00:00Higit 80 km mula sa Hilagang Kanlura na bahagi ng Palawan ang lokasyon ng Malampaya East 1,
00:09sakop ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
00:14Kasunod ng inanunsyo ng Pangulo na pagkakadiskubre rito ng hanggang sa 98 billion cubic feet ng natural gas,
00:22tiniyak ng Philippine Coast Guard ang deployment ng kanilang asset para magbigay proteksyon.
00:27Kabilang na ang mga 97 meter at 44 meter vessel.
00:32Gayun din ang pagpapalipad ng aeroplano.
00:35The Philippine Coast Guard will be more proactive.
00:39Kaya sinabi ko, we will be strategically deploying and realigning our assets para maprotektahan itong MAE-1.
00:49Bukod pa ito, sa pagbabantay sa iba pang bahagi ng West Philippine Sea,
00:54Sa ulat na inilabas ng PCG, naobserbahan noong 2025 na mas lumalapit pa ng hanggang sa 20 nautical miles
01:02mula coastline ng Luzon, particular sa bahagi ng Sambales, ang mga barko ng China Coast Guard.
01:09Kaugnay nito, napansin noong nakaraang taon na mas malayo na sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc
01:14ang operasyon ng mga mayangis ng Pilipino.
01:18Kaya't mas naging kalat ang kanilang lokasyon para may pagpatuloy ang payangisda.
01:22They are focusing on moving them farther, palayo ng Bajo de Masinloc,
01:26kung kaya't napapalapit din yung mga Chinese Coast Guard.
01:30Because whenever they drive them away, they are also tailing all these Filipino fishing boats.
01:34Sa gitna nito, pinaiting ng PCG ang pagpapatrolya, kung saan sa kada buwan noong 2025
01:41ay umaabot ng 31 patrol days ang kanilang mga barko.
01:46Our main objective is to, one, prevent the Chinese Coast Guard in normalizing their illegal presence.
01:53Secondly, that is to ensure the safety and security of our Filipino fishermen.
01:57Kabilang sa binabantayan ng Chinese Research and Survey vessels na umabot sa 46 ang namonitor na aktibidad noong nakaraang taon.
02:07Hindi rin may tuturing na simpleng pagdaan lamang dahil kung sisiyasatin ang kanilang naging track.
02:13Ilan sa mga ito ay kahalintulad ng maritime surveillance na maaaring may kaugnayan sa submarine mapping ayon sa PCG.
02:21There are a lot of instances already na nagpalipad tayo ng aeroplano, nagdeploy tayo ng balko,
02:28and we saw some of those Chinese research vessels na nagbababa ng kanilang sariling mga underwater drones for research.
02:38Patrick Dezos para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.