00:00Nagkasundo ang Philippine Amusement and Gaming Corporation of PagCore at ang Philippine Sports Commission of PSC
00:05na pagandahin ang mga sports facilities sa bansa at palakasin ang support na sa mga atletang Pinoy.
00:12Inihayag ito ni Executive Secretary Ralph Recto matapos ang pakipagpulong sa dalawang ahensya.
00:17Layon itong bigyan ng maayos sa pasilidad at espasyo ang mga atletang Pinoy para lalo pa mahasa sa sports at makapagsana'y ng mga kampiyon,
00:25hindi lang sa Pilipinas kung hindi maging sa labas ng bansa.
00:28Kukumplituhin ng PagCore at PSC ang Ilocos Norte Sports Institute and Research Building
00:33na magbibigay daan para sa pagsasanay sa bowling, gymnastics, badminton, sepak takraw at iba pang sports.
00:41Pabibilisin din ang paggawa ng General Luna Convention Center sa Siargao na magsisilbing training facility
00:46at academy para sa surfing, coastal rowing at iba pang sports activities.
00:52I-applede naman ang Siargao Sports Complex at lalagyan ng basketball, volleyball, badminton at rubberized track oval.
01:00At tatayuan din ang dormitoryo para sa mga atleta at ng convention center.
01:05Gagawin namang regional training center ang Zamboanga City Sports Complex sa Zamboanga Peninsula.
01:09Bukod sa pagsasanay, nasaan din itong magpapalago sa sports tourism
01:14at magbibigay daan para manguna ang Pilipinas sa pag-host ng mga international competition
01:19na magpapalakas sa posisyon ng bansa sa global sports stage.