Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inasahan ang buto ng mga pasaherong darating sa Davao City Overland Transport Terminal bago ang besperas ng Pasko bukas.
00:08May unang balita live si Argel, relator ng KMA Regional TV. Argel, good morning, Mayang Pasko!
00:15Maris, dalawang araw bago magpasko, patuloy ang pagdating ng mga pasaherong bibiyahe papunta sa ibang probinsya mula rito sa Davao City Overland Transport Terminal.
00:24Madaling araw pa lang, mahaba-haba na ang pila papasok sa Davao City Overland Transport Terminal ng mga pasaherong papauwi sa kanika nilang mga probinsya.
00:35Mahigpit na seguridad ang ipinapatupad ng mga otoridad.
00:38Lahat ng mga bagaheng dala, idinadaan sa baggage x-ray scanner para masisigurong walang mga ipinagbabawal ang maipapasok sa terminal.
00:46Sa loob ng mismong terminal, agad namang nakakasakay ng bus ang mga pasahero.
00:49Ayon sa ilang pasahero, maaga silang umalis, lalo na yung may mga dalang bata, para hindi na makipagsabayan sa nagsa ng mga pasahero mamayang hapon.
00:57Inaasahan ng DICOT Management ang bulto ng mga pasaherong darating ngayong araw sa huling araw ng pasok ng mga opisina bago ang bisperas ng Pasko bukas.
01:06Sa monitoring ng pamunuan ng terminal, simula noong biyernes, umaabot na sa 1,000 hanggang 1,500 bus trips bawat araw o katumbas ng 80,000 na pasahero.
01:16Karamihan ng biyahe ay papuntang mga karating regyon sa Mindanao.
01:20Paalala sa mga pasahero na siguruhing bit-bit ang lahat nilang mga gamit dahil ipinatutupad sa lungsod ang Anti-Unattended Bag Ordinance o ang pagbabawal sa pag-iiwan ng mga bag sa pampublikong lugar.
01:30Dagdag na paalala rin sa mga papuntang Cagayan de Oro City via Bukidnon, iwasan daw ang pagdadala ng maraming gamit.
01:37Dahil mula sa overview sa Quezon Bukidnon, bababa ang mga pasahero at maglalakad na ilang metro para lumipat sa ibang bus unit.
01:44Ginagawa pa kasi ang detour road sa naturang lugar matapos ang landslide noong Oktubre.
01:50Maris, magsisimula namang mag-install ngayon ng helpdesk ay LTFRB11 dito sa loob ng terminal.
01:56At may mga ilang bus companies na rin silang nabigyan ng special permit.
01:59Yan ang latest mula rito sa Davao City. Ako si R. G. Relator ng GMA Regional TV para sa GMA Integrated News.
02:08Maraming salamat R. G. Relator ng GMA Regional TV.
02:12Gusto mo bang mauna sa mga balita? Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.

Recommended