00:00Pinangunahan ni First Lady Lisa Aroneta Marcos ang pagkilala sa husay ng mga dating Overseas Filipino Workers sa pagpapatakbo ng negosyo
00:08habang ipinabot naman ang Department of Migrant Workers ang iba't ibang servisyo ng gobyerno sa mga OFWs sa Middle East.
00:15Si Gav Villegas sa report.
00:19Isinagawa ng Overseas Workers Welfare Administration at Migrant Workers Office sa Bansang Kuwait ang bagong bayani servisyo caravan.
00:26Dito ay nakapag-avail ang mga Overseas Filipino Workers ng mga essential services mula sa 10 ahensya ng pamahalaan.
00:34Isinagawa rin sa ABHAS sa Saudi Arabia ang bagong bayani ng mundo o OFW servisyo caravan na layan rin maghatid ng malawak na hanay ng servisyo para sa mga kababayan natin sa regyon.
00:45Dito ay aabot sa halos 1,300 OFW ang nakapag-avail ng halos 6,000 transaksyon mula sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan.
00:53Kabilang sa mga servisyo ang handog ng bagong bayani servisyo caravan ay ang passport renewal, national ID registration, OWA e-card processing, contract verification, membership enrollment, legal assistance at marami pang iba.
01:09Siyam na Outstanding Filipino Entrepreneurs naman ang pinarangalan sa 2025 Go Negosyo Balikbayan Awards na ginanap sa Pase City.
01:17Pinangunahan ni First Lady Lisa Araneta Marcos at Go Negosyo Chair Joey Concepcion ang pagbibigay ng parangal sa mga OFW.
01:25Kabilang sa mga pinarangalan ang tatlong entrepreneur mula sa by-local by OFW ng Department of Migrant Workers na bahagi ng OFW reintegration.
01:35Gab Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments