Sinampahan pa ng ikalawa at ikatlong impeachment complaint si Pangulong Bongbong Marcos sa Kamara kanina.

Pero ang dalawang bagong reklamo, hindi tinanggap sa opisina ng Secretary General sa Kamara.

Sinampahan pa ng ikalawa at ikatlong impeachment complaint si Pangulong Bongbong Marcos sa Kamara kanina.

Pero ang dalawang bagong reklamo, hindi tinanggap sa opisina ng Secretary General sa Kamara.

Sinisikap pang makuha ng GMA Integrated News ng pahayag ang Secretary General ng Kamara na tatanggap ng award sa Taiwan bukas, kaya wala kanina.

Sabi naman ng Malacañang, handa ang pangulo na harapin ang reklamo.

24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sinampahan pa ng ikalawa at ikatlong impeachment complaint si Pangulong Bongbong Marcos sa Kamara kanina,
00:07pero ang dalawang bagong reklamo hindi tinanggap sa opisina ng Secretary General sa Kamara.
00:13Nakatutok si Tina Pangniban Perez.
00:18Nagprotesta sa Southgate ng Kamara ang grupong bagong alyansang makabayan at mga kaalyado nito
00:24bago nagtungo sa Office of the Secretary General ng Kamara para ihain ang pangalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:33Ang grounds ng reklamo, betrayal of public trust, kaugnay na mga umano'y maanumalyang flood control projects,
00:41kasama sa mga ginawa raw ng Pangulo na ka-impeach-impeach ay ang paglalatag ng sistema raw ng korupsyon sa pamamagitan ng allocables,
00:49pag-abuso sa kapangyarihan sa paggamit ng unprogrammed appropriations at personal na pagkakasangkot sa budget insertions at kickback schemes.
00:59Kasama sa mga ebidensya ng grupo ang cabral files, affidavit ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo
01:07na nagdetalya ng bilyong-bilyong pisong kickback o mano sa mga senador at opisyal sa ehekutibo
01:13at transcript ng Senate Blue Ribbon Committee hearing.
01:17Inendorso ang reklamo ni na-Representative Antonio Tinio ng Act Teachers Party List,
01:22Renee Coe ng Kabataan Party List at Sara Elago ng Gabriela Women's Party.
01:28Pero tumanggi ang Executive Secretary ng Office of the Secretary General na tanggapin ang impeachment complaint
01:34dahil nasa abroad si House Secretary General Celoy Garafil.
01:38Ayon sa kanya, wala siyang authority to receive the complaint.
01:42Nag-iwan kami ng kopya doon sa opisina.
01:47Under the rules, it is enough that we submit to your office.
01:50At we expect that on Monday, this will be transmitted to the Office of the Speaker.
01:55Nihindi binanggit sa konstitusyon yung word na Secretary General.
02:00Ang House lang ang naglagay ng Secretary General, sinunod naman namin ang nakalagay doon Office of the Secretary General.
02:08Umakyat ng grupo sa Office of the Speaker para ipaalam ang nangyari.
02:12Pero walang tao roon dahil nakareces ang Kongreso.
02:16Ang panawagan natin sa kanya ay tanggapin ito, tiyakin na matanggap ito, at tiyakin na maisama sa order of business.
02:28More than one impeachment complaint, sabay na i-refer sa Justice Committee para matiyak na kasama ang lahat ng ito sa iisang impeachment proceeding lamang.
02:40Kung kinakailangan, handa naman daw silang bumalik sa lunes.
02:44Nagtangka rin maghain ang impeachment complaint laban sa Pangulo ang ilang dating opisyal ng gobyerno, pero bigo rin.
02:51Sa hindi pagtanggap nila, it is not only a violation of the rules, but of course of the Constitution.
03:05There is no discretion given to the Secretary General to reject, screen, delay, or block such filings.
03:13Pinag-aaralan daw nila ang iba't ibang legal option kasama na ang pagdulog sa Korte Suprema.
03:19Why would we burden ourselves to go back here on Monday and be part of the moro-moro na alam naman namin yung scam impeachment ni Jesus ang iti-take up nila?
03:31Ang tinutukoy ay ang impeachment complaint laban sa Pangulo na inihain itong lunes na kung tanggapin ang Committee on Justice ay magbabawal na sa iba pang reklamong impeachment laban sa Pangulo sa loob ng isang taon.
03:46Duda ng iba, sinagsya ito at mahina.
03:48Sigurado kami, yung first impeachment complaint is a scam complaint.
03:54Isang maletang puno ng mga dokumento ang kalakip ng ikatlong impeachment complaint.
03:59Ang grounds for impeachment na binanggit nila ay culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust, graft and corruption, at other high crimes.
04:10Hindi pinangalanan ang tatlong kongresistang nag-endorse o umano ng reklamo dahil hindi naman ito tinanggap.
04:16Lahat sila nakasuot ng peach ribbon.
04:20This is the same color of ribbon that we wore during the successful impeachment of then-come-elect chairman Andres Bautista Jr.
04:29Peach to ito eh. Impeach.
04:31Sabi rin ang isang impeachment prosecutor.
04:34The rule speak of file before the Secretary General, it refers to the office of the Secretary General, not to the person herself.
04:41Kasi, pwede yung going excuse yan eh. Kung ayaw niya magpapali, hindi siya sisipot sa upilihan niya.
04:48Di ba, pwede ba yan? Hindi naman siguro pwede yan.
04:50Ikapanaming kunan ang pahayag ang Secretary General ng Kamara na tatanggap ng award sa Taiwan bukas kaya wala kanina.
04:58Sabi naman ang Malacanang, handa ang Pangulo na harapin ang reklamo.
05:02Ang malakas po ang loob ng ating Pangulo na wala po siyang nalabag na anumang batas at hindi po siya gumawa ng anumang impeachable offense.
05:12Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, Nakatutok 24 Horas.

Recommended