24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pagkatapos ng kabi-kabi lang gastusin nitong kapaskuhan, marami yun eh, ganyong mag-ipon ng pera.
00:10Pero paano ba sasabay sa mga ipon challenge kung kulang pa ang kita sa ginagastus?
00:17Alamin sa pagtutok ni Bernadette Reyes.
00:20Mula sa itinabing tigbente-benting coins mula January 25 hanggang kahapon unang araw ng 2026, nakaipon ng 16,000 pesos si Lizelle.
00:3447,000 pesos naman ang nakuhan ng mag-asawang Franklin at Cielo Carpintero sa binuksan nilang Alcantara.
00:42Tuwing bagong taon, isa sa mga karaniwang New Year's Resolution ang pag-ipon.
00:47Gaano man kaliit ang inyong itinatabi, ang mahalaga, gawin itong tuloy-tuloy para pagdating ng takdang oras, meron kayong matatawag na sarili niyong ipon.
00:58Si Wilton Halimbawa iniipon ang mga mamisong sukli, sabayan pa ng tinatabi mula sa sweldo, nakaipon ng mahigit 13,000 pesos.
01:07Mga sukli pag ano, sa mga jeep, pati sa mga tricycle. Tuwing bumibili rin ako ng mga merienda, nalasan mga bariya yung sinusukli nila.
01:18So, bali, din nalagay ko kagad, nulog ko kagad sa mga alkansya. Pag may emergency, parang mabilis sumugot ng pera.
01:28Ayon sa isang registered financial planner, marami ang naiengganyong mag-ipon pagpasok ng bagong taon.
01:35Mahalaga raw na mag-set ng target kung para saan at magkano ang gustong maipon.
01:40Gawin din daw na regular ang pagtatabi ng pera, hindi yung kung kailan lang maisipan.
01:45Money is not just about our knowledge, but it's really about behavior. 90% behavioral yan.
01:52So, minsan, alam na natin na dapat tayo mag-ipon. Pero kung hindi natin na set aside or hindi natin nagawa ng tama or walang sistema,
02:00most likely magagastos natin yan. May tinatawag tayo na envelope system.
02:04So, pagka-receive natin ng sweldo, meron na tayong envelope kung ano yung assignment niya,
02:09kung pambayad ng kuryente, pambayad ng tubig. Pero huwag niyong kakalimutan, dapat meron kang envelope for your CV.
02:15Kasi yun na rin yung way for us to automate. And dapat hindi natin siya magalaw.
02:20Ito rin ang napansin ni Tet Tan, isang empleyado.
02:23Kaya high-tech na raw ang ginagawa niyang pag-ipon na iniimpok niya sa kanyang digital online banking.
02:29So, dati nakakapag-ipon ako gamit yung alkansya dito sa bahay.
02:34Kaya lang napansin ko na kapag may kailangan ako ng pera, dinudukot ko lang din siya.
02:39So, ngayon, ginagawa ko is, ino-automate ko na siya, gumagamit ako ng online banking.
02:44Eh, paano naman kung gusto nga mag-ipon pero kulang talaga ang kita sa ginagastos?
02:50Payo ng mga eksperto, extra income is the key.
02:54Si Tet halimbawa, bukod sa kanyang trabaho, nakisabay sa nauusong 3D printing.
02:59Ito kasi is pwede kong iset up dito sa bahay na kahit hindi na ako lumabas pa, pwede akong magkaroon ng additional income.
03:09Pwede mo siyang maging side hustle every after office or on a weekend.
03:13May mga kilala tayo, nagbebenta sila ng pagkain or buy and sell online.
03:18Ano man daw ang inyong financial goals this 2026, mahalagang may suporta ng mga mahal sa buhay para sabay-sabay maabot ang mga pangarap.
03:27Set a meeting with your family member. Pag-usapan ninyo habang nagsisimula yung taon, ano yung target ninyo na gusto nyo maipon?
03:34Hindi naman talaga ito madali. So kahit na small progress, nasimula natin first 2 to 3 months of the year na nakakapagtabi na tayo.
03:41Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
03:46Pinabulaanan ni House Deputy Majority Leader Zia Alonto Adyong ang alingas-ngas ng kundeta sa Kamara para palitan si House Speaker Boji D.
03:56Ayon kay Adyong, walang banta sa pamumuno ni D sa Kamara.
04:00Tingin ni Adyong, nais lamang ng mga detractor o kritiko na magkaroon ng divisyon sa Kamara.
04:05Dagdag ba niya, maayos ang estilo ng pamumuno ni D sa Kamara?
04:09Sa mga madalas sumakay ng motorcycle taxi riyan, siguraduhin sapat ang tulog ha, bago bumiyahe.
04:22May isa kasing pasahero sa Thailand na nahulog sa motorsiklo dahil inabutan umano ng antok sa daan.
04:30Kuya Kim, ano na?
04:31Sa videong ito nakuha sa Nuntaburi, Thailand, makikita ang isang lalaking pasahero na lakakas sa isang motorsiklo.
04:42Nang walang kung ano-ano, ang lalaki, biglang lumiyan at nahulog sa umaandar na motor.
04:49Ang motorcycle taxi rider na trantat agad na binalikan ang bumulagtang pasahero,
04:54pero laking gulat niya nang bigla itong bumangon at naglakad papalik sa kanyang motor.
04:58At dahil wala naman daw itong tinamong sugat, tumuloy pa rin daw ito sa biyahe.
05:03At kaya daw ito nahulog dahil siya ay nakatulog.
05:06Pero may ideya ba kayo kung bakit tayo inaantok?
05:10Kuya Kim, ano na?
05:13May iba't ibang result kung bakit tayo nakakaramdam ng antok.
05:16Una, dahil sa ating body clock o yung tinatawag na circadian rhythm.
05:20May natural na oras kasi ang ating katawan na nagsasabi kung kailan tayo gising at kailan tayo dapat matulog.
05:25May oras kung kailan nag-i-increase yung ating serotonin or melatonin na tinatawag natin na siyang nag-facilitate ng sleep.
05:34Actually, 9pm, 10pm, nagsistart na mag-increase yung ating serotonin levels.
05:38So, dyan talaga medyo inaantok na tayo.
05:41Kaya kung hindi natin tinry i-sleep the next day, yung energy level natin down.
05:46Kaya aantokin po tayo.
05:47Pag kumakain po kasi tayo, mag-i-increase din na tawag nating glucose levels or sugar sa ating katawan.
06:08In short po, nandun yung focus ng katawan natin, ang metabolism.
06:12So, yung ating brain po natin at yung ating organs, kalma lang muna siya.
06:16At tapos pagtaas ng sugar po sa ating katawan, medyo inaantok po tayo.
06:21At kapag kulang, hindi maayos at hindi sapat ang ating tulog o pahinga.
06:25Siguradong aantokin talaga tayo niya.
06:28Napakahalaga ng tulog.
06:29Because when we are sleeping, that's when our body repairs.
06:32So, sa mga bata po, mas marami ang kailangan.
06:35Tapos habang tumatanda po tayo, umiikli po yung tulog natin.
06:38So, pag tayo ay adults, we need around sleep or 7 to 9 hours of sleep.
06:42Huwag baliwalain ang tamang pahinga.
06:44Mas malinaw tayong nakakapagtisip at makakaiwas pa tayo sa disgrasya.
06:48Ito po si Kuya Kim, at sagot ko kayo, 24 oras.
07:01Ngayong simula na ng taon, marami na naman ang magkakasaan ng mga general cleaning.
07:07Mas madali yan kung habit na ang pabawas ng basura.
07:11Tulad ng ginagawa ng isang paaralan sa mga gamit na papel.
07:15Iniipon niya ng mga estudyante para sa isang vendo machine na nagbibigay access sa Wi-Fi.
07:22Tara, let's change the game.
07:24Naalala nyo ba ang e-connect Wi-Fi vendo sa isang barangay sa Quezon na we featured last August?
07:35Insert your pen bottle and enjoy your Wi-Fi connection.
07:38Yan. After po niyan, ilalagay natin doon sa butas yung plastic bottle.
07:43Insert your pen bottle and enjoy your Wi-Fi connection.
07:46Yan.
07:46Kung saan bawat plastic bottle ay may kapalit na oras ng Wi-Fi?
07:51Same concept ang ina-apply sa Kaibiga High School ng Kaloocan City
07:55para ma-solve ang tumatambak nilang problema sa basurang papel.
08:00Imagine this is almost 3,000 students.
08:03Tignan mo yung mapoproduce na waste niya.
08:06Presenting the paper Wi-Fi or paper as payment for educational resource.
08:11Similar to e-connect, inspired din ito ng PISOnet system.
08:16Pero dunevelop mismo na mga estudyante nila.
08:19The developers modified a pre-assembled PISO Wi-Fi system
08:22by replacing the coin slot with a dropbox slot for paper,
08:26enabling a paper-based internet access.
08:30Gumamit po kami ng dalawang IR sensor
08:32para po ma-detect na may pumasok pong object sa loob po ng system po namin.
08:36And yung IR sensor po na yun, meron po siyang 3-cycle delay
08:39para maiwasan po yung continuous na pagpasok po ng papel
08:42at maiwasan din po na madaya yung system po namin.
08:46Simple lang ang gagawin.
08:48I-save mo lang yung mga hindi na ginagamit na papel,
08:51katulad ng bond papers,
08:52insert it to the prototype,
08:54and then connect it to your gadget.
08:56Then, makakagamit ka na ng libreng Wi-Fi.
08:59Ganun lang kadali.
09:00Pupunta po tayo sa cellphone or kahit anong device.
09:03Then, pupunta lang po tayo sa Wi-Fi po natin.
09:05Then, kapag nakakonnect na po siya sa paper Wi-Fi,
09:08may kita po natin dito nakakonnect sa paper Wi-Fi.
09:10Then, lalabas po itong paper Wi-Fi na website.
09:12May kita po natin sa website po natin
09:14na may nakasulat na insert paper.
09:16Pipindutin lang po natin yun.
09:17Pag napindut na po natin yun,
09:18pwede na po natin ihulog po yung paper po natin
09:20sa paper Wi-Fi.
09:21Please insert the paper.
09:22At kapag narinig na ito,
09:25Thank you!
09:27Pwede ninyo nang ma-enjoy ang inyong free Wi-Fi.
09:30Kada isang piraso ng bond paper na i-insert,
09:33katumbas ang 50 MB per minute.
09:36Pero saan nga ba napupunta ang mga naiipong papel
09:39na ipinapasok sa paper Wi-Fi?
09:41Pinaplano na rin ang kanilang grupo
09:57na i-level up ang kanilang prototype.
10:00Maliban sa paper waste,
10:02soon, pwede na rin ang iba pang klase ng waste
10:05kaya ng mga plastic.
10:06Interesting!
10:07A game-changing innovation na patok na patok
10:10sa mga estudyante.
10:12Naka-recycle ka na ng papel,
10:14nakalibre ka pa ng internet access.
10:17Para sa GMA Integrated News,
10:18ako si Martin Avere.
10:20Changing the game!
10:23Namataan ang isang buhawi
10:24sa gitna ng masamang panahon sa Negros Oriental.
10:27Ulan at baha naman ang naranasan
10:29sa ilang bahagi ng Metro Manila
10:30at mga provinsya.
10:32Nakatutok si Ian Cruz.
10:38Unang araw pa lang ng taon
10:40pero na perwisyo na agad ng baha
10:42ang ilang bahagi ng Metro Manila
10:43kasunod ng malakas na pagulan kagabi.
10:46Sa Valenzuela City,
10:47marami ang stranded
10:48nang nagmistulang ilog ang kalsada
10:51pasado alas 7 kagabi.
10:53Sa isang gasolinahan naman sa karuhatan,
10:55animoy naging swimming pool.
10:58Sa ibang lugar,
10:59umabot pa na hanggang dibdib ang baha.
11:01Sa Navotas,
11:06bumaha rin sa ilang kalye
11:07kasabay ng buhus ng ulan.
11:11May mga binaharing kalsada
11:13sa Quezon City
11:14tulad sa Commonwealth
11:16na halos wala nang maaninag
11:18ang mga motorista
11:19dahil sa lakas ng ulan.
11:21Nakaranas din ang masamang panahon
11:23sa iba pang bahagi ng lungsod.
11:25Kanina umaga,
11:26kulay putik na baha naman
11:28ang naranasan
11:28sa mga bayan ng Victoria
11:30at Nauhan
11:31sa Oriental Mindoro
11:32kasunod ng pag-ulan.
11:34Ayon sa pag-asa,
11:35shear line
11:36o ang pagsasalubong
11:37ng mainit
11:38at malamig na hangin
11:39ang nagpaulan
11:40sa Metro Manila
11:41at iba pang bahagi
11:42ng Luzon
11:43at Visayas.
11:45Rumagasari ng baha
11:46sa ilang pangunahing kalsada
11:47sa bayan ng
11:48Valle Hermoso
11:49sa Negros Oriental
11:50kasunod ng ulan.
11:52May mga motorsiklong tumirik
11:54dahil sa hanggang binti
11:55na lalim ng tubig.
11:57Easterlis naman
11:58at localized thunderstorms
11:59ang umiiral
12:00sa Negros Island Region
12:02ayon sa pag-asa.
12:04Bukod sa baha,
12:06may buhawi ring
12:09namataan
12:10sa barangay Ulay
12:11sa Valle Hermoso
12:12Negros Oriental.
12:14Kinumpirma yan
12:15ang pag-asa.
12:16Paliwanag nito
12:16na bubuo ang buhawi
12:18kapag may thunderstorm
12:19pero di rin ito
12:20nagtatagal.
12:24Sa Tagaytay, Cavite,
12:26halos zero visibility
12:27naman ang mga kalsada
12:28sa kapal ng fog
12:29sa barangay
12:30Dapdap West
12:31kaninang umaga.
12:32Maraming sakyan
12:33ang nagbukas na
12:34ng hazard
12:35at fog lights
12:36para iwas
12:37aksidente.
12:38Nagpaalala rin
12:39ng mautoridad
12:40sa mga motorista
12:41na magingat
12:42sa pagumaneho
12:43dahil sa madulas
12:44ang kalsada,
12:45bunsod ng ambon
12:46at moisture
12:47na mula sa hamog.
12:49Ayon sa mga residente,
12:50karaniwa nilang
12:51nararanasan
12:52ang makapal na fog
12:53tuwing unang bahagi
12:54ng taon
12:55dahil sa amihan.
12:57Para sa GMA
12:58Integrated News,
12:59Ian Cruz
12:59nakatutok,
13:0024 oras.
13:01Arrestado sa Bulacan
13:05ang isang Nepalis
13:06na wanted
13:06sa Interpol
13:07at itinuturong
13:09kasama
13:09sa mga nag-organize
13:10ng Gen Z protest
13:12sa kanilang bansa.
13:13Nakatutok si John
13:14Consulta,
13:15exclusive.
13:20Tuluyang na corner
13:21ng PNP
13:22at BI
13:22appreciative
13:22search unit
13:23sa Malolos,
13:24Bulacan,
13:25ang 30-anyos
13:25na Nepalis
13:26national
13:26na wanted
13:27ng Interpol.
13:28Ayon sa Bureau
13:29of Immigration,
13:30priority target
13:31ang naturang Pugante
13:32na itinuturing
13:33na leader
13:34ng isang extremist
13:35group sa kanilang bansa.
13:36Itong Nepalis
13:37na ito na fugitive
13:38ay matagal na nating
13:40tinitiktikan nga
13:40umpisa nung
13:41dumating siya dito
13:42nung August
13:43kasi kasama siya
13:44sa nag-organize
13:45nung mga kaguluhan
13:47sa Nepal
13:47nung tinatawag nga
13:49na Gen Z
13:50protest.
13:52So after nga nun,
13:53dito na siya
13:53lumipad sa atin
13:54at nagtago.
13:56Di raw madali
13:58ang pag-track
13:58sa Pugante
13:59na kahit narito
14:00na sa ating bansa
14:00ay tuloy pa rin
14:01sa pagkaplano
14:02para maghasik
14:03ng kaguluhan
14:03sa kanilang bansa
14:05base sa mga email
14:06na nakuha sa kanya.
14:07Napaka-elusive niya
14:08although madala siyang
14:09mag-post sa social media niya
14:11kasi nga dahil ito
14:12dun sa mga online
14:14propaganda niya.
14:14Based sa
14:15Interpol
14:16diffusion
14:16na natanggap natin,
14:18sinasabing
14:19isa sa mga leader
14:20na itong
14:21extremist group
14:21sa Nepal
14:22kung saan
14:23siya ay
14:24nagihimok
14:26at ng mga
14:26kabataan
14:29sa Nepal
14:29upang
14:30gumawa
14:31ng kaguluhan
14:31at sinasabi din
14:33na may plano
14:34silang patayin
14:35ang mga
14:36opisyal na Nepal
14:37at nalaman
14:38itong email
14:39na ito
14:39ay nanggaling
14:40sa kanya.
14:41Gumugulong na
14:41ang deportation
14:42ng dayo
14:43ang suspect
14:43na nakakulong
14:44sa BIA detention
14:44facility sa Bikutan.
14:46Naalamin din natin
14:47kung may mga
14:47local criminal
14:48case sila
14:49na kinasasangputan
14:50dito
14:50at kung
14:51maklear natin
14:52na wala naman
14:53agad natin
14:53silang ipapadeport
14:55babalik ng Nepal.
14:56Para sa GMA
14:57Integrated News
14:57John Consulta
14:59nakatutok
15:0024 aras.
15:01Mga kapuso
15:02presyo ng bilihin pa rin
15:03ang nangunguna
15:04sa mga problemang
15:05gusto ng mga Pilipino
15:06na matugunan ng gobyerno
15:08ayon po sa isang survey
15:09kasunod naman niya
15:10ng katiwalian
15:11na iniugnay
15:12ng mga Pilipino
15:12sa kahirapan.
15:14Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
15:18Mas mababang presyo
15:20ng bilihin
15:20pagsugpo
15:21sa katiwalian
15:22at paglikha
15:23ng mas maraming
15:24trabaho.
15:25Ito ang pangunahing
15:26hangat ng mga Pilipino
15:27na tugunan
15:28ng gobyerno
15:29para sa kanilang
15:30komunidad.
15:31Base sa survey
15:32ng Pulse Asia
15:33na kinomisyon
15:34ng think tank
15:35na Stratbase.
15:37May 1,200
15:38respondents
15:39ang survey
15:39na ginawang
15:40mula
15:40December 12
15:41hanggang
15:4215,
15:432025.
15:44Panahong
15:45mainit
15:45ang usapin
15:46sa mga
15:46maanumalyang
15:47flood control
15:47projects.
15:4838%
15:49ng respondents
15:50naniniwalang
15:51ang pagpapababa
15:52ng presyo
15:53nambilihin
15:54ang pinaka-urgent
15:55na dapat gawin
15:56ng gobyerno.
15:5731%
15:58ng respondents
15:59ang nagsabing
16:00dapat
16:00sugpuin
16:01ang katiwalian
16:02para mapaganda pa
16:03ang serbisyo
16:04ng gobyerno.
16:0521%
16:06ang nagsabing
16:07dapat
16:07lumikha
16:08ng mas maraming
16:09trabaho
16:09at pagkakakitaan.
16:11At 10%
16:12ang nagsabing
16:13dapat
16:13maging
16:14accessible
16:14ang edukasyon
16:15at health care.
16:17Meron ding
16:17plus-minus
16:182.8%
16:19error margin
16:20at 95%
16:21confidence level
16:23ang survey.
16:24Ayon sa
16:24Stratbase
16:25pinapakita ng survey
16:26na iniuugnay
16:27ng mga Pilipino
16:28ang epekto
16:29ng katiwalian
16:30sa kanilang
16:31mahirap
16:31na kalagayan.
16:32Sa kamila
16:33nagkukulang
16:33ang serbisyo
16:35ng pamahalaan.
16:36Hirap sila
16:36sa buhay,
16:37gutong,
16:38walang trabaho,
16:39kulang ang livelihood
16:40tapos meron
16:41pang
16:42pagnanakaw
16:43na nangyayari
16:44sa kaba ng bayan.
16:46Makikita rin
16:47daw sa survey
16:48na umaasa
16:48ang mga Pilipino
16:49sa gagawing
16:50hakbang ng gobyerno
16:51sa pagpapanagot
16:52sa mga sangkot
16:53sa katiwalian
16:54habang tinutugunan
16:55din ang kanila
16:56mga economic
16:57concern.
16:58On top of their
16:59concern
16:59is really
17:01affordability
17:01at side by side
17:02with that
17:03is reality
17:03na kailangan
17:04harapin ang
17:05pagnanakaw
17:06may panagutin
17:07kundi
17:08hindi mas
17:09re-resolve
17:10ba rin
17:10ang hirap
17:10ng kabuhayan
17:11ng tao
17:12because they feel
17:13the economy
17:14is driven
17:14by government
17:15sa actions
17:17and activities.
17:18Ayon sa Strathbase
17:19regular silang
17:20nagpapagawa
17:21ng survey
17:22na ganito
17:22na maaring
17:23maggamit
17:24ng gobyerno
17:25bilang gabay
17:26ngayong 2026.
17:27Kinukuha pa namin
17:44ang reaksyon
17:45ng Malacanak
17:45kaugnay dito
17:46pero wala pa silang
17:47tugon
17:48sa ngayon.
17:49Para sa
17:49GMA Integrated News
17:51Sandra Aguinaldo
17:52Nakatutok
17:5324 Oras
17:54From food trip
17:56to shopping
17:57and beyond
17:58pwedeng ma-enjoy
17:59sa Los Angeles
17:59California
18:00sa loob lang
18:01ng 24 oras
18:03At para sa mga
18:04Pinoy na
18:05nasesepanks agad
18:06sa masasarap
18:07nating pagkain
18:08worry no more
18:09dahil may nag-o-offer
18:11doon
18:11karinderia style
18:12Makipasyal tayo
18:14sa pagtutok
18:14ni Lin Ching
18:15Nasa Amerika na tayo
18:19nakalapag na rin
18:20So ang tanong
18:20ano kayong mga
18:21pwede natin gawin
18:21sa loob ng isang hapon
18:22sa Los Angeles
18:23California
18:23Let's find out
18:25Isang hapon
18:28give or take
18:297 to 8 hours lang
18:31kaya kailangang
18:32sagarin
18:32Ang ino na ko
18:33siyempre
18:34pagkaing
18:34Pinoy pa rin
18:35Uy
18:38ang alaay mo yun
18:39Alam ba
18:40kung ano to
18:40scramble
18:42scramble
18:42nasa LA
18:43but why not
18:44dahil nandito ako
18:45ngayon sa dollar hits
18:46it's Filipino street food
18:48ang kanilang
18:49mga binibenta rito
18:50Isaw
18:51may Betamax
18:52may Kwek Kwek pa sila
18:53ang mga Filipino community
18:54dito pumupunta
18:55meron nga sa rito
18:56mga karaw
18:57okay at night
18:58nabimis daw nila yun
18:59sa atin
18:59medyo may naluluwa
19:00bakit ka naluluwa ate
19:01parang nasa Pilipinas ako
19:03after 30 years
19:05nakakain ng balot
19:06after 17 years
19:08nakakain daw
19:08ng isaw
19:09kaya yun
19:10ang nakaka
19:10tax box
19:11syempre
19:14pagbusog ka na
19:15sa pagkain
19:15mawala ba
19:16naman
19:17ang shopping
19:17from 30 to 70%
19:22off
19:22ang presyo
19:23ng mga gamit
19:23dito
19:24plus
19:24special deals
19:25mula
19:26sapatos
19:26damit
19:27hanggang
19:27homeware
19:28but
19:28be aware
19:29sa mataas
19:30na 9.5%
19:32California
19:33sales tax
19:34pagkagat ang
19:36dilim
19:36sinadya ko
19:37ang isang
19:38trending museum
19:39dito
19:39wow
19:40ito pala yun
19:41ito yung lahat
19:42nakikita natin
19:43sa social media
19:44and ito tayo kasi
19:46sa Los Angeles
19:48County
19:49Museum of Art
19:50so ito
19:51ang tinatawag nilang
19:52urban lights
19:53kung may extra day
19:55naman at mahilig
19:56sa science
19:56try the
19:57Griffith Observatory
19:59pwede rin
20:00sa Santa Monica Pier
20:01na pinaghalong
20:02amusement park
20:03shops
20:04at restaurants
20:05sa beach
20:05sa mga Gen X
20:09na tulad ko
20:09isama sa listahan
20:11ang Beverly Hills
20:12sign
20:12sa Gardens
20:13Park
20:13nito
20:13pati na
20:15ang giant
20:16handpiece
20:16and love
20:17sculpture
20:18ni Ringo
20:18Star
20:19ng The
20:20Beatles
20:20and finally
20:22another extra
20:23hour
20:23for The
20:24Grove
20:24kung saan
20:25pwedeng maglakad
20:26along the
20:26promenad
20:27mag-relax
20:28manood ng
20:29sine
20:29at magbabad
20:30sa bookstore
20:31tulad ko
20:32at pagpagod na
20:34kumain muna
20:35sa The
20:36Original
20:36Farmers Market
20:37a historic
20:38LA landmark
20:39that opened
20:40in 1934
20:41na ngayon
20:42ay merong
20:43over 100
20:44stores
20:44and stalls
20:45Mula sa
20:47Los Angeles
20:47sa Amerika
20:48ako si
20:48Linching
20:49nakatutok
20:4924 oras
20:50Pinalikas na
20:53ang ilang nakatira
20:53sa lab ng
20:54permanent
20:54danger zone
20:55ng bulkang
20:55Mayon
20:56sa Albay
20:56kasunod yan
20:58ang pagtaas
20:58ng fee box
20:59ng alert level
21:002
21:00sa Mayon
21:00volcano
21:01kahapon
21:01dahil
21:02sa dumarami
21:03umanong
21:03insidente
21:03ng rockfall
21:04o yung
21:05pagkahulog
21:05ng mga
21:05bato
21:06mula
21:06po sa
21:07bulkan
21:07kabilang
21:08sa mga
21:08lumikas
21:08ang apat
21:09na pamilyang
21:09nakatira
21:10sa permanent
21:11danger zone
21:12o yung
21:12nasa loob
21:13ng 6
21:13kilometrong
21:14palibot
21:15ng
21:15bulkan
21:15Nag-ikot
21:16na rin
21:16ang mga
21:17otoridad
21:17para
21:17masigurong
21:18walang
21:19lumalabag
21:19sa mga
21:19aktibidad
21:20na pansamantala
21:21munang
21:22ipinagbawal
21:23ng lokal
21:23na pamakalaan
21:24Babala
21:25naman
21:25ang fee box
21:25nananatili
21:26ang banta
21:27ng bigla
21:27ang pagputok
21:28o yung
21:28phreatic
21:29eruption
21:29rockfall
21:30at lahar
21:31flow
21:32Hinimok
21:35ng US
21:35Department
21:36of State
21:36ang China
21:37na itigil
21:38na ang
21:39anilay
21:39military
21:40pressure
21:41laban
21:41sa Taiwan
21:42Kasunod yan
21:43nang isinagawang
21:44military
21:45drills
21:45ng China
21:46sa paligid
21:47ng Taiwan
21:47kung saan
21:48pumaligid
21:49ang Chinese
21:50warships
21:51at aircraft
21:52at sinundan
21:53pa
21:53ng pagpapalipad
21:55ng rockets
21:55ng China
21:56Ayos
21:57sa nakapagsalita
21:58ng US
21:59Department
21:59of State
22:00ang naturang
22:01aktibidad
22:01ay posibleng
22:02nakapagpataas
22:03pa ng tensyon
22:04sa rehyon
22:05Suportado
22:06niya
22:06ng Amerika
22:07ang kapayapaan
22:08at katatagaan
22:10sa Taiwan
22:10Strait
22:11at tutul sila
22:12sa unilateral
22:14na pagbabago
22:15sa status quo
22:16na ginamitan
22:17ng puwersa
22:17at pamimilit
22:19Depensa
22:19naman
22:20ng Chinese
22:20Embassy
22:21na sa teritoryo
22:22ng China
22:23ang Taiwan
22:24wala rin daw
22:25dapat ibang
22:26makialam
22:26sa issue
22:27dahil ito
22:28ay pasok
22:29sa internal
22:30affairs
22:30ng China
22:32It's a special day
22:37para sa Fokerson
22:38family
22:39na ipinagdiriwang
22:40ang birthday
22:40ni Alden Richards
22:42Sa IG post
22:43ng ama ni Alden
22:44makikitang
22:45nagsama-sama
22:46ang buong pamilya
22:47para magdasal
22:47sa birthday
22:48dinner ni Alden
22:49kasama sa healing
22:50nila
22:51ay patuloy
22:52pang i-bless
22:52ang birthday boy
22:53May pa-birthday
22:54sparklers pa silang
22:55handog
22:56kay Alden
22:57Nagpunta sa Amerika
22:58si Alden
22:59with his family
22:59pagkatapos
23:00ng kanyang
23:01successful
23:01na ultimate
23:02fan meet
23:02na pagdiriwang
23:03din ang kanyang
23:0415 years
23:05sa showbiz
23:06Balik Telebisyon
23:07this year
23:08si Alden
23:09na bibida
23:10sa GMA Prime
23:11show
23:11na Code Grey
23:12And that's my chica
23:17this Friday night
23:18ako po si Ia
23:18Adeliano
23:19Miss Mel
23:20Miss Vicky
23:20Emil
23:21Thanks Ia
23:22Salamat sa iyo
23:24Ia
23:25Thanks Ia
23:26O tapos na naman tayo
23:28Ang bilis ng pacing
23:29Ang bilis
23:30Ang bilis
23:30Ang bilis
23:31Ang bilis ng taon
23:322026 na
23:33Patapos na rin niya
23:35ang holiday season
23:36at kabi-kabi lang
23:38kainan
23:39Yung iba ma'am
23:40May mga
23:40iinitim pang
23:42tirang handa
23:43Ayun ang sarap
23:44Paxionalit yun yan
23:45Pero yung iba
23:47hat na hat
23:48ng magbawas
23:49ng naipong
23:49calories
23:51Guilty
23:52Pero hindi lang
23:53exercise
23:54ang solution
23:55raw dyan
23:55As if naman
23:57authority
23:58di ba
23:58Autority talaga
24:00Ay ako hindi
24:00Ang laki
24:0110 pounds
24:02ata ang ginain ko
24:03Ang iba pang steps
24:04para ma-achieve
24:05ang fitness goals
24:06alamin sa pagtutok
24:08ni Jonathan Andas
24:09Ikalawang araw pa lang
24:14ng bagong taon
24:1510 km na agad
24:16ang itinakbo
24:17ni Job
24:18sa UP Diliman
24:19Bukod sa gustong
24:20mabawi
24:20ang dami ng kain
24:21nung medya noche
24:22New Year's resolution
24:23din daw niya
24:24ang mas maging active
24:25at kumain ng healthy
24:26ngayong 2026
24:28Nagpa-checkup
24:29kasi ako
24:30tapos may
24:30fatty liver ako
24:32Sa work ko
24:33kasi DJ ako
24:34so
24:34laging umiinom
24:35laging puyat
24:36so
24:37kailangan mabalance
24:38para umaba
24:39yung buhay
24:39Baka
24:41katokin ni Lord
24:42eh
24:42Kaya pa?
24:46Tinakbo namin ni Job
24:47ang isang ikot
24:48ng UP Academic Oval
24:49na lagpas
24:50dalawang kilometro
24:51Marami kaming kasabay kanina
24:56gaya ng mag-bestfriend
24:57na si Nakora at Elizabeth
24:58nakapwa senior citizens na
25:01pero
25:01nagagawa pa raw
25:02mag 10,000 steps
25:04kada araw
25:04Less maintenance na kami
25:06mula na mag-walking kami
25:07Nawala lahat
25:09betis niya
25:10Really?
