• 10 months ago
Mga asset ng Philippine Navy, handang protektahan ang Malampaya East-1 kasabay ng pagbabantay sa iba pang bahagi ng West Philippine Sea

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://thao.funnymoment.net/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://thao.funnymoment.net/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tiniyak ng Philippine Navy ang kanilang kahandaan at kakayahan para proteksyonan ang Malampaya East 1 mula sa anumang maaring banta.
00:08Narito ang ulat ni Patrick E. Jesus.
00:12Sagana sa likas na yaman ang West Philippine Sea.
00:16At isa na sa patunay rito ang pagkakadiskubre ng karagdagang natural gas sa Malampaya East 1
00:22na pinaniwalaang aabot ng 98 billion cubic feet.
00:26Higit 80 kilometro ang distansya nito mula sa ilagang kanluran na bahagi ng Palawan.
00:32Gaya ng pagbabantay sa iba't ibang parte ng West Philippine Sea sa gitna ng mga insidente ng agresibong aksyon,
00:39tiniyak ng Philippine Navy ang kanilang kapabilidad para proteksyonan ang Malampaya East 1.
00:45Ayon kay Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad,
00:51subok na ito ng higit sa dekada ng pagbabantay ng Joint Task Force Malampaya sa ilalim ng AFP Western Command.
00:59Dagdag ni Philippine Navy spokesperson Captain Marisa Martinez,
01:03ang mga aset na nasa pangalagan ng Westcom ay may kapabilidad para sa naval, surface, air at special operations.
01:11Binigang diin ng Malacanang ang ginhawang mayahatid ng matagumpay na drilling exploration sa Malampaya East 1,
01:19limang kilometro ang layo mula sa kasalukuyang Malampaya Gas Field na inanunsyo mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
01:26Punto ng Palasyo, ang 98 billion cubic feet of natural gas sa Malampaya East 1 ay kayang magsupply ng kuryente sa milyon-milyong kabahayan at gusali sa loob ng isang taon.
01:39Makatutulong din ang bagong gas reserve upang mabawasan ang pag-angkat ng imported fuel at matiyak ang mas mura at mas malinis na enerhiya para sa sambayanan.
01:49Natagpuan din sa operasyon ng Condensate, isang high-value liquid fuel na magpapalakas pa sa power supply ng bansa.
01:58Pagbibigay diin ng Malacanang, bunsod na rin ito ng hakbang ng Pangulo na nakatoon sa pagtatrabaho at hindi sa politika.
02:06Lalo't naging posible ang makasaysayang pagtuklas matapos aprobahan ng Pangulo ang renewal ng Service Contract 38 noong 2023.
02:14Ang Malampaya East 1, ang kauna-unahang gas discovery sa Pilipinas matapos ang higit sa isang dekada.
02:23Ang Malampaya East 1 discovery ay maituturing na milestone sa phase 4 ng drilling project.
02:30Maipagmamalaki din ang bansa na Pilipino ang nanguna sa drilling o gas exploration at natapos ito ng walang aksidente o environmental incident.
02:39Dagdag enerhiya tungo sa progreso, tunengang tagumpay ng bawat bansa at bawat Pilipino, ang bagong tuklas na gas reserve sa Malampaya.
02:51Hindi naging hadlang sa Pangulo ang mga nakaraang isyo ng korupsyon para pagsumikapan ang matagumbay na drilling exploration ngayon.
03:01Patrick De Jesus para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.

Recommended