Nababahala ang Department of Foreign Affairs sa posibleng epekto ng pag-atake ng Amerika sa Venezuela nitong weekend at pagdakip kay Venezuelan President Nicolas Maduro at kaniyang asawa.


Drug trafficking ang ikinatwiran ng Amerika. Sabi ng isang political scientist, langis talaga ang interest nito.


Sabi pa ng isang eksperto, dapat sumusunod ang Amerika sa mga patakaran.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nababahala ang Department of Foreign Affairs sa posibleng epekto ng pag-atake ng Amerika sa Venezuela
00:07nitong weekend at pagdakip kay Venezuelan President Nicolás Maduro at kanyang asawa.
00:14Drug trafficking ang ikinatwira ng Amerika.
00:18Ang sabi ng isang political scientist, langis talaga ang interest nito.
00:23Ang sabi pa ng isang eksperto, dapat sumusunod ang Amerika sa mga patakaran.
00:30Nakatutok si Maki Pulido.
00:37Madugo ang naging pagsalakay ng Amerika sa bansang Venezuela.
00:42Ang airstrike, ginawa para sapilitang makuha ang presidente ng Venezuela na si Nicolás Maduro at kanyang asawa para daw mapaharap sa justisya.
00:52Nailipad na si Maduro sa New York City kung saan siya idedetine at lilitisin para sa kasong narco-terrorism.
00:58Inakusahan siya ng paggamit sa kanyang pwesto para sa drug trafficking at makapagpasok ng droga sa Amerika.
01:05For many years after his term as president of Venezuela, expired Maduro remained in power and waged a ceaseless campaign of violence, terror, and subversion against the United States of America, threatening not only our people but the stability of the entire region.
01:25Dati nang nanindigan si Maduro na wala siyang kaugnayan sa anumang krimen.
01:30Sa pagkakadakip kay Maduro, sinabi ni U.S. President Donald Trump na ang Amerika na ang mamamahala sa Venezuela, isa sa bansang may pinakamalaking oil reserve sa mundo.
01:41We're going to be rebuilding and we're not spending money. The oil companies are going to go in, they're going to spend money.
01:48We're going to take back the oil that frankly we should have taken back a long time ago.
01:53A lot of money is coming out of the ground. We're going to get reimbursed for all of that.
01:57Tingin ni UP Professor Herman Joseph Kraft, langis ang tunay na interes ng Amerika sa Venezuela.
02:02It's really the oil industry in the United States that's interested in controlling that.
02:09Gusto nilang i-maintain yung kanilang oil reserves as a strategic reserve.
02:14Nababahala naman ang Department of Foreign Affairs ng Pilipinas.
02:18Naiintindihan man daw ng DFA ang security issues ng Amerika, binibigyang DE ng Pilipinas ang kahalagahan ng international law,
02:26pagbabawal sa paggamit ng dahas at pakikialam sa domestic affairs ng ibang estado.
02:31Ayon naman kay FEU Professor Francis Esteban, inaasahang bilang isang superpower,
02:37dapat itong nagpapatupad ng rules-based international order
02:41at posibleng may epekto ang ginawa ng Amerika sa laban ng Pilipinas kontra sa pangaagaw ng China sa West Philippine Sea.
02:48We've been using international law as a weapon and as our leverage in our claims in the South China Sea
02:57against our territorial dispute. Disruption in the rules-based international order,
03:02this kind of violation of international law, somehow also diminishes the legitimacy of it in a way.
03:09Sa ngayon, wala pang nakikitang epekto ang Department of Economy Planning and Development sa ating ekonomiya,
03:14maliba na lang daw kung may ibang bansang tumulad sa aksyon ng Amerika.
03:18There is hardly nothing. I don't think that there's any going to be perceptible effects on us
03:26unless that we'll have some duplications elsewhere and bolden some other governments to do similar things.
03:33Pinayuhan na ng Philippine Embassy ang mga Pilipino sa Venezuela na mag-ingat at iwasang lumabas ng bahay.
03:40Para sa GMA Integrated News, Maki Pulido na Katutok, 24 Horas.
03:48Maki Pulido na Katutok, 24 Horas.

Recommended