00:00Kinansila ng Department of Energy ang mga kontrata ng Solar Philippines Power Projects Holding,
00:05kumpanyang itinatag ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste.
00:10Ito ay dahil sa kabigoang tuparin ang mga commitment nito sa mga kontrata na aabot sa halos 12,000 megawatts.
00:18Pinagbabaya din ang kumpanya ng multang umaabot sa 24 billion pesos.
00:24Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
00:25Dahil bigong maideliver ang commitment na halos 12,000 megawatts na power supply,
00:34kinansila ng Department of Energy ang mga kontrata para rito ng Solar Philippines Power Project Holdings,
00:41kumpanyang itinatag ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste.
00:46Ang kanselasyon, bahagi ng mas malawak na paglilimis daw ng DOE sa mga hindi natutupad na kontrata.
00:54Sa isang mensahe sa GMA Integrated News, sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na mga lehitimo at seryosong investors lamang
01:03ang gusto nila sa energy sector.
01:06Kaya kinansila nila ang mga kontratang aabot sa 17,000 megawatts ng renewable energy,
01:13kabilang ang sa Solar Philippines.
01:15Ayon kay Garin, ilang beses silang nagpadala ng show cost orders at iba pa,
01:20pero wala raw silang nakuhang tugon sa Solar Philippines.
01:24Pinagmumulta sila ng tinatayang 24 billion pesos.
01:28Dagdag ni Garin, ang kanselasyon ay base lamang sa discipline, performance,
01:33at pagpapatupad ng kanilang contractual obligations.
01:37Pagsunodan niya ito sa integridad ng mga kontrata at pananagutan sa publiko
01:42at hindi dahil sa politika.
01:45Ayon pa sa kalihib, posibleng kulangin na ang reserbang kuryente sa hinaharap
01:50at hindi mangyayari ang inaasahan sa nang pagbaba ng presyo ng kuryente.
01:55Hininga namin ang reaksyon si Leviste at ang Solar Philippines,
01:59ngunit wala pa silang tugon.
02:01Tungkol naman sa umano'y pagbebenta ng shares ng kumpanya ni Leviste
02:05ng walang pasabi at pagpayag ng kamera na nagbigay ng prangkisa nito,
02:11sinabi ng isang vice chairperson ng House Committee on Legislative Franchises
02:15na i-investigahan ng kumite ang issue kung may maghahain ng resolusyon.
02:20Sir, kailangan kung may reso, hindi po pwede mo ito.
02:25Well, first, let me just say it's my first term as a congressman.
02:30From my understanding, there has to be some kind of resolution
02:33because that's the formal way of actually bringing it to the attention of the committee.
02:37Kamakailan, sinabi ng kongresista na magbibigay siya ng dalawang linggo
02:42para sabihin na ng mga tao ang lahat tungkol sa kanya
02:45sa kanya ito sasagutin sa pagbubukas ng kongreso sa January 26.
02:51Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatutok 24 Horas.