00:00Ito ang GMA Regional TV News.
00:06Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
00:10Patay ang isang batang babae matapos mabangga at magulungan ng pick-up sa Suyo, Ilocosur.
00:18Chris, ano ang detalya ng pangyayari?
00:22Connie, biglang tumakbo ang bata patawid sa National Highway.
00:26Sa kuha ng CCTV sa Barangay Uso, makikita ang pick-up na binabagtas ang National Highway.
00:33Maya-maya, tumawid ang bata at nabangga ng pick-up.
00:36Sumaklolo ang ina ng bata.
00:38Huminto ang pick-up at bumaba ang driver nito at lumapit sa mag-ina.
00:43Dead on arrival sa ospital ang pitong taong gulang na biktima dahil sa mga tinamonyang sugat.
00:49Ayon sa pulisa, hindi napansin ang ina ng bata na bumaba na ang anak sa tricycle at patakbong tumawid.
00:55Nagkaayos na raw ang pamilya ng biktima at ang driver ng pick-up.