Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mas mabagat po kumpara noong nakaraang taon ang pag-usat ng andas ng poong Jesus Nazareno.
00:08Ayon po yan sa pamunuan ng Chiapo Church.
00:11At kung hindi rin magbabago ang bilis ng traslasyon,
00:14e posibleng pong lumapas sa 21 oras ang prosesyon ngayong taon.
00:19Saksi si Jumer Apresto.
00:21Kumpulan at naguunahan sa pagsamba sa andas ng poong Jesus Nazareno
00:30ang dagat ng mga deboto sa bahagi ng Quezon Boulevard kaninang hapon.
00:34Lahat sila hangad na masilayan at malapitan ng buon.
00:40Pero sa gitna ng traslasyon, may kitang isang ihos na hinihila ang kanyang kapwa-ihos palabas ng andas.
00:47Sa di kalayuan, tanaw rin ang isang stretcher.
00:49Ang ihos na pilit isinasakay sa stretcher na walan pala ng malay
00:53habang nasa loob ng andas kung saan siya nakatalaga.
01:00Nahimatay rin ang isang deboto na agad nirespondihan ng mga otoridad.
01:04Dinala siya sa pinakamalapit na medical tent sa bahagi ng Quezon Boulevard para mabigyan ng first aid.
01:09Pagdaan ang andas sa Quezon Boulevard at paglikos sa Arlegui,
01:12sunod-sunod ang mga isinubod na pasyente.
01:19Ang traslasyon ngayong taon, nagsimula alas 4 ng madaling araw kanina sa Quirino Grandstand.
01:28Ito ang pinakamaagang pagsisimula ng traslasyon na naitala sa loob ng mahigit dalawang dekada.
01:33Pansamantala namang naging maayos ang daloy ng andas, pero maya-maya lang.
01:37Pahirapan na ang pagkontrol ng mga tauhan ng Coast Guard sa mga deboto na nais makiisa sa prosesyon.
01:47Nagtakbuhan na rin ang iba pang deboto palapit ng andas.
01:50Paglikon ng andas sa kating back drive.
01:55Nakaabang ang libu-libong otoridad na nagmistulang human chain o kadena
01:59na nagsilbing harang para walang makabara sa daraanan ng andas.
02:02Nang makatawin na ng Ross Boulevard,
02:09sinalubong na mga naghihintay na deboto ang andas.
02:12Ang iba, pilit na sumasampa para makahawak sa poon.
02:15At sa lakas ng pwersa,
02:20ilang beses na paatras at nabangketang andas.
02:23Si Lucky na isang debotong fish vendor na ipit at nasugatan sa pa at nawalay pa sa mga kasama.
02:32Bago naman makarating ng Padre Burgos ang andas,
02:43nagkatensyo ng ilang deboto.
02:47Nagpumilit kasi ang ilang kabataan na makalapit sa andas
02:49kaya sila hinarangan ng mga ihos.
02:51Nang nasa Padre Burgos ng andas,
02:53doon na sumalubong ang mga deboto para makalapit dito.
02:56At kahit may panganib na mapuluputan,
02:58nagunahan pa rin ang mga deboto para mahawakan ng lubid at makasampa sa andas.
03:03Pagdating sa may finance road,
03:04dumagsa ang mas maraming debotong sabik makalapit sa buon.
03:07Ang mga sumasampa sa Cruz,
03:09tila ayaw na rin bumitaw.
03:11Masaya, masaya, masaya.
03:13Asa ka?
03:15Ang mga gabay,
03:18kakasasalamat sa lahat ng mga nangyayari.
03:21Pero sa gitna ng traslasyon,
03:27may ilan na nakaisip ang gumawa ng masama
03:29at dinukutan ng ilang deboto ang naghihintay.
03:31Nasa busi lang yung phone ko,
03:33pero alam ko.
03:33Tapos bigla niyang dinukot, nakita ko.
03:35Tapos nung binanong ko niya,
03:36sabi ko,
03:37cellphone ko,
03:37bitawan mo.
03:38Binitawan niya sa lapag.
03:40Tapos bigla lang sila kumalis.
