Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bago sa Lubang 2026, ma'am, maya nagpapaalala po ang Bureau of Fire Protection
00:04kaugnay sa liftas sa paggamit ng mga paputok at pailaw para iwas disgrasya.
00:10May unang balita si Chino Gaston.
00:15Ang sinapit ng mag-amang bumili ng paputok sa Santa Barbara, Pangasinan,
00:20ang dapat pagingatan ngayon ng iba pang namimili ng paputok.
00:23Bit-bit nila ang mga binili habang sakay ng motorsiklo nang bigla itong sumindi at sumabog.
00:29Sugatan ang mag-ama kaya isinugod sa ospital.
00:32Habang sunog naman ang harapang bahagi ng motorsiklo at napinsala ang mga bintana sa lugar.
00:37Hinihinalang nadikit sa tambucho ang dala nilang kwitis o sumayal sa simento kaya nakiskis at mag-isang sumindi.
00:45Kaya sa Bukawi, Bulacan, kasama sa mga pinag-iingat ng mga otoridad at fireworks retailers,
00:51ang mga customer nilang nakamotorsiklo.
00:53Dahil nakabilad sa init at pwede ding ulanin ang mga biniling pailaw at paputok,
00:59dagdag packaging ang ipinapayo sa mga fireworks retailers.
01:03Napaka-sensitive talaga kasi ng ignition ng firecrackers and pyrotechnics.
01:09Kaya dapat talaga sila ilagay sa tamang lalagyanan.
01:12Yung boxer na secured o di kaya yung mga plastic na nakasheal.
01:17I-make sure na i-secure yung mga fireworks like using tape para ma-make sure natin hindi siya aalog or malalaglag sa daan.
01:28Bukod sa packaging, mahalaga ang maayos na pagsasalansan.
01:32Kahon-kahon pa naman ang ikinakarga sa mga sasakyan ng ilang mamimili.
01:37Lalo-lalo na sir yung mga tinagtatanong sila kung safe ba sir kung nasa likod ng sasakyan, nasa lab ng sasakyan.
01:44Ang inaano po namin sir na huwag lang po siyang mababasa, safe na safe po siya.
01:48No smoking, gano'n. Safety muna bago para iwas aksidente.
01:54Basta maayos lang po yung lagay sa sasakyan, maayos yung patas para hindi pakalog-kalog yung...
02:02Basta secure lang, hindi kumakalog yung mga paputok.
02:06Bukod sa mayatmayang pag-iikot at inspeksyon, namigay din ang mga polyetos sa mga mamimili ang ilang membro ng PNP.
02:14Ang security po natin, sa pagsalog natin sa abang-taon, dapat gawin at dapat bawal na didarapot.
02:23Kasama sa mga paalala ng PNP, ang huwag nang gumamit ng mga paputok at sa halip kaldero, torotot, sound system o ibang bagay na lang para maglikha ng ingay.
02:33Iwasa ng mga iligal na paputok gaya ng pikulo at mga hindi rehistradong firecrackers.
02:38Huwag damputin ang mga hindi sumisinding paputok.
02:42Huwag hayaan ang mga bata maglaro ng fireworks na walang bantay.
02:46Muling paalala ng BFP sa gagamit ng pailaw at paputok, gumamit lang ng pailaw at paputok na aprobado ng DTI.
02:54Huwag hahawakan ang mga pailaw at paputok kung sisindihan.
02:58At yaking malayo sa tao at kabahayan ang pagsisindihan ng mga ito.
03:02Ito ang unang balita Chino Gaston para sa GMA Integrated News.

Recommended