00:00Sa batala, masusin ang iniimbestigahan ng otoridad ng pagamatay ni dating GPWH Undersecretary Maria Catalina Cabral
00:08na nakita ang katawan sa bahagi ng Cannon Road sa Tuba, Benguet.
00:13Si Jesuel Kate Labizar ng PTV Cordillera sa Sanktua na Balita.
00:20Pasado alas 12 ng madaling araw, idineklarang patay si dating Department of Public Works and Highways Undersecretary Maria Catalina Cabral
00:29matapos matagpo ang walang malay sa bahagi ng Buwed River sa Cannon Road, Tuba, Benguet, kagabi.
00:34Sa inisyal na investigasyon ng Tuba Municipal Police Station,
00:39ikwinento ng kanyang driver na si Ricardo Munoz Hernandez na tinatahak nila ang Cannon Road patungong la Union mula Baguio City
00:47nang magpas siyang bumaba si Cabral at humiling na iwan niyang mag-isa sa gilid ng kalsada sa Purok Maramal, Sitio Camp 5, Barangay Camp 4, bandang alas 3 ng hapon.
00:57Sinabi ng driver na bumalik siya upang sunduin si Cabral alas 5 ng hapon ngunit hindi niya ito nakita.
01:04Mabilis umano siyang bumalik sa hotel sa Baguio kung saan nakacheck-in si Cabral
01:09at pagkatapos ay nagbalik sa Cannon Road View Deck kung saan matatagpuan ang Station 8 ng Baguio City Police Office.
01:16Nagsagawa ng sariling paghahanap ang polisya at natagpuan si Cabral mga 30 metro mula sa pampang ng ilog.
01:23Dito sa bahaging ito ng kalsada, posibleng nahulog si Cabral ayon sa mga polis.
01:29Nagpaliwanag naman ang Bureau of Fire Protection kung bakit inabot ng alas 12 ng hating gabi
01:34o humigit kumulang apat na oras bago nakita at inakyat ng mga responder ang katawan ni Cabral patungo sa kalsada.
01:42Dating namin doon, in-assist namin yung area kung paano ma-retrieve yung katawan.
01:49Tapos bumaba na kami doon sa baba.
01:51After noon, pero before that, andun na yung PNP. Sila na nauna nakahanap sa katawan.
01:57Kaya hinintay namin yung soko para ma-document yung area bago kami nag-inangat yung katawan sa taas.
02:05Patuloy na iniimbestigahan ang umano'y pagkahulog at pagkamatay ng dating opisyal.
02:11Kaninang umaga, nagtungo na rin sa lugar ang mga kawaninang National Bureau of Investigation Cordillera para sa karagdagang pagsisiyasat.
02:20Padsamantalang na natili ang katawan ni Cabral dito sa isang punerarya sa Baguio City na inaasikaso ng kanyang pamilya.
02:28Tumagi ng magbigay ng pahayag sa insidente ang naulilang pamilya.
02:32Kabilang si Cabral sa mga iniugnay sa irregularidad sa flood control at infrastructure projects sa bansa.
02:39Nagbitiw siya sa ahensya noong Setiembre at humarap na rin sa mga pagdinig ng Kamara at Senado.
02:45Matatanda ang ipinasabpina rin si Cabral ng Independent Commission for Infrastructure
02:50kung saan inasahang humarap siya nitong Lunes, December 15.
02:55Jezreel Kate Lapizar para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.