03:41Pati ang team ng GMA Integrated News,
03:43muntik nang mabiktima ng mga mandurukot.
03:45May maawak sa punsa ko.
03:46Pagawak sa kamay,
03:47awak na yung dalawang cellphone ko eh.
03:49Buti na bitawan.
03:51Pasado alas 11 ng umaga
03:53na makarating ang anda sa Ayala Bridge
03:54mapuntang Carlos Palanca Street.
03:57Kita sa drone shot ng Manila PIO
03:59kung gaano kadami ang mga deboto
04:01ang nakikisa at sumasama sa traslasyon.
04:06Bago magsimula ang traslasyon,
04:08sabay-sabay nananalangin
04:09ang libu-libong deboto ng Pong Jesus Nazareno
04:11sa Misa Mayo sa Quirino Grandstad.
04:14Pinangunahan ni Bishop Profino Sescon Jr.
04:16ng dioces ng Balanga ang Misa.
04:19Sa kanyang homily,
04:21pinaalala ni Bishop Sescon
04:22na gaya ni Jesus Nazareno
04:24ay dapat matuto tayong magkusang bumaba
04:26dahil sibol ito ng pagmamahal.
04:28Sa ating bayan ngayon,
04:32may mga ayaw bumaba
04:33kahit malina at bistado na.
04:38Ayaw bumaba
04:39kahit pahirap na sa bayan.
04:41Ayaw bumaba
04:46kahit nagdurusan na ang mga mahihirap.
04:50Ayaw bumaba
04:51kahit pinabahana
04:53at nasisira na ang bayan.
04:57Ayaw bumaba
04:58kahit hindi karapat dapat.
05:02Tumigil na.
05:04Tama na.
05:06Maawa na kayo sa taong bayan.
05:11Mahiya namang kayo.
05:14Bumaba na ng kusa.
05:16Alang-alang sa awa
05:18at pag-ibig.
05:19Kabilang sa nakisa sa misa
05:21si Krishka at Derek
05:23kasamang apat na taong gulang
05:24nilang anak na si EA.
05:25Every year namin itong ginagawa.
05:27Mas napapanatag yung
05:28pag-asama naming mag-asawa.
05:31Lalong tumatatag yung
05:32pag-ano namin pagsasama.
05:34Since naging kami,
05:36six years na din kahong
05:37nag-devotion din.
05:39Importante sa akin na pag-ahawag sa lubid
05:40dahil dito na tutupad ko
05:42yung mga hiling ko
05:44sa pokesis na sarino.
05:46Ayon sa mga opisyal ng simbahan,
05:48naging mas mabagal
05:49ang galaw ng andas ngayong taon.
05:52Mahigit anim na oras daw
05:53ang itinagal ng paggalaw nito
05:54mula Finance Road
05:56hanggang Ayala Bridge
05:57na halos isang kilometro lang
05:58ang layo.
05:59Nakabagal daw sa kilos
06:00ng andas
06:01ang pag-akyat ng mga deboto rito
06:02at ang hindi pantay
06:04na daanan ng andas.
06:05Atin pong mga
06:06sinubukang isara
06:08ipagbawal yung mga
06:09deboto po natin
06:10sa mga ilang kalsada
06:12na bridge po
06:13na sobrang dami po
06:14nung deboto natin.
06:16And hindi naman po natin
06:19siyempre ipagbabawal talaga.
06:21Ang amin po ay sinubukan po namin
06:23na isara
06:24at ipagbawal
06:25sa mga deboto
06:26at kung sakaling mag-breach
06:29na overwhelm po
06:30yung aming
06:31ginawang
06:32pagsasara.
06:35Nakiusap naman
06:36si Nazareno 2026 spokesperson
06:38Father Robert Arelliano
06:39sa mga deboto
06:40na huwag salubungin
06:41at harangan
06:42ang andas.
06:43Para sa GMA Integrated News
06:45ako si Jomer Apresto
06:46ang inyong
06:47saksi.
06:50Mga kapuso
06:51maging una sa saksi.
06:53Mag-subscribe sa GMA Integrated News
06:55sa YouTube
06:56para sa ibat-ibang balita.

Recommended