Puso ang Pasko
14:53Effort na effort ang buong tropa.
14:58Kahit anong emosyon ang suot mo ngayong Kapaskuhan.
15:03Ang importante, may barkadang handang dumamay sa trip mo.
15:09Oscar Oida, Nagbabalita.
15:11Para sa GMA Indicated News.
15:16At yan po ang State of the Nation.
15:18Para sa mas malaking misyon.
15:20At para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
15:23Ako si Atom Maraulio, mula sa GMA Integrated News.
15:26Ang News Authority ng Pilipino.