25:11Yeah
25:11Sumba-sumba pa nga kami
25:13after
25:14Sa Quezon Memorial Circle
25:16gamit na gamit
25:17ngayong araw
25:17ang mga outdoor
25:18exercise equipment
25:19Dito nag-workout
25:20si Lea
25:20at ang boyfriend niya
25:21na iniwan na raw
25:22sa 2025
25:23ang sedentary lifestyle
25:25at madalas na pagkain
25:26ng fast food
25:27Ang goal ay
25:28Maging fit
25:30Sa gym na ito naman
25:39sa Capitolio Pasig
25:40dumami ang mga
25:41nag-i-inquire
25:41na mag-enroll
25:42lalo na nung
25:43besperas pa lang
25:44ng bagong taon
25:45Dumadami at dumadami
25:46yung mga tao na yan
25:46and bumabata
25:47and bumabata
25:48and tumatanda
25:48globally
25:49nakikita din nila
25:50online
25:50na madami
25:51nang into fitness
25:52and I think
25:53yung older
25:53generation
25:54they just want
25:56to live better
25:57for their children
25:58Payo ni fitness coach
26:00Eric Alfred Gonzales
26:01na isa ring
26:02bodybuilding champion
26:03bukod sa kardyo
26:04samahan din
26:05ang ehersisyo
26:06ng pagbubuhat
26:07ng weights
26:07As you get older
26:09as you get older
26:09like when you became
26:1030 years old
26:11yung muscles
26:12kahit ayaw
26:13natin
26:13nawawala na talaga
26:14pag hindi natin
26:15ginagamit
26:15so one way to preserve it
26:16is you do strength training
26:18pero bukod
26:19sa pag-exercise
26:20kailangan samahan din
26:21daw ng tamang pagkain
26:23at nutrisyon
26:23Tama na rin daw
26:25ang maling paniniwala
26:26na pag hindi kumain
26:27ng kanin
26:28sigurado
26:29nang mababawasan
26:30ang timbang
26:31If you skip your rice
26:32there's still a chance
26:34na hindi ka pa rin papayat
26:35kasi iba namang
26:36food na kinakain
26:38man excess
26:38For me
26:39it's just
26:40calories in
26:42versus calories out
26:43Sa Quezon City
26:45may ordinansa
26:46ng nag-oobliga
26:46sa mga kainan
26:47na may lima
26:48o higit pang branches
26:49na ilagay sa menu
26:50ang calorie count
26:51ng kanilang mga pagkain
26:53Halimbawa
26:54sa menu
26:55ng kainan na ito
26:56ang isang serving nila
26:57ng Caesar salad
26:58na may bacon
26:58beets at dressing
26:59lagpas 500 calories na
27:02Sa likod naman
27:03ng mga food packaging
27:04makikita ang calories
27:05sa nutrition facts
27:06pero paano ba
27:07malalaman
27:08kung ilang calories
27:09ang pwede mong kainin
27:10Sabi ni Coach Loren
27:12isa sa paraan
27:13na yung paggamit
27:14ng online TDEE calculator
27:16o total daily energy expenditure
27:18Halimbawa ako
27:19I'm 32 years old
27:21Ang height ko
27:23is 171 centimeters
27:25Ang weight ay
27:2667 kilograms
27:28Activity level
27:29I guess
27:2945 times a week
27:31So let's calculate
27:32Lalabas ay
27:342,320 calories
27:37ang maintenance calories
27:38Kung gusto kong pumayat
27:40Kung gusto mo pumayat
27:41kailangan mong
27:42magbawas
27:43from yung 2,300
27:44So
27:45You can start out
27:47with 150 to 200
27:48tapos keep it there
27:50until your weight
27:51stops going down
27:52You have to remember
27:53kasi with mga calorie
27:54calculators like this
27:56guide lang siya
27:57and estimate
27:57so hindi siya
27:58always exact
27:59Kung nalilito pa
28:00sa pagbibilang
28:01ng calories
28:02portion control
28:03ang payo nila Coach
28:04kung kaya
28:0580% nutritious
28:06at whole foods
28:0720% treats
28:08o yung mga
28:09less healthy
28:10para mas sustainable
28:11ang diet
28:12Ang importante lang naman
28:13sabi ni Coach
28:14gawin mo yung exercise
28:15na pinaka nag-ia-enjoy ka
28:17pwedeng running
28:17walking
28:18o heto na dito
28:19lifting ng weights
28:20para mas mataas yung chance
28:21na maging consistent ka
28:22sa fitness journey mo
28:23ngayon 2026
28:24Para si GMA Integrated News
28:26ako po si Jonathan Andal
28:27Nakatutok 24 Oras

Recommended