00:00Tuwan-tuwa ang mga individual na nabigyan ng libre ng pagkain sa ilalim ng walang gutom kitchen ng Department of Social Welfare and Development.
00:07Si Denise Osorio sa detalye.
00:11Hindi lang gumisita kundi nagsilbi pang service crew at tagahain ng pagkain si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa ating mga kababayang walang sapat na makain.
00:22Bahagi ito ng mas pinalakas na programa ng Department of Social Welfare and Development o DSWD
00:28para sa children, families and individuals in street situations o CFISS.
00:35Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na mas pinatututukan ngayon ng Pangulo ang kampanya ng pamahalaan kontra gutom.
00:44Ang dream niya, sabi nga niya, ang birthday wish niya at ang pangarap niya, wala ng gutom na Pilipino pagdapos niya after his term.
00:50So ito, part ito ng overall drive natin. Nakabukas ang walang gutom kitchen, araw-araw, from breakfast pati lunch na service.
00:58Sa walang gutom kitchen, umaabot sa halos 700 individual kada araw ang napapakain ng libreng almusal at tanghalian
01:06para tugunan ang agarang pangangailangan ng mga individual na walang makain.
01:12Isa sa mga benepisyaryo, si Eugene Pelaje, na may tatlong taong gulang na anak,
01:17na aminadong malaking tulong ang walang gutom kitchen ng pamahalaan.
01:21Wala siyang trabaho at kapos sa sweldo ang kanyang mister.
01:25Kaya malaking tulong sa kanila ang libreng pagkain mula sa DSWD.
01:29Maayos naman po sila mag, ano, ng tao dito na kumakain.
01:33Maayos naman po yung trato po nila sa mga, ano, service po dito.
01:38Okay naman po, ma'am.
01:39Naiyak din ako kasi ang pagbibigay niya bukal sa puso po.
01:43Galing sa puso po talaga na may pagmamahal sa buong bayan.
01:47Si Nanay Lucia Eldes naman, laking tuwa niya at nakasama niya sa pagkain ang ating pangulo, Ania.
01:54Wala na siyang trabaho o pamilya sa Maynila, pero nakakaraos siya dahil sa tulong ng Administrasyong Marcos.
02:01Masaya, masaya po. Wala po akong masabi po.
02:06Mga pinsan po, alam po, nanonood sila.
02:10Ano, nandito ako sa DSWD, na-interview ako, kumakain.
02:14Kumakain ako, nandito si Bongbong, residente natin, nang sayang-saya, talaga lang.
02:23Bukod sa pagtugon sa gutom, tinutukan din ang pangulo ang mas malalim na issue ng homelessness
02:28sa kanyang pagbisita sa bagong pag-abot processing center na may kapasidad na 180 hanggang 200 katao
02:36bilang pansamantalang shelter para sa mga individual at pamilyang dati naninirahan sa lansangan.
02:41Maliban sa mga tulugan para sa mga babae, lalaki at mga pamilya, mayroon ring meditation room, mess hall,
02:50child minding center, staff wellness area, counseling rooms, multi-purpose hall, family area, medical area at breastfeeding area.
03:00Ani-renovate natin yung dating Pogo Hub at ginawa na natin temporary shelter kasi pag-reach out natin sa kanila sa lansangan,
03:09hindi naman natin sila maiuwi kaagad sa kanila mga probinsya.
03:12Dito sila pansamantala na mamalagi kahit na mga maximum of 2 to 3 weeks.
03:17Then, ilolocate namin yung mga komunidad nila.
03:19Ibabalik natin sila doon katama na ng Live Law Grant.
03:22Mula April 2023 hanggang December 14, 2025,
03:27mahigit 11,000 pamilya at mahigit 5,000 individual na ang natulungan ng pag-abot program sa buong bansa.
03:34Ayon sa DSWD, araw-araw rumoronda ang kanilang mga social workers sa buong kamay nilaan upang matulungan ang mga walang matirhan.
03:43Denise Osorio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.