Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tumumba at bumagsak ang replica ng Statue of Liberty, bunso ng malalakas na hangin sa southern Brazil.
00:0835 metro ang taas ng estatwang nakatayo sa kitna ng paradahan ng isang department store.
00:14Walang naiulat na nasakta.
00:16Ay po sa kumpanya, magsasagawa sila ng karagdagang investigasyon.
00:21Mga kapuso, isang linggo na lang.
00:24Pasko na at agaw pansin.
00:26Ang Christmas display sa Sagay City Plaza sa Negros Occidental na inspired sa mga dikya.
00:33Puno po ito ng iba't ibang lamang dagat.
00:36Pero ang tila paborito, ang Christmas tree na pinalamutian ng mga dikya o jellyfish.
00:45Mga kapuso, bago sa saksi, naisilbi na rin ang warrant of arrest sa kapwa-akusado ni Sara Descaya
00:51na si Roma Angeline Rimando sa Pasig Police Headquarters.
00:55Si Rimando ay isang mataas na opisyal sa St. Timothy Construction Corporation na kumpanya ng mga dikya.
01:01Dadalhin po si Rimando sa Rizal Medical Center para isailalim sa medical check-up.
01:08At ngayon po makibalita tayo kay Jamie Santos.
01:10Kagnay po sa pagsisilbi ng arrest warrant laban kay Sara Descaya.
01:14Jamie, anong latest?
01:15Tia, natapos nang isagawa o sumailalim si Sara Descaya sa medical procedure at booking procedure.
01:23Inaantabayanan na natin ngayong gabi ang biyahe, itong convoy na sasakyan ni Sara Descaya
01:30para ilipat na siya sa NBI detention facility sa Montinlupa.
01:37Kinumpirma ng NBI spokesperson na naging matagumpay ang implementasyon ng first warrant
01:42at ng warrant of arrest, dito ka kay Descaya.
01:46At ngayong gabi, matapos isilbi sa kanya yung warrant of arrest,
01:50ay ibabiyahe na siya at doon siya mananatili ngayong gabi.
01:54Bukas ng umaga, dadalhin si Sara Descaya sa Department of Justice
01:58para sumailalim sa preliminary investigation.
02:01At matapos nito ay ibabiyahe si Sara Descaya sa Cebu
02:04dahil doon lumabas ang kanyang warrant
02:06at ayon sa NBI, sasamahan na ito ng kanilang tauhan
02:10para din tiyakyan ang kanyang security.
02:12Sa ngayon, nakabuntot na tayo dito sa ilang van
02:16ng National Bureau of Investigation.
02:18Inaantabayanan na lang natin lumarga o umalis itong convoy
02:23kung saan yung isa dito sa van na ito, nakalulan si Sara Descaya
02:28para dalhin na siya sa NBI facility dito nga sa Montinlupa.
02:32Alright, maraming salamat, Jamie Santos.
02:36Samantala, meron pong bagong Christmas pasyalan sa Maynila
02:39at yan po ang Food Bazaar
02:41kung saan tampok ang sari-saring pagkain Pinoy at iba pang cuisine.
02:46Nagbabalik si Jamie Santos.
02:50May bagong tambayan sa Malate, Maynila.
02:54Food trip is key para mag-unwind mula sa stress ng Metro Manila.
02:59Sagat yun ang happy hour sa Malate.
03:01Samot-saring pagkain ang tampok sa Food Bazaar.
03:04Merong shawfan toppings, burger, pizza, Japanese at Arabic cuisine
03:09na pinipilahan dahil ang mga chef na gumagawa ng shawarma
03:13ay mga Palestinian.
03:15At dahil Christmas season, syempre, present ang lechon sa mga pwedeng pagpilian.
03:20We have to attract the investors to come in and the visitors
03:25so that we will revive the old glory of their Mita Malate.
03:30Ang magkaibigang OFW na ito, sinusulit ang bakasyon sa Pinas.
03:35Minsan lang kami makapunta dito so ito yung time namin na magkaroon kami ng bonding.
03:41Ito yung time kasi nakakapag-rest kami and also nakakapag-spend ng time with our family
03:46kasi all throughout the year nagwo-work kami.
03:48Malapit lang sa Remedyo Circle ang Malate Church
03:51kung saan marami ang nakikiisa sa simbang gabi.
03:54Bitbit ang pananampalataya at mga kahilingang taintim na ipinagdarasal.
04:00Tinanong namin sila, anong wish nyo para sa Pilipinas ngayong Christmas?
04:03Magkaroon po ng katahimikan tapos yung magbabago na po, yung wala na po yung mga drugs.
04:11Maging maayos yung mga namamahala sa atin, maging tapat.
04:17Ang wish ko lang is makulong na yung mga korakot na yan and managot ang dapat managot.
04:23Sa gitna ng kasiyahan at pananampalataya, iisa ang mensahe ng Kapaskuhan.
04:28Pag-asa, pagkakaisa at panalangin para sa mas maayos na bukas para sa bansa
04:33na kahit mahirap ang taon, may darating na liwanag.
04:37Para sa GMA Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
04:44Mga kapuso, salamat po sa inyong pagsaksi.
04:46Ako po si Pia Arcangel para sa mas malaki misyon at sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
04:53At mula po sa GMA Integrated News, ang news authority ng Filipino.
04:57Hanggang bukas, sama-sama po tayong magiging saksi!

Recommended