00:00Walang bagyo pero nakaranas ng mga pagulan at pagbaha ang ilang probinsya.
00:05May hanging bridge pang sinira ng rumaragasang ilog at excavator na halos tangayin ng Agos.
00:12Nakatutok si Tina Panginiban Perez.
00:18Hinambalos ng rumaragasang tubig sa ilog ang hanging bridge na yan sa Tiboli sa South Cotabato.
00:25Sa lakas ng ragasa, tuluyang nasira ang tulay.
00:31Nabunot at tinangay rin ang malakas na Agos ng tubig maging ang ilang puno.
00:38Sa bayan naman ang makilala sa North Cotabato, makapigil hining ang tinangay ng malakas na Agos ng ilog ang excavator na ito.
00:47Nasa loob niya ng helper nang sumabay sa ragasa ang naturang excavator.
00:51Unti-unti rin naman itong nakontrol at naiahon mula sa ilog.
00:58Makapigil hininga rin ang tagpong ito sa Esperanza Sultan Kudarat kung saan buwis buhay na tinawid ng ilang guro ang rumaragasang ilog para makapagturo sa unang araw ng klase.
01:11Kwento ng uploader ng video.
01:13Matagumpay naman silang nakarating sa paaralan sa tulong ng mga residenteng umalalay sa kanila.
01:19Malakas na buhos ng ulan din ang nanalasa sa Tagum City sa Davao del Norte.
01:27Agad di ang nagpabaha sa ilang kalsada sa lugar.
01:31Pahirapan tuloy ang pagdaan ng mga motorista kung saan ilang motorsiklo at sasakyan ang tumirik.
01:37Ayon sa pag-asa, ang mga pagulang yan ay dulot ng Easter Lease.
01:43Dahil naman sa mga pagulang dulot ng shear line, nakaranas din ang malawakang pagbaha sa bayan ng Palok sa Leyte kahapon.
01:52Sa drone video na ito, nagmistulang ilog ang lugar na halos magpalubog sa mga bahay.
01:58Pahirapan din sa pagtawid sa abot-bewang na baha ang mga residente.
02:04Apektado rin ang pagbaha ang mga bayan ng Viga at Baras sa Catanduanes, bunsod ng malalakas na ulang dulot ng shear line.
02:12Pinalubog niyan ang mga bahay at puno ng nyog na ito sa Barangay Asuncion.
02:20Apektado rin ang mga pagulan at pagbaha ang Barangay San Roque na nagmistulang ilog ang mga kalsada,
02:27pati na ang Barangay San Isidro at San Jose.
02:31Nagdulot din niya ng makapal na putik sa ilang kalsada.
02:36Pero wisyo rin ang idinulot ng mga pagulan at pagbaha sa mga taga-Gowa, Camarinesur.
02:41Kinailang ang alalayan ng ilang residente para makatawid sa umapaw na spillway.
02:48Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatuto, 24 Horas.