00:00Naniniwala si Sen. Panfilo Lacso na hindi kasama ang mga bagong saltang senador ngayong 20th Congress
00:06sa mga nakalista sa umano'y Cabral files.
00:09Yan ang ulat ni Louisa Eris.
00:13Pinalilino ni Sen. President Pro Temporay Panfilo Lacso na kay Congressman Leandro Leviste
00:19ang listahan na umano'y iniwan ni dating DPWH Usec Maria Catalina Cabral
00:25laman ang mga pangalang sangkot sa insertion sa budget.
00:28Ayon kay Lacso, naniniwala siya na hindi kasama rito ang mga senador sa 20th Congress.
00:35Bagus ang mga nasa 19th Congress lang.
00:39Dahil kung ang 120 billion insertions na tinutukoy ni Leviste ay sa 2025 budget,
00:45inaprobahan umano ito noong nakaraang kongreso pa
00:48at hindi kasama ang mga bagong saltang senador noong 2025 midterm elections.
00:53Nilinaw din ni Lacso, siya mismo imposibleng makasama ang pangalan sa listahan
00:59dahil kahit pa noong mga nagdaang kongreso, hindi siya nakisali sa anumang allocables o pork barrel.
01:06Naniniwala din si Lacso na may tamang panahon at oras para ilabas ang listahan ng mga pangalan.
01:12Maaaring hindi pa ngayon dahil nagluloksa pa ang pamilya ni Cabral sa kanyang pagkamatay.
01:18Pero pinuri niya pa rin si Leviste sa pagsisikap nito na ma-secure ang mga dokumento na posibleng iniwa ni Cabral.
01:25Si Senate President Vicente Soto III naman,
01:28pinauubaya na kay Sen. Lacso ang usapin sa Cabral files.
01:33May mga natagpap na siya galing sa quarters ni Yusek Cabral, so siya ang tanongin niya dyan.
01:40Nauna na rin sinabi ni Soto na para sa kanya,
01:42kung totoong may listahan, dapat ingatan ito na hindi magkaroon ng dagdag bawas sa mga pangalan.
01:49Samantala, naniniwala naman si Lacso na dapat magpasko pa rin sa kulungan
01:54ang mga nakakulong sa Senado hinggil sa flood control projects.
01:58Ito ay sila Curly Diskaya, Henry Alcantara, Bryce Hernandez at JP Mendoza.
02:04Na-sight in contempt sila ng Blue Ribbon Committee nitong mga nagdaang buwan.
02:08Ani Lacso na walang ibang dahilan kundi security reasons.
02:13Baka kasi makatakas pa ang mga ito habang walang warrant of arrest kung papalayain ngayong Pasko.
02:19Papayagan naman raw silang makadalo ng misa at mabisita ng kanilang pamilya.
02:24Nauna na rin sinabi ni Sen. President Soto na magpapasko sa kulungan ng apat
02:29at may kapangyarihan ng Senado na hindi sila palayain hanggang matapos ang investigasyon ng Blue Ribbon Committee
02:35o kaya ay ang 20th Congress.
02:38Luisa Erispe para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.