Skip to playerSkip to main content
Puno na muli ng mga turista ang makasaysayang Notre-Dame de Paris sa France lalo't tapos na ang konstruksyon sa mga nasunog na bahagi nito.
Kabilang sa mga bumibisita ang ilang Pilipino.
Tinutukan 'yan ni JP Soriano.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Puno na muli ng mga turista ang makasaysayang Notre Dame de Paris sa Bansang France.
00:07Lalo tapos na ang konstruksyon sa mga nasunog na bahagi nito.
00:11Kabilang sa mga bumibisita ang ilang Pilipino, sinutukan niya ni J.P. Soriano.
00:21Tinutukan ng buong mundo ang pagkasunog ng ilang bahagi ng isa sa pinakatanyag na simbahan sa buong mundo,
00:27ang Notre Dame Cathedral o Notre Dame de Paris sa Paris, France.
00:35Marami ang nanlumo noon, lalo pat kilala ang Notre Dame de Paris dahil sa nakamamangang Gothic architecture nito
00:40at mga makasaysayang seremonya sa France.
00:45Gaya ng koronasyon ng dating general ng France na si Napoleon,
00:49mas lalo pang napalapit sa mga tao ang Notre Dame de Paris dahil ito rin ang setting ng isang tanyag na nobela
00:56na The Hunchback of Notre Dame na isinulat ng French author at dating mambabatas ng France na si Victor Hugo.
01:05Matapos masunog,
01:07umasa ang mga taga-France at mga deboto sa iba't ibang panig ng mundo na maayos ang makasaysayang landmark.
01:14December 2024, muling binuksan sa publiko ang Notre Dame de Paris pero hindi pa lahat ng bahagi gaya ng Notre Dame Tower.
01:23At makalipas ng mahigit limang taon, natapos na ang konstruksyon ng tower.
01:28Nang bisitahe ng GMA Integrated News ang Notre Dame de Paris.
01:33Punong-puno na ulit ng mga turista ang makasaysayang Parisian landmark kabilang na ang ilang Pilipino.
01:39Ang nakapaganda.
01:41Yeah, I think it's stunning inside.
01:45Really, really nice.
01:47Yung mga structures and the way they presented it.
01:53We were here at last, I think two years ago, but it was under construction.
01:57Ang Notre Dame de Paris, na isa rin UNESCO World Heritage Site, ay isang katedral kung saan naroon din ang ilan sa mga pinaka-importanting relics ng Christian faith, gaya ng Crown of Thorns.
02:10Ang muling pagbubukas ng Notre Dame Cathedral matapos itong masunog patunay na habang may buhay, may pag-asa.
02:16Simbolo ito ngayon ang katatagan ng isang istruktura para sa kultura at pananampalataya ng France, pati na rin ng buong mundo.
02:24Mula rito sa Notre Dame Cathedral sa Paris, France at para sa GMA Integrated News,
02:29JP Soriano, nakatutok 24 oras.
02:32Mula rito sa Kultura at para sa GMA Integrated News,
Comments

Recommended