00:00May kanya-kanyang hiling at debosyo na mga dumalo sa First Sunday Ma sa Quiapo Church
00:04bago ang Pista ng Pong Nazareno.
00:06Si Denise Osorio sa Report.
00:11Sa unang linggo ng 2026,
00:13muling didagsa ng mga deboto ang Basilica Menor at Pambansang Dambana ni Jesus Nazareno
00:18o mas kilala bilang Quiapo Church.
00:21Karamihan, nagdarasal para sa bagong taon
00:23ng maayos na kalusugan at kabutihan ng pamilya.
00:27Ang iba naman, kahilingan na umunlad ang negosyo at gumanda ang estado ng buhay.
00:32Buong araw nakapansin-pansin ang kaayusan at organisadong entrance at exit routes
00:37para sa mga debotong nais makapasok sa loob ng simbahan.
00:41Ayon kay Plaza Miranda PCP Commander Captain Dennis Turla,
00:45inagahan nila ngayong taon ang pagbabarikada para malaman na ng ating mga kababayan
00:50kung paano ang magiging sitwasyon sa biyernes.
00:53Bawal na rin ang mga vendors sa loob ng Plaza Miranda
00:55at zero vendor policy na rin sa labas ng simbahan along Quezon Boulevard.
01:01At dahil inaasahang 170,000 ulit ang dadalong debotong,
01:05sinisiguro nila ang seguridad at kaligtasan ng lahat.
01:08Tama po, alam po natin na, in-anticipate na po natin na dudumugin itong simbahan ng Queapo ngayong first Sunday of the year.
01:18So kaya po more or less nasa 300 personnel po ng kapulisan ang dineploy po natin sa bawat sulok ng ating Queapo
01:26para maiwasan natin yung mga krimen katulad ng pandurukot, snatching, at iba pa pong mga hindi ka nice-nice para sa mga deboto po.
01:36Para sa mga hahabol pa sa mga misang, pinapayuan ang mga papasok na sundin ang itinakdang daloy ng mga tao
01:43mula Plaza Lacson patungong Carlos Palanca Street, papasok ng Villa Lobo Street hanggang Plaza Miranda at Quiapo Church.
01:51Samantala, para sa mga galing sa east at north parts ng Metro Manila,
01:55maaaring dumaan mula sa Rizal Avenue patungong Carriedo Street,
01:59subalit hanggang Plaza San Juan Bautista lamang ang pinapapasok sa mga deboto.
02:03Para naman sa mga mula Espanya Boulevard, maaaring dumaan sa Quezon Boulevard patungong Quinta Market,
02:09papasok ng Villa Lobo Street hanggang labas ng Plaza Miranda o mismong simbahan.
02:15Pagkatapos ng Misa, ang exit routes ay patungo sa mga karyeng Evangelista, Palma, Plateria, Padre Gomez,
02:23Sales Street at Estero Segado. Lahat ay patungo Recto Avenue at Rizal Avenue.
02:29Